THIRD MEET

219 8 0
                                    

Sa ganitong pagkakataon dapat nakasakay na ako sa jeep pauwi sa bahay namin pero heto ako ngayon kasama si Jana maglakad pauwi sa kanila. May mga times kasi last sem na sinasamahan ko si Jana maglakad talaga. Ganyan ko kamahal yang babaitang yan. Anyway balak ko din naman siyang yayaing mag ice cream kasi may madadaanan naman kaming 7 eleven.

"Grabe ang daya talaga!" Halos hindi pa din makapaniwalang sabi ni Jana. Hindi pa din kami nakaka-move on parehas sa pangyayari kanina. Yung nakasalubong namin sa hallway si sir.

"At nakangiti pa si Sir nung nag-hi SAYO!" Pag-po-point out pa niya.

Natatawa lang ako. Wala kasi akong masabi. Kinikilig pa din kasi ako hanggang ngayon.

"Parehas naman tayong nag-hi!" Sigaw na dugtong pa niya.

"Alam niya pangalan ko bhe!" Halos hindi ko makapaniwalang sabi at kung literal lang na may abot tengang ngiti ay nako! Lagpas pa sa tenga ang ngiti ko ngayon. Mga abot bunbunan pa!

"Hindi! Alam ko na kung bakit niya alam! Kasi pauli-ulit kitang tinawag kanina!" Pamimilit niya sa hindi naman talaga. Nice try bhe.

"Wag ka nga. First day pa lang kilala na niya ako!"

Inismidan niya lang ako. "Magpapakilala nga ako kay Sir!"

"Ay bhe gawin mo yan. Lapit ka sa desk niya next meeting tapos sabihin mo *with very slutty voice* Hi sir, I'm Jana."

Parehas kaming natawa. "Gagawin ko yan!" Natatawang biro niya.

"Well goodluck. Ice cream tayo?" Yaya ko sa kanya. Dahil ang nangyari ngayon ay karapat dapat lang i-celebrate. Haha.

"Tara." Tugon niya.

-----------------------------------------

Hanggang sa 7 eleven ang usapan pa din namin ay tungkol kay Sir at hanggang pag uwi ay kinikilig pa din ako. Yung tipong nakasakay na ko't lahat sa jeep pero ang tumatakbo pa din sa isip ko ay yung nangyari kanina.

Halos ngumingiti na nga ako mag isa, bahala na kung sino makakita at isiping nababaliw na ko. I'm happy and I don't care ang peg ko ngayon.

4pm na din ako nakauwi at walang tao sa bahay namin. Baka na kanila tita ang pinakamamahal kong ina.

Pagpasok ko sa bahay agad akong dumiretso sa kwarto ko at anong unang gagawin ko?

Gosh tinatanong pa ba yun? Syempre buksan ang computer at hanapin sa Fb si Sir Philo! The good thing about FB is instant stalking website! Lols.

Palalagpasin ko pa bang hindi i-istalk si Sir? Ako si Dionne at may stalking powers ako! :3

Nakita ko sa slide presentation ni Sir ang totoo niyang pangalan kaya ano pa bang hinihintay ko. Itinype ko sa search box at ang unang titingnan ko syempre kung may girlfriend! Humanda sa panglalait ang girlfriend niya kung sakali! Mwahaha. -insert evil laugh- pero joke lang. Mabait ako. Hindi ako manlalait promise (pwera lang kung kalait lait naman talaga :p)

Anyway... mga lumabas sa search result ay hindi siya. Almost 30minutes din ata akong naghanap. Napunta na ko sa google, youtube, twitter pero wala! Anong nangyayari? Humihina na ba ang stalking powers ko? Nooooo waaayy!

Wala talagang lumalabas na account ni sir. Wala ba siyang FB? Imposible! Ano siya alien? Wait.. wait.. don't tell me.. siya ba si Do Min Joon?( my love from the star)

Sabi ko nga nag e-exag na naman yung imaginative mind ko.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at hindi ko alam bigla ko na lang clinose yung window. Nagulat ako eh!  Yung feeling na 'huli ka stalker!'

Hello, Sir StrangerDove le storie prendono vita. Scoprilo ora