EIGHT MEETING

126 5 0
                                    

EIGHT MEET

Spell hindi maka move on sa pagkakatabi kay Sir Philo?

D-I O N N E

eh kasi naman! That was the longest and sweetest 1hour and 30 minutes of my life! Kahit wala naman talagang kaming ginawa kung hindi umupo ng magkatabi. Ako nagrereview-reviewhan at siya nagche-check ng test papers.

One sided love. Pero wala akong pakielam! Masaya na kong mahalin at maging inspirasyon ko siya. :3

"Nainis ako dun sa irreg nating classmate na lalaki. Yung nasa likod ko." Sabi sakin ni Eve nung nasa Rizal time na kami.

"Bakit?"

"Sabi ba naman nung tinanggal ni sir yung bonnet niya, 'balik niyo na yung bonnet niyo Sir'."

"Sino yun! Sasapakin ko!" Inis na tanong ko. Lakas ng loob niya! Ang gwapo gwapo kaya ni Sir with or without bonnet!

"Pumintig tenga ko eh. Pero ok na din. Hindi pa kasi siya tapos magsalita. Sabi niya, 'sir balik niyo na yung bonnet niyo. Nadidistract yung mga babae hindi sila nagsasagot hindi ako makakopya.'" Natawa kami parehas ni Eve kasi totoo naman. Adik na classmate namin yun. Lols. Tama naman siya.

"Teka nga! Akala ko ba hindi mo gusto si Sir Philo!" Nilakihan ko siya ng mata at may nagflash na malaking neon sign sa noo ko na nagwawarning 'SUBUKAN MONG DUMAGDAG!'

Nginitian niya ako. "Hehe. Ang cute cute kasi niya."

"Nooooo!! Hindi pwede! Wag ka ng makisali Eve naman eh!" At pinaghahampas ko siya ng mahina. Tinawanan niya lang ako.

So it tells. Para ng mga gremlins ang fangirls ni Sir. Dumadami! T.T

Alert level! Alert level! Kailangan dagdagan ang effort para magpapansin! Haha.

-----------------------------------------

Goodmorning sunshine!

It's Saturday!!!!

Every Saturday is a good day! Goodvibes lang lagi Dionne at alam mo kung bakit?

Eh kasi nga Sir Philo day ngayon! Everytime na makikita ko si Sir para siyang coloring materials at ako ay isang canvas. Nilalagyan niya ko ng kulay! Siopao. Kumo-corny ako ng kumo-corny every week noh?

Ganito nga talaga pag inlove! Haha.

'Hala siya? Inlove? Maharot! Mag-aral!'- konsensya.

Ay teh? Imbyerna? Kakasabing goodvibes lang eh. Umieksena ka diyan pampa badvibes! Nakakainis tong bahagi ng isip ko eh. Ang sarap tanggalin.

'Try mo. As if magagawa mo. Eh ako ang konsensya mo. Mwahahaha' -konsensya

Iniling iling ko ang ulo ko dahil konti na lang mababaliw na ko. Kausapin ba daw ang sariling konsensya! Hala Dionne malala ka na. Hindi yan in love. Baliw ka na.

Baka nga baliw na ko.

Baliw na baliw kay Sir -insert pa-shy emoticon-

Okay. Okay. Shut up na Dionne.

Walang pagbabago. As usual nakaka distract pa din siya. Isa talaga siyang walking distraction.

Pag ngumingiti.

Pag nagpa-punch line.

Joker din kasi siya. Kahit ang corny tumatawa pa din ako. Feeling ko ako ang may pinakamalakas na tawa. Haha. De joke lang. Supportive lang talaga ako.

Wala masyadong naganap. Nakinig lang ako sa mga pinagsasabi ni Sir. Tapos binalik niya samin yung prelim test results namin.

Guess what baby.

I've got 53 out of 60. Si Eve pinakamataas 54 siya. Naman Eve eh! Hindi man lang ako pinagbigyan!

Good score na yun para sa type ng exam na ginawa ni Sir. Essay type lahat. 4 questions lang. Oh diba okay na.

Sa loob may comments si Sir. At kahit simple words lang yun napangiti talaga ako ng bongga.

"Nice reflection Ms. Dionne."

Simple yet for me yun na ang mga treasured words ko. Cursive pa siya magsulat na parang old style. Kyaaah.

I heart you sir from the deepest part of me. -insert heart heart-

Hello, Sir StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon