TENTH MEET

130 4 0
                                    

TENTH MEET

Nanalo ako ng two block screening tickets ng pinakamamahal kong artista! Friday kailangan kong pumunta sa eastwood mall para makita ko na siya.

I'm such a fangirl kung hindi niyo naitatanong. At isang artista lang ang super super love ko to the highest level. Pero syempre kathniel fan na din naman ako hindi lang ganun kagrabe. Sino ba naman kasing hindi maapektuhan ng kilegness ng dala ng kathniel. Pero anyway may isa nga lang akong pinagpapantasyahan na artista.

Hulaan niyo. E.D ang initials. Chinito.

Haha! Alam kong alam niyo na.

Ernest Lorenzo Dee a.k.a Enchong Dee. My one and only chonggo.

So ayun nga nanalo ako ng two tickets sa movie niya kaya para na kong mababaliw. Makikita ko na din siya sa wakas! Sa wakas!

"Jana bhe!!!!! Ano punta tayo?" Chat ko kay Jana. Nagdadalawang isip din kasi ako.

Dahil una sa lahat. Napakalayo ng Eastwood samin. Nagtanong tanong ako sa Fb kung saan yun at pare pareho lang din ang sagot nila. 'MALAYO! Quezon City!'

"Oo! Ako ang isama mo!" Chat back niya.

May gusto din kasing sumama na classmate naming bakla. Si JM. Crush na crush niya si Enchong pero akin lang si Enchong noh! Haha.

Me: "Friday yun! 830pm dapat andun na tayo!"

Jana: hindi tayo papasok?

Me: papasok tayo pero aalis tayo after ng first subj.

Jana: hindi. Sa Saturday papasok tayo? Gabing gabi na tayo makakauwi.

Napaisip ako saglit. Shemay! Saturday nga pala kinabukasan! At Saturday means.. sir Philo day! Infairness nawala siya sa isip ko dahil kay baby enchong ko.

Me: papasok tayo! Si sir Philo yun eh! Hindi pwedeng umabsent tayo! Mami-miss niya ko este mami-miss ko siya. Hahahaha.

Jana: haha. Baliw. Nagpaalam na ko kay ate. Dyan ako matutulog sa inyo pagkauwi.

Me: sige. Full charge mo yung iphone mo! Makikita ko na si enchong! Sa wakas!!! <3

----------------------------- ----------

Saturday.

Almost 3am na kami nakauwi ni Jana sa bahay namin. Para akong may hang over. Enchong hangover.

"Totoo ba lahat ng nangyari kanina? Di ba ako nananaginip? Bhe? Nakita na talaga natin si Enchong?" Halos hindi ko makapaniwalang tanong. Nakailang ulit na din akong tanong sa kanya simula pa ng pag alis namin sa eastwood hanggang ngayong nasa kwarto ko na kami.

Natatawa lang siya sakin. "Ayan na nga yung pictures oh! May pruweba na!" Turo niya sa developed pictures namin w/ enchong galing dun sa event.

"Gaahh. Ang saya ko. Enchong feels. I so love him!"

"Fan na din ako ni Enchong." Sabi niya.

"Tse! Dati kayo nila Gely, pinagdudukdukan nyo saking bading naman siya!"

"Hahaha. Dati yun." Sagot niya.

"Tara na nga matulog na tayo. 7 pa pasok natin mamaya."

Whole night hindi ko naisip si sir. Haha. Si Enchong lang ang center ng buhay ko that night.

------------------------------------------

"Huy bhe! Hala! 6 na! Maliligo pa tayo!" Gising ko kay Jana.

Waah ang sakit ng ulo ko. Bigla kasi akong nagising at pagtingin ko sa oras 6am na! 2hours na tulog. Siopao.

"Wag na kaya tayong pumasok kay Sir." Sabi niya habang nakahiga pa din.

"Adik ka ba? Si Sir Philo yun! Bahala ka! Papasok ako sa kanya."

After kong maligo siya na ang sumunod.

Mag 7 na din ng makaalis kami ng bahay. Kahit puyat ang saya ng gising ko. Kasi dream come true. Enchong enchong lang ang laman ng isip ko ngayon.

Para ngang na-guilty ako bigla.

Para kasing pinagtataksilan ko si Sir. :3

Pero ngayong araw lang naman. May Enchong hang over pa kasi talaga ako. Next week naman si Sir na ulit ang laman ng isip ko. #landemuch

8:00 na ata ng makarating kami sa school. Nakakahiya man eh pumasok pa din kami. Mukha naman wala pa kaming na-miss masyado.

Hindi ko masyadong na-appreciate si Sir ngayon. Ewan ko. Naman kasi si Enchong! Haha.

Nagreport sila Eve. At ansabe nag straight english ang loka. Wala na! Sasabunutan ko tong si Eve mamaya eh! Pinapabilib si Sir philo! May usapan kaming akin ang Philosophy eh! Naman kasi!

Humanda ka mamaya sakin Eve. Mukhang ang sarili ko pang kaibigan ang no. 1 kontrabida sa teleserye namin ni Sir ah! -insert raging emoticon-

Hello, Sir StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon