SECOND MEET

270 9 2
                                    

SECOND MEET

Halos buong linggo ko ding naisip si Sir Philo. NAISIP. Hindi INISIP. Malaki ang pagkakaiba ng dalawang yan. Pag NAISIP ibig sabihin sumasagi lang sa isip mo pero pag INISIP voluntary mong inisip. Ahh bast malaki ang kaibahan niyan. Baka kasi kung anong isipin niyo. Nagpapaliwanag lang.

Sir Philo tawag ko, short for Philosophy. Ako kasi yung estudyanteng hindi palatandain sa mga pangalan ng professors at the fact na hindi ko naman talaga alam ang pangalan ni Sir, kaysa tawagin ko siyang Sir Stranger edi mas maganda na kung Sir Philo diba?

After ng class namin kay Sir nung last Saturday naging topic na din siya ng iba kong classmates. May classmate ako na sabi niya nakasalubong daw niya si Sir sa hallway na walang suot na maskara, may itsura daw. Pero syempre iba pa din pag ako ang nakakita sa kanya, with my own two eyes.

According naman sa sinabi ni Sir na wala siyang balak tanggalin ang mask niya, let’s see. Baka maawa siya at tanggalin din niya.

7am na pero nasa jeep pa din ako. Ngayon alam ko na talaga na late ako makakapasok. Buti na lang hindi ako nag-iisa kasi nakasabay ko sila Jane at Patty, mga classmates ko. Hindi na masyadong nakakahiya pumasok mamaya. Hindi katulad pag mag-isa ka tapos papasok kang late sa room. Biglang parang may spotlight na tututok sayo kasi lahat sila mapapalingon. Kulang na lang sumigaw ka ng ‘Goodmorning Madlang People!’ at simulan ang production number mo. Eh kasi naman diba? Hanggang pag-upo mo nakatingin sila sa’yo. Parang KASALANAN KO BANG TRAFFIC LANG DYAN SA MAY LABAS KAYA AKO NA-LATE?

“May assignment ka?” tanong ni Jane sakin.

“Yung what is philosophy?”

“Oo.”

“Alam ko recitation yun. Kailangan ba isulat sa yellow pad?” tanong ko. Alam ko naman kasi talaga magre-recitation lang. Patay ako pag ipapasa pala hindi ko pa naman sinulat.

“Hindi ko alam eh.” Sagot niya.

Yan tayo eh. Haha. Masisipag na estudyanteng hindi alam ang gagawin. Medyo malugo kasi yung pagsabi nung isa naming classmate about sa assignment na sinabihan ni Sir. Ay magulo din ako noh? Yaan niyo na nga.

7:30 na ng makarating kami sa school. Nganga kami nito. Absent na.

Buti wala namang sinita samin sila manong Guard. Dire-diretso lang kami sa pagpasok. Naka pink blouse with brown pants and doll shoes lang naman kasi ang suot ko. Ano pa bang masisita dun? SIMPLENG SIMPLE na nga lang ng suotan ko. Nakaback- pack lang din ako palagi. Naiilang kasi ako pag shoulder bag... parang ang girly ko tingnan kaya bihira lang din akong mag-shoulder bag.

Dali-dali na kaming umakyat. Pagdating sa tapat ng room umi-stop kami pare-pareho at nagtinginan.

“Ikaw na unang pumasok Dionne.” Pagtutulak ni Jane.

“Sabihin mo Goodmorning Sir, sorry we’re late.” Sabi naman ni Patty na akala mo hindi ko alam ang mga katagang yun eh tatlong taon ko na yun sinasabi.

Nagdalawang-isip pa ko bago ko hinawakan yung handle ng pinto. Kahit naman lagi akong late may hiya pa din naman akong pumasok pero dahil nga wala akong choice tinuloy ko na din.

Pagkapasok ko nakatingin ako sa unahan. Alam ko nakasunod lang din sa likod ko sila Jane.

Nag-buffer ata ang utak ko saglit at hindi ko agad nasabi ang dapat sasabihin ko. Pano ba naman nagkamali ata kami ng pinasukang room.

Bakit may gwapong nilalang sa unahan at nakaupo sa professor’s table?

“Morning Sir.” Narinig kong sabi ni Jane galing sa likuran na nagpabalik sakin sa wisyo. Tinulak niya pa ko bahagya para mauna sa paglakad papunta sa mga upuan namin.

Hello, Sir StrangerWhere stories live. Discover now