FOURTEENTH MEETING

183 9 1
                                    

FOURTEENTH MEETING

Saturday.

Naka stripes pink,blue na polo si Sir at super gwapo pa din niya talaga kahit naka-tucked in yung polo niya. Ansabe ng tucked-in ni sir? Ibaaa! Pumafashion ang sir namin ngayon. (^_^)v

Wala si Jana ngayon. Himala umabsent siya kay Sir Philo. Napapansin ko din na hindi na sila masyadong nahuhumaling talaga kay Sir. Pag kinikilig na lang talaga sila pero yung masasabi kong kaagaw ko pa sila. No. I don't think so.

Si Eve na lang ang matibay! Siya ang pinaka rival ko dito. Pero siya din ang pinaka favorite na kasama ko. Haha. Naging super duper close kami ni Eve dahil kay Sir Philo. Actually kami lang naman dati nila Jana at Gelyn simula first year pero grabe pagka close namin ni Eve ngayon. Sobraaa. Mahal na mahal ko yang babaitang yan kahit inaagaw niya sakin si Sir!

Pinadala kami ni Sir ng bond paper at pencil. Umupo ako sa unahan katabi ni Gelyn, wala kasi siyang katabi kaya tinabihan ko siya. Another way na din yun para makalapit kay Sir. Malapit kasi sa table ni Sir ang upuan ni Gelyn. Pinakaunahan kasi siya nakaupo. Sobrang naiinggit nga ako sa pwesto niya. :3

"Bhe. Ang ganda ng pwesto mo ditoooo. Pwedeng dito na lang ako foreveeer." Nairit na bulong ko sa kanya.

"Haha! Edi diyan ka na nga." Sagot niya.

"Sa bond paper. I want you to draw your crush." Sabi ni Sir.

So ako napatingin kay Gelyn at parang dumaloy ang iniisip ko sa kanya at napatingin din siya at napatawa. Alam na kung sinong i-da-drawing ko.

Nag react din yung mga classmates ko. Napatawa nga ako kasi alam na alam na si Sir ang idraw-drawing nila.

"Ang kulit naman ni Sir! Hindi ko maidrawing ng ayos!" Bulong na biro ko kay Gelyn.

"Ay Sir. Wag ka daw malikot sabi ni Dionne." Natatawang sabi ni Gelyn.

"Huy. Adik ka." Sabi ko.

"Sir wag kayong magalaw." Sigaw ng mga classmates ko.

Nagpose si sir saglit kaya nagtawanan kami, "Wag ako. Wag ako. Yung crush niyo." Sabi niya.

"Eh ikaw nga crush ko sir eh." Bulong ko sa sarili ko.

Dahil masunurin akong bata iba ang drinawing ko. Sabi din niya lagyan ng message sa baba. Isip isip ko nga pagkakataon ko na tong umamin kay sir. Pero mukhang hindi din eh.

Eh sabi kasi ni Sir wag siya ang i-drawing U.U. Ang dami ko pa namang gustong sabihin sa kanya. :/

Mga bagay na hindi ko maamin. Mga tunay kong nadarama. How I see him. How much I like him.. charr. Mga ganung bagay ba.

How much I want to thank him. How an awesome professor is he. How can I make him love me. Hahaha. Charot.

Habang nagda-drawing kami nagkwekwento si Sir ng kung ano-ano.

Pinakita niya samin yung mga letters na sinulat niya for his crush at nakaramdam talaga ako ng matinding inggit. That girl was so lucky! I wish I was that girl. :(

Ang cute ng mga letters niya. Parang nakakatuwang basahin everyday. At kung iisipin pinapadalhan ni sir secretly yung girl ng sulat araw araw! Jusko! Naiinlove na naman ako ng bongga sa kanya! Waaaaahhhhh!!!

Bakit hindi na lang ako?

Sir. Ako na lang.. pwedeng ako na lang?

One more chance. Buma-basha lang ang peg ko. Haha. </3

Pero swear sobrang inggit ako sa babaeng yun. Ano bang kulang kay sir bakit hindi siya nagustuhan nung girl na gusto niya?

Magaling na writer at painter. Mabait, understanding, mapagmahal sa pamilya... for me sir is the one.. the only one ...pero may mga bagay talaga na hindi mo alam ang kasagutan.

Hello, Sir StrangerWhere stories live. Discover now