NINTH MEETING

128 5 0
                                    

NINTH MEET

As usual excited na naman kaming pumasok pag Saturday!

Saturday means Sir Philo! Everything is all about Sir Philo! Siguro kung totoo lang yung pag may nag uusap daw tungkol sayo o may nakaisip sayong isang tao makakagat mo daw yung dila mo ay nako siguradong napaka dami ng sugat ng dila ni Sir dahil hindi pwedeng hindi namin siya maisip sa loob ng isang araw! Everyday!

Nagstart ang klase namin ng mga 7:30 at sabi ni Sir may ipapagawa daw siya saming weird. At kung weirdness ang pag-uusapan ay alam na. Si Sir magaling diyan! Haha.

Pinakuha niya kami ng yellowpad at sabi niya pag 9:00 kailangan na naming bumalik sa room.

May mga sinulat siyang philosopher sa board at hahanapin daw namin yung philosophy nila. Pero unahin daw muna namin yung pagtatanong ng why?

"Makikipag usap kayo sa 10 na tao. Ipapasulat niyo sa kanila yung name and signature nila sa yellow paper tapos tatanungin niyo sila ng 'why?'. Yung sagot nila isusulat niyo beside their name and signature at umalis na kayo."

"For real?" Natatawang sabi ko. Napaka weirdo! Juskoo!

"Eh pano sir pag tinanong nila kung anong dahilan?" Tanong nung isang classmate namin.

"Hindi niyo pwedeng sabihin."

"Sir aalis lang bigla?"

"Kayo bahala. Pero hindi na kayo sasagot. Pagmasdan niyo yung reaction nila at isulat niyo sa remarks." Nakangiting pagpapaliwanag ni Sir dahil alam kong natatawa din siya sa pinapagawa niya.

"Be back at 9:00. I-di-discuss natin yung mga nakuha niyong sagot."

Nagsilabasan na kami at nagsama kaming dalawa ni Eve.

Una naming tinanong yung estudyante papasok pa lang sa klase niya.

After niyang isulat yung pangalan niya tinanong ko siya ng 'why Kuya?'

"Anong why?" Nagtatakang sagot niya.

"Thank you po." Paalam ko sa kanya kahit natatawa ako sa sarili ko dahil parang ewan tong ginagawa namin.

Naghanap pa kami ni Eve hanggang sa gusto ko na lang bumalik sa room dahil nahihiya ako sa ginagawa namin.

Mantakin mo ba naman kasi na magtatanong ka bigla ng 'why?'. Ano nga naman yung pisting 'why' na yan! Parang baliw. Pero sabi nga ni Sir connected tong pinapagawa niya sa topic namin later. Extentialism. Why am I existing ang peg namin ngayon.

Tinanong ko next si ateng janitres.

"Ate pasulat naman ng pangalan mo tska pirmahan mo po."

"Para saan?" Tanong ni ate janitres.

"Kailangan lang po. Please ate. Sige naaa."

"Baka kung ano to ah." Natatawang sabi niya at inabot na ang papel at ballpen na binibigay ko.

"Hindi ate promise. Hindi ka makukulong diyan."

After niyang magsulat, inabot na niya sakin pabalik yung yellowpad. Pagkaabot ko, "ate why?"

Natawa siya. "Sabi mo isulat ko yung pangalan ko diyan."

Natawa na lang din ako at nag thank you sa kanya. Kaloka talaga tong pinapagawa samin ni Sir. Napaka weird.

Mga 8:15 tapos na namin ni Eve. Naka collect na kami ng 10names and signatures kaya nagdecide kaming bumalik na sa room.

Pagkabalik namin, walang tao kundi si Sir. Napatingin pa siya samin kaya nahiya ako. Nag signal lang siya na pumasok kami kaya pumasok naman kami ni Eve.

Kayalang nung ma realize naming hindi pa namin nagagawa yung isa. Umalis na ulit kami at dumiretso sa library para magsearch.

Aist! Sayang! Moment na with Sir un habang wala pa yung mga classmates kong kontrabida.

Nagde-daydream ako ng sarili kong teleserye. Ako ang bida. Si Sir Philo ang leading man ko. At ang mga classmates ko ang kontrabida.

Diba? Parang Me against the world lang ang peg.

After 9:00 bumalik na kami sa room. Nagtanong si Sir ng mga naisulat namin sa yellowpad.

"Ano yung nakakatawang sagot nila sa inyo?" Tanong ni Sir at nagtawag siya ng mga pangalan. Halos kabisado na din ni Sir lahat ng names namin. Hindi na tuloy special pag tinatawag niya ko. :3

Pero infairness ang galing niya talagang tumanda ng pangalan. Clap clap!

"Ms. Dionne ikaw?" Tawag niya.

Nagulat pa ko kasi hindi naman ako nakatingin sa kanya. Kasi nga diba nadidistract ako kaya sa iba ako natingin. Once na tumingin ako kay Sir hindi ko na maiintindihan ang mga pinagsasabi niya.

"Ahh. Sir yung kay ate Janitres. Sabi niya po nung tinanong ko siya ng why, 'sabi mo isulat ko yung pangalan ko diyan eh!' Tapos tumawa po siya." Pagpapaliwanag ko.

Nag thank you si Sir after niya magtawag. Nagsimula na siyang magdiscuss at ako tumingin na sa labas ng glass window at pinanuod ang mga patong naka fall in line sa paglalakad.

Hello, Sir Strangerحيث تعيش القصص. اكتشف الآن