FIFTH MEET

159 5 0
                                    

FIFTH MEET

So while waiting for saturday to come hindi na naman namin maiwasang hindi magdaldalan about kay Sir.

Nakauwi na din yung dalawang kaibigan namin galing America. Syempre ang talagang iniintay ko pasalubong. Hindi din kasi ako nakapasok ng 3days dahil umalis kami nila ate at nagbakasyon ng saglit sa Palawan.

Pagkapasok na pagkapasok ko syempre pasalubong ang hinanap ko sa dalawa kong kaibigan. Haha.

Pero anyway mas naging loka loka kami kasi kumpleto na kaming magkakaibigan. Daldalan to the max. Kwentuhan kung anong naging experience nila sa America at talagang nakakainggit. Tinulungan din namin sila Gely at Eve mag catch up sa lahat ng namiss nila  almost 1month din kasi silang absent.

Excited na kong ipakita sa kanila si Sir. Kaya sabi ko magready na silang mamangha at kilalanin ang Soulmate ko.

Mukha namang wala sila masyadong excitement sadyang curious lang silang dalawa kung bakit ba pinagaagawan namin si Sir which is crazy.

"Basta sa Saturday! Mag ready na kayo! Pumasok kayo ng maaga!" Paalala ko sa kanilang dalawa.

----------------------------------------

Saturday.

Wala pa si Sir. 7:30 na. Eh kaya naman pala sabi niya na pwedeng malate sa kanya eh kasi nalalate din siya.

Maaga ngang pumasok sila Gely at Eve. Excited ako para sa kanila. Gusto ko makita reaksyon nila eh. Pero sana please... please.. wag na silang makiagaw. Madami na kong kaagaw!

Dumating si Sir mga 7: 40. Syempre si ako titig na titig na naman sa kanya. Hindi talaga nakakasawa ang mukha niya. Lagi na lang ako napapangiti. Para ngang siya ang kumukumpleto ng buong isang linggo ko.

Magkakalayo kaming magkakaibigan dahil wala namang parehas na start ng letter sa apelyido namin. Sila Gely and Eve nasa unahan magkabila.

Nag attendance na si Sir at nung tinawag niya ko.

"By the way Dionne. Thank you for the chocolates." Sabi niya at pinigilan ko ang sariling kong umirit.

Dahil special mention ako diba? Kahit dapat mahiya ako? Pero kinikilig ako eh!

"Si Sir binigyan mo ng chocolate ako hindi? Ano yan!" Reklamo ni Jane. Talaga tong babaitang 'to napakalaki ng bunganga, i mean napakadaldal. Haha. Pag magkatabi kami nito wala akong natututunan eh. Pano si daldal ng si daldal ang ginagawa sakin.

"Ssh. Bukas ka na." Natatawang sagot ko.

"Siguraduhin mo! Aba! Isang box ah."

"Siya pa demanding. Haha. Lokaloka. Oo na! Tahimik ka na. Makinig na tayo."

---------------------------------

Wala akong maintindihan pero napapangiti ako. Lahat tahimik. Tanging boses lang ni sir ang umaalingawngaw. Lahat ng atensyon nasa kanya.

Kumakanta kasi siya.

Pumwesto siya sa may likuran habang nasa powerpoint yung lyrics ng kinakanta niya. Taiwanese kasi. Yung isa sa kanta ni Xiemen ng F4. Ngayon ko lang napagtanto fan nga si Sir ng F4. Lols.

90's baby daw kasi siya which is in my calculation naglalaro sa 23-24 ang edad niya! Hindi kami nagkakalayo! My gaah! 19 lang ako! Pwedeng pwede!

May mga classmates akong palihim na vini-video si Sir. Isa na nga dun si Jana na nirerecord ang pagkanta ni sir.

Hindi ko na nagawa yun dahil busy akong hinahampas ng patago si Jane na katabi ko sa upuan dahil sa sobrang kileg!

Ang gwapo kasi ng boses niya! Waaah! Full package na talaga! Nalaman pa namin na tumutugtog siya ng instruments. Siya na talaga! Siya na ang lalaking gusto ko pakasalan! Hahaha.

"Ano ba! Sir oh si Dionne kinikilig!" Sigaw ni Jane pero buti na lang hindi masyadong narinig ni Sir dahil busy siya sa pagkanta.

"Gagi ka!" Pero nakangiti ako at pinigilan ang kamay ko sa paghampas sa kanya.

Natapos yung kanta ni Sir at gusto ko sanang mag standing ovation para sa kanya at sumigaw ng 'I'm so proud of you baby'.

Nababaliw na talaga ako.

Baliw na baliw kay Sir Philo. :p

At masabi ko lang. Naka pink polo si Sir ngayon na dumagdag sa kagwapuhan niya! Ang tunay na lalaki kasi kayang magsuot ng pink! Parang si yeobo TOP ko na favorite ang pink. (Sorry naman Kpop fan lang! Proud VIP here :)

Tumibok na naman tuloy ng abnormal ang inosente kong puso. Yung feeling na may mga floating flowers sa paligid ni sir at kumikinang siya sa mga mata ko? Parang anime lang. Haha!

Nag discuss siya ulit hanggang mag-time na.

"Bye Sir." Paalam nila Jana pero hindi ko yun ginagawa dahil ayokong mag-ba-bye sa kanya. Gusto kong Hi or Hello Sir lang palagi. Dahil gusto kong nakikita siya everyday!

Naglalakad na kaming magkaibigan papuntang cafeteria.

"Ano? Ano? Diba diba gwapo?" Sabi ko kanila Eve at Gely.

"Okay lang naman. Medyo." Sabi ni Gely.

Medyo lang? Pero ok na yun atleast ibig sabihin hindi na dadagdag si Gely sa nabubuong fangirls ni Sir.

"Oo. Okay lang." Dagdag ni Eve.

Lalo akong napangiti. Yes! Sila Ailee at Jana na lang problema ko! Hahaha.

"Malinaw tayo ah! Wala ng aagaw sa inyo!"

Napakabaliw mo Dionne -konsensya.

Hello, Sir StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon