SIXTH MEET

162 4 0
                                    

SIXTH MEET

One week walang ilaw at tubig samin dahil sa bagyo.

Bago pa mag Saturday nakailang dasal na din ang ginawa ko at sa bawat dasal ko tanging ang kagustuhan ko lang ay,

'Papa God. Please.. please.. sana may pasok po sa Saturday.'

Alam ko para akong ewan pero ano bang magagawa ko? Saturday lang ang gustong gusto kong pasukan! Pag Saturday lahat ng cells ko sa katawan nabubuhay! Ang puso ko hardworking pag sabado. Sige pump lang ng pump. Nakakadaloy tuloy ng maayos ang dugo ko sa katawan.

Pero walang biro yun talaga ang sinasama ko sa bawat dasal ko. Mawalan na ng pasok sa iba kong subject wag lang philosophy. Iba eh. To the highest level ang inspirasyon ko dun! Yung binabasa ko ung mga readings tsaka ung report namin kahit matagal pa kaming magrereport. Oh diba? Iba impact sakin eh.

Friday night na wala pa ding ilaw at tubig samin. As in nganga. Last ligo ko nung Sunday pa. Haha. Joke lang. Kahapon last ligo ko. Kailangan kasing magtipid ng tubig at lima kami ngayon sa bahay.

Yung phone ko dead batt. Wala kong balita sa mundo. Para akong isang cave man. Buti na lang matibay ang battery ng phone ng ate ko at may spare batt pa siya kaya nakisaksak muna ako ng sim dahil balita ko bumalik na ang klase pero di ko sure. Kasi nga madami pang walang ilaw at tubig.

Pinatawag ko si Jana sa number ko. Ilang saglit lang nag ring na ang phone ko.

Ako: "Hello bhe?"

Jana: oh bhe.

Ako: Wala pa kaming ilaw at tubig! Sa inyo meron na?

Jana: oo meron na samin. Oh wala pa din kayo? Kawawa ka naman bhe *tumawa*

Ako: walanjo ka! May pasok ba?

Jana: hindi ko alam. Pero may post kasi sa fb.

Ako: pano ako maliligo? Wala pa kaming tubig! Text mo kaya si Sir? Tanong mo kung meron. Ayan ah tingnan mo pinapa segway na kita! *tawa*

Jana: *kilig na tawa* ay sige sige. Tawagan kita ulit.

Mabilis pa sa alas kwatro niya binaba yung phone. Tingnan mo nga! Ako na nagbigay sa kanya ng pagkakataon kay sir! Mmph! Nahihiya kasi akong itext si Sir. Baka umamin ako ng di oras. Haha. De joke lang.

After mga 30 minutes ata tumawag na ulit si Jana.

Jana: nagreply na si sir! *kinikilig*

Ako: ano ano dali! *excited*

Jana: sabi niya di niya din daw alam. Sabihan daw siya kung anong balita. Eh bhe dun sa post sa FB may pasok na bukas.

Ako: Eh di mabuti! Gusto ko ng pumasok!

Gora kahit walang ligo ligo! Haha.

--------------------------

Saturday.

Malapit na ang prelims namin kaya kaylangan ko ng magbayad ng tuition. Ang problema sobrang haba ng pila.

Late pa ko makakapasok ngayon dahil iniintay ko pa yung iniigib na tubig namin. Pinakuha ko na si Jana ng number sa accounting para pag dating ko malapit na yung number ko.

Grabe inis ko ngayon dahil 7 na nasa bahay pa din ako. 8 na ko makakarating nito. Badterp.

8:15 nakarating ako sa school. Nagmadali na kong pumasok ng room. Juskoo. 1 hour and half din akong late!

Pagpasok ko nagdi-discuss si Sir sa harap at naka violet polo siya match kami kasi naka violet shirt ako na may 'i love roma' na nakasulat bigay ng ate ko galing Rome, Italy. Ansabe ng instant kileg?

Hello, Sir StrangerWhere stories live. Discover now