TWELFTH MEET

154 5 1
                                    

TWELFTH MEETING

Hays. Buhay in love.

Ang hirap ng ganito.

Sa madalas naming pagkwekwentuhan ni Eve about Sir lalong tumitindi ang damdamin ko para sa kanya.

Ansabe ng tumitinding damdamin ko? Haha.

Pero di nga walang biro. Eh kasi naman tong si Eve kapag kasama ko wala na kaming ibang bukang bibig kung hindi si Sir Philo.

Sila Ailee at Jana sumuko na ata. Kasi si Ailee bumalik dun sa dati niyang crush. Yung pinagpapantasyahan niya talagang lalaki na 3rd year legal studies student, si lee min horse. Haha. Yan tawag namin kasi para daw siyang si Lee Min ho. Keri lang ma-appeal naman.

At ito namang si Jana, paminsan minsan na lang nakikiagaw. Naku ayan namang babaitang yan ang dami daming gusto. Haha. Pero may isang tao talagang hindi siya makamove on sa pagkaka crush eh, si Keben. Yung mukang pugad ng ibon ang buhok na crush na crush niya simula first year pa lang kami pero sabi niya naka move on na daw siya...wag kayo maingay, bitter pa din ang lola mo kasi malanding earthling pala si Keben. Hindi makatiis na walang girlfriend.

Anyway. Wag na nating pag usapan ang mga crushes ng mga kaibigan ko. Mabubuhay ako kahit na ang tanging pag uusapan lang natin ay si Sir Philo.

Si Sir na matalino, gwapo, hindi ko masasabing macho kasi di ko pa nakikita kung may abs siya( its not that I'm imagining him without his clothes...>.> Gaaah. Fine! Sometimes! Haha.), napakabait, napakahaba ng pasensya(hindi ko nga alam kung saan niya hinuhugot yun. Hindi talaga siya nagagalit samin kahit madaming lates at nakakalimutang magpasa ng assignments. Magbibigay at magbibigay ulit siya ng deadline for us to catch up. Oh diba? Grabe kabaitan ng sir namin! Kaya mahal na mahal ko siya eh..oppss ssshh lang kayo. Secret lang ang pag ibig ko kay Sir :) okay fine tama na! Masyado ko ng pinapapaganda ang image ni Sir sa mga imagination niyo baka magustuhan niyo pa mahirap na. Remember madami akong kaagaw! Every saturday na lang parang wifi si Sir madaming nakikisagap! Ang hina tuloy ng connection namin T.T

Kung una siguro paghanga lang ang nararamdaman ko for sir, ngayon naglevel up na eh. From infatuation to love.

Yung tipong bigla bigla na lang siyang sumusulpot sa isip ko especially pag may mga bagay na somehow connected kay Sir. Gaya na lang nung isang araw.

Habang nanunuod ako ng T.V at adventure time ang palabas. Pagkakita na pagkakita ko agad kay finn at jake si Sir na agad naalala ko.

Alam niyo kung bakit? Kasi favorite ni Sir si Finn! Nasabi ko na bang ang bag ni sir eh Finn na back pack yung pwdeng ibaliktad at si jake naman? Kaya nga nung first day akala namin estudyante lang din siya kasi ba naman ang bag si Finn! Sino ba namang professor ang magba-bag ng ganun? Diba? Si Sir Philo lang namin. Unique talaga ni Sir.

Sinabi ko na kanina na mabait talaga si Sir kaya yung pasahan ng project namin for midterm na extend hanggang ngayon pero napasa ko na naman yung amin last Thursday pa through FB pm.

Hindi nga pala nag-a-accept si Sir sa fb niya pero hindi naman ako nagpadala ng friend request hindi ko kasi ugaling mag friend ng prof. Na-a-awkwardan ako. Hehe. Pero according sa mga classmates kong ina-add si Sir at hindi pa na-aaccept. Sabi daw ni Sir pagtapos daw ng graduation tska niya i-a-accept. Keri lang hindi ko pa din siya i-a-add, nahihiya ako.

Talande ka Dionne!- konsensya

Ayun nga napasa ko na last Thursday pa yung amin kayalang sabi dapat sa email daw ni Sir. Kaya pinasa ko ulit ngayong last day ang problema mas mabagal pa sa pagong tong internet namin! Kahit anong gawin ko ayaw umurong ng loading! Naiiyak na ko kasi malapit na ding mag 12 at patay ako pag di ko napasa.

Dumating na't lahat ang 12am, Saturday. Wala pa din kaya nagdecide na kong itext si Sir. As in napilitan lang ako, no choice. Note: NAPILITAN. Hindi ko naman din kasi gawain na magtext sa prof. Gaya sa fb ang awkward. Pero dahil nga kinailangan ng pagkakataon, tinext ko si sir at sinigurado kong madaling araw na para tulog na siya.

Ilang beses ko ding ni-revised ang text message ko na ang laman lang naman ay, 'Sir goodeve. Ayaw po talagang mapasa ng ppt namin sa email. Pero sir napasa ko na po yun last Thursday through fb message. Thank you po- Dionne Larazabal.'

Tunog professional naman diba? Ilang oras ko ding pinag isipan yan. Haha.

After kong isend natulog na din ako agad dahil sa totoo lang kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.

--------------------------------------------

Saturday.

Walang reply galing kay Sir.

Hindi naman sa nag expect ako ng reply niya dahil wala naman ka-reply reply sa text ko, pero oo, nag expect ako pero wala eh.

Ouchie Dionne. Asa ka kasi eh. -konsensya

Okay lang. Hingang malalim. Kasama yan sa buhay.

Pain demands to be felt. Ika nga ni John Green.

Minsan nga iniisip ko umaasa talaga ako sa wala. Parang tanga. Pero hindi ko naman mapipigilang hindi umasa. Tao lang naman ako, nagmamahal lang. Hehe.

Ang corny ko talaga!

Kasalanan talaga to ng mga nababasa kong novels eh. Lalo na yung favorite story type ko, professor-student love affair. Ewan ko ba, na ho-hook ako sa ganung story, may thrill kasi at masaya ang bawal diba? Rebelde lang ang peg ko minsan. Siguro yung rebel side ko sa librong nababasa ko nalabas.

Ayan tuloy umaasa din akong pwede mangyari sakin yung ganun pero ang layo naman kasi nitong akin sa nababasa ko. We're talking about reality here not a fiction. </3

7:15 dumating na si Sir. Sabi niya mag review daw kami at may quiz. Hindi ako nagre-review dahil nagrerebelde nga ako.. de joke lang. Hindi ako nagrereview kasi nung last quiz niya ang tanong lang niya is 'What is happiness?' Sus. Sisiw na sisiw. Haha.

Kaya kaysa magreview, kinuha ko ang rizal book ko at nagsagot ng pagsubok. Wala pa naman si Jane na katabi ko kaya makakasagot ako ng maayos walang magdadaldal sakin.

Gustuhin ko man ding magreview, ano namang rereviewhin ko eh wala akong readings. Stock knowledge lang ang baon ko.

Nagsasagot ako ng tahimik sa may upuan ko ng maramdaman kong palakad si Sir sa gilid ko kaya agad kong sinara yung rizal book ko at itinabi sa bakanteng upuan dahil kahit papano nahiya naman ako kay Sir. Philosophy ngayon pero ang hawak ko rizal.

Akala ko di napansin ni sir pero mali ako.

Umistop si Sir sa gilid ko at tinapik tapik ako sa balikat. "Okay lang Dionne. I love.." hindi ko na narinig yung buong sinabi ni Sir dahil nag react na yung ibang classmates ko lalong lalo na sila Jana na kinikilig daw ako.

I was like... what is happening? Bakit ako kikiligin? Hindi keye... Pero oo nga kinikilig ako kasi tinap tap ako ni Sir sa balikat pero may ibang sinasabi sila.

Pagkaalis ni sir tinanong ko yung clasamate ko na nasa harapan ko. "Ano daw bhe?"

"I love you daw. Ayieeh.." sabi niya ng nangingiti.

"Hala? Hindi naman yun!" Sabi ko at tinanong ang malapit na katabi kong classmate. Gusto ko ng paniwalaan yung sinabi niya eh kayalang hindi kapani paniwala.

"I love Rizal too daw." Natatawang sabi niya.

"Ahh. Hahaha. Kaloka! Oi Mau, I love Rizal hindi I love you!"

"Ay ayun ba ang sinabi? Haha. Nabingi ako."

Sa isip isip ko... nako! Nabingi din ako! Akala ko din I love you! Sasagot na sana ako ng I love you too Sir!

Hashtag HARAUGHT! Hahaha. Pero duh atleast hinawakan ako ni Sir sa balikat! Enebeyen #kileg.

Malay ko naman nahiya lang si Sir magsabi ng I love Dionne kaya pinalitan na lang niya ng I love Rizal. Oh diba dakilang assumera talaga ako? Kaya sobra masaktan Dionne eh. Tsk. Tsk.

Hello, Sir StrangerМесто, где живут истории. Откройте их для себя