FOURTH MEET

165 8 0
                                    

FOURTH MEET

PinapaPM ko agad kay Jana yung picture ko with sir. Alam ko iniisip niyo.. ipo-post niya yan sa FB!

Pero hindi...gusto ko akin lang 'to. Ako lang ang may karapatang makakita nito araw-araw dahil this is so important memory for me!

Sila Jana pinost na agad nila sa FB nila. Ayy nakoo madaming makakakita sa Sir Soulmate ko! Lalong dadami ang kaagaw!

Kahit nakauwi na kami ang usapan pa din namin sa FB is si Sir philo. Ewan ko ba ang lakas ng impact niya sakin. Para siyang fabric conditioner na dumidikit at nagbibigay halimuyak sakin.

Alam ko namang kaagaw ko din si Jana at Ailee kay Sir. Yan namang si Ailee lahat na lang ng gusto ko crush din niya! Ang hilig mang agaw kaya nga mistress ang tawagan namin minsan. Gusto ko si yeobo T.O.P (bigbang) inaagaw niya. Gusto ko si oppa Joongki inaagaw din niya. Loka lokang Ailee. Tapos ngayon si Sir philo gusto din niya!

Hindi pwede! I marked him as MINE! Lols. Possesive much. Haha. Ang baliw ko talaga.

Anyway. Hindi ako makakain ewan ko kung bakit. Natawa nga ako one time si mama kasi.

"Kain na." Sabi ni mama ng makapaghanda na siya ng lunch.

"Busog pa ko." Sagot ko habang nagco-computer.

"Naranasan ko din yan Dionne. Nung dalaga ako maaga akong pumapasok para makita ang crush ko. Kinikilig ako parati pag nakikita siya. Hindi din ako makakain dahil pakiramdam ko busog na ko. Ganyan yan 'nak." Nang-aasar na kwento ni Mama.

Hindi ko alam kung ngingiti ako o ano eh. Ang awkward kasi. Nasabi ko na lang,

"Para kang ewan ma." Then hindi ko na siya pinansin.

Hindi ako tinigilan ni mama sa pang aasar tungkol sa pagkagusto ko kay sir. Parang gusto ko na nga siya sabihan ng 'ano ba ma! Kaloka ako ba may crush o ikaw? Lagi mo kasing pinapaalala!'

Kahit sa pagtulog ko si sir pa din ang napapanaginipan ko. Ang weird nga. Grabe na ituuu. Hindi ko naman gustong lagi siyang isipin pero lagi kasi siyang sumasagi sa isip ko! At gaaah. Hindi talaga matanggal sa isip ko ang gwapo niyang mukha!

Jana and Me sa FB chat

Me: "Bhe napanaginipan ko si Sir!"

Jana: ako din! :'>

Me: ikakasal daw kami! :3

Jana: ikaw maid of honor.

Me: panaginip ko tapos kayo ikakasal? Ako pa maid of honor? Aba matinde!

Minsan natatawa na lang talaga ako sa kabaliwan namin ni Jana. Crush ko talaga si Sir. Sino bang hindi mabibihagni ng kagwapuhan at ka weirduhan niya? Natutuwa kasi ako everytime na makikita siya. Yung feeling ko yung parang pag nasa bookstore ako at nahahawakan ko ang mga librong gusto kong bilin. Ganun ung feeling.

Hindi din namin maiwasan nila Jana at Ailee na ikwento at balitaan yung dalawa pa naming kaibigan na nag O-ojt sa America. Sosyal noh? Syempre makipagkaibigan ka na sa mayaman! De joke lang.

Chinat ko si Gely isa sa friend ko.

Ako: bhe! Ang gwapo ng prof. Natin sa philosophy! Emerghee umuwi ka na agad! Now na!

Gely: talaga? Baka naman sa inyo lang gwapo.

Minsan talaga itong si Gely iniisip ko tomboy. Wala kasing crush! Pag nagka crush man siya saglit lang. Tumatagal lang ng ilang weeks at guess what sa mga professors lang siya nagkaka crush. Napaka choosy.

Me: hindi! Swear! Gwapo talaga! As in siya na ang pinakagwapo sa buong university! No joke!

Gely: ano ba yan! Naiintriga na ko! Gusto ko na tuloy makita yan pero ayoko pa umuwi!

Me: umuwi ka na! At chocolates ko ah! Haha :*

Si Eve at kami nila Ailee nagco-comment-an sa FB post.

Ailee: wag ka ng umagaw! Madami na kami!

Jana: oo nga! Akin si Sir!

Eve: oo na! Hindi ako aagaw! Sa inyo na yan.

Ako: maganda yan. Pano umuulan ng gwapo sa America. Hot pa ano Eve.

Eve: yeeeeesssss.. Naglalaway na nga ako dito.

Ako: umuwi ka na para ipakilala ko na sayo ang soulmate ko! Hahaha. Yung chocolate ko!

Ailee: kala ko ba Dionne ang mahalaga makapunta at makauwi lang si Eve ng maayos ok na sayo? Haha.

Ako: syempre joke ko lang yun. Ang mahalaga talaga ang pasalubong :p

Eve: walang hiya ka. Ayoko pa umuwi!

Ganun ba kaganda sa America at ayaw nang umuwi ng dalawang bruhilda kong kaibigan? O sige mag stay na sila forever dun sa America para wala ng madagdag samin! Madsyado ng madami ang 30 girls sa kaagaw!

------------------------------------------

Kakadating lang din last saturday ng ate ko galing europe. Dun kasi siya nagwo-work kasama yung ate kong panganay. Bunso kasi ako kaya minsan spoiled na spoiled daw ako sabi ni Mama. Eh mukhang di naman. May spoiled ba na poorlalu at hindi makabili ng librong worth 500php?

So syempre pag galing ibang bansa may chocolates na dala! Syempre ano pa bang una kong gagawin.

Edi magtabi ng chocolate para ibigay kay Sir. Pero sa totoo lang nagdadalawang isip din ako kung bibigyan ko siya kasi pang-apat na meeting pa lang namin 'to. Ni-hindi pa nga namin siya masyadong close dahil wala pa kaming alam sa personal niyang buhay. Napaka mysterious kasi na weird. Ahh. ewan basta gwapo siya.

Saturday.

Sakto lang ang pagkadating ko. As usual nakakadistract si Sir kaya most of the time tumitingin na lang ako sa labas. Naurong na naman kasi ang upuan ko at nasa 3rd row na kami ni Jane, nasa may glass window na ko ng room kaya pinapanuod ko na lang ang mga pato kaysa makita si Sir na ngumingiti dahil matutunaw ako!

At nasabi ko na bang ang gwapo ni Sir lalo ngayon? Naka black sweater siya kaya mukha siyang binatang binata at hindi mukhang professor. Ang gwapo ng black sa kanya! Gosh! Ano ba to! Puro gwapo pinagsasabi ko! Pero yun talaga eh. Di naman ako magaling magsinungaling. Para akong isang open book na pag sinubukan kong magsinungaling hindi kapani paniwala. Sabi ni Gely na kasama ko simula 1st year ganun daw talaga ako.

Nag discuss siya ng about kay Aristotle and chuvaeklabu. Nakinig naman ako kahit papano. Tumatango tango din ako sa mga pinagsasabi niya. Mahilig nga siyang tumingin sa gawi ko kasi tumitingin din siya sa labas.

Ako naman si Assumera nagfefeeling ako ang tinitingnan ni Sir. Eh pakielam niyo ba kinikilig ako eh :3

After class inayos ko na ang gamit ko at kinuha ang small box sa bag ko. Nagdadalawang isip talaga ako kung ibibigay ko. Yung chocolate na hawak ko unique mukha siyang pebbles pero edible siya at masarap talaga.

Lumapit ako kay Jana at bumulong.

"Bhe. Ikaw magbigay kay Sir." Sabay abot ko ng box of chocolates.

Inabot niya yung box at mukha namang gusto din niya ang gagawin niya.

Naglakad ako onti kunwari palabas na pero pinanuod ko si Jana iabot kay sir yung chocolate.

Pagkaabot ni Sir tinanong niya si Jana kung ano yun at sinubukang buksan ang box.

"Chocolate sir. Galing kay Dionne." Sagot ni Jana at agad na kong nagpigil ng ngiti at lumabas.

Bago ako tuluyang makalabas narinig ko si Sir na nagsabi ng , "wow. Thank you thank you."

At syempre ngiting abot tenga ako paglabas ng room.

Hello, Sir StrangerWhere stories live. Discover now