ELEVENTH MEETING

163 5 0
                                    

ELEVENTH MEETING

"So bhe. Sinong pipiliin mo? Si Joong Ki, TOP, Enchong, Sir Ponytail(yung isa ko pang crush na professor na may long hair) o si Sir Stranger?" Natatawang tanong ni Gely dahil una pa lang alam na niyang hindi ako makakasagot.

"Oo nga bhe. Mamili ka na dali! Isa lang!" Pag uudyok ni Jana.

Nag isip ako ng napakalalim. "Bakit ko pa kailangan mamili. Eh pwede namang sakin silang lahat? Hahaha."

Tiningnan nila akong dalawa ng nakasimangot.

"Fine! Eh bakit ba kasi kailangan kong pumili! Pwede naman akong magpaalam sa kanila na.... Ganitong araw si Oppa joongki. Bukas si Top. Next day si Enchong and goes on and on and on."

"Baliw ka! Isa nga lang!" Sabi ni Jana.

Nasa cafeteria kaming tatlo habang iniintay sila Eve at Ailee.

"Pwede bang si Sir Philo o Sir Ponytail na lang? Mas madali yun eh." Sabi ko. Kasi si Sir Ponytail hindi naman talaga namin naging prof. Nakikita ko lang siya madalas. Naastigan lang ako sa kanya. May pagka desenteng bad boy ang aura ni Sir Pony. Eh si sir Philo mala boy next door ang datingan. Kaya mas bet ko si Sir Philo tska prof. Ko kaya siya kaya mas nakakasama ko siya.

"O sige. Para mas madali." Sabi ni Gely ng nakangiti pero hindi ko talaga gusto pag ngumingiti siya ng ganyan eh. Nakakaloko. Simula first year magkakasama na kaming tatlo ni Jana at Gely kaya alam na alam na namin ang isa't isa.

Hinintay ko ang sasabihin niya.

" Si Joong ki o ...si Sir Philo?"

And boom.

Napayuko na lang ako sa table at umiling iling.

Yan na ang pinakamahirap na tanong na tinanong sa buhay ko!

Kilala niyo ba si SongJoong Ki? Oppa ko yun! Mas nauna sia kay sir Philo. Patay na patay ako kay Oppa. Buhay na buhay naman ako kay Sir Philo. Sinong pipiliin ko?

Para akong pinapapili kung ano ang pinaka favorite book ko. Pag tinanong mo ng ganito ang isang book freak ay ewan ko lang kung makakasagot dahil hindi ko din masagot yan. Sa dami ng nabasa ko ang dami ko ng favorite! Hindi pwedeng isa lang!

Para din akong pinapili kung ano ang susundin ko. Puso ko ba o isip? Parang the heck. Kailangan both! Pag puso may kasamang isip!

Ang hirap!

"Ano? Sagutin mo na dali." Natatawang sabi niya.

Sa tabi ko tumatawa lang si Jana dahil alam niyang nahihirapan ako.

Tingnan niyo tong mga kaibigan ko! Ang sasama! Tinotorture ako! Harrassment ito! Haha

"Waaah! Ang hirap! Si ano... bakit ba kailangan kong pumili!"

"Syempre. Isa lang naman ang mapapangasawa mo." Natatawang sabi niya.

Minsan talaga iniisip ko kaya wala kaming mga boyfriend magkakabigan kasi mga baby pa ang pag iisip namin. Mga carefree ba. Hindi mahilig mag ayos. Kung ano anong kabaliwan ang pinag gagawa. Anyway kaya siguro nagsama sama din kami kasi pare-parehas kaming mga baliw. Haha.

"Pwede ko naman silang pakasalan dalawa! Si Oppa sa korea. Si Sir dito sa pinas." Katwiran ko.

Sinimangutan lang ako ni Gely. "Assumera ka eh noh?" Sabi niya.

"Pumili ka na kasi bhe. Si oppa o si Sir." Sabi ni Jana.

"Joongki itawag mo bhe. Ako lang ang oppa."

"Edi oppa MO. Pili na!"

"Uhmmmmm..... ang pipiliin ko.. PAGKAIN. Kain na tayo? Nagugutom na ko eh. Hehe." Tumayo na ko ng natatawa at pumunta sa stall ng pagkain.

Hello, Sir StrangerWhere stories live. Discover now