2. DEVILS

7.1K 214 7
                                    

Jazz Sison is my name. Isa akong grade 10 student sa Patterson High School. Ang pinapasokan ko ay isang exclusive all-boys school. Karamihan, kung hindi man lahat, ay mula sa mga well-off and influential families.

Nakilala ang school namin for several reasons. Una, nandito ang mga anak ng kilalang politicians and businessmen. Nandito rin sa Patterson High School ang mga pinaka matatalinong estudyante sa buong siyudad. Pangalawa, complete at modern ang mga facilities and most teachers came from top universities. Pangatlo, naging kilala ang school namin dahil sa existence ng hell section.

Hell section started when we were in grade 7. We were the last section back then. People usually think na ang last section ay grupo ng mga may mahihinang utak. We are not dumb. Nasa last section kami dahil dito pinagsama-sama lahat ng mga basag-ulo, mayayabang, pasaway, takaw-gulo at patapon.

Respect and discipline are not in our vocabulary. Dahil una sa lahat, wala kami ng mga iyon. Mahirap sa amin ang magpakita ng respeto sa tao kahit na sa mga teachers at school administrators dahil we came from families na ginagalang at tinitingala. Kami ang dapat rinerespeto. We are not scared of anyone or anything. Lahat ay puwede at kaya naming gawin. Walang maaaring mag-lecture ng disiplina sa amin dahil madalas kami ang dumidisiplina sa mga taong ayaw namin. These are the reasons why people call us devils.

I remember Mr. Corpuz, Arts teacher namin noong grade 8. Pinaligoan siya ng napakaraming pintora ng kambal na sina Ace at Axe pagkatapos makakuha ng mababang grades mula sa kanya. Pang elementary daw kasi ang watercolor painting ng dalawa.

Si Miss Cruz naman, ang masungit na Mathematics teacher namin noong grade 9, almost got a heart attack pagkatapos namin lagyan ng fake bomb ang kanyang sasakyan. Duke was the mastermind. Nagalit siya dahil halos sumabog na ang mga utak namin sa hirap ng mga mathematical problems na pinapasagot niya.

Last school year, one week lang tumagal ang adviser namin na si Mr. Luis pagkatapos siyang pagbabatohin ng itlog dahil sa zero score na binigay niya sa lahat. May quiz kasi noon at sobrang gulo namin. He wanted to punish us pero in the end he was the one who got punished. Poor old man.

Nasindak naman sa takot si Mr. Aragon pagkatapos siyang harangan at pagtripan nina Gray, Thom, Neil at Mike sa may school parking lot. Hindi kasi nakakain nang maayos ang mga loko pagkatapos naming mag-dissect ng nakakadiring palaka. I still clearly remember kung paano nandiri ang mga boys sa lamang-loob ng palaka.

Those were not the worst. Mas malala pa ang mga naexprience ng mga ibang teachers sa amin.

Hindi kami natatanggal because most of us are sons of shareholders. Without our parents' shares, walang Patterson High School.

Tinignan ko mula ulo hanggang paa ang teacher na nagpakilalang Miss Perez. Her looks shout weak and gullible. Hindi siya makakatagal. I am sure of it.

Naramdaman ko ang pagtapik ni Gray sa balikat ko at nakita ang pagsenyas ng kanyang kamay. Lima. Hula niya na limang araw lang magtatagal si Perez sa section namin. Ngumisi ako at sinenyas ang tatlo kong daliri. I have a feeling na tatlong araw lang siyang makakatagal.

Because this is her first day, ito rin ang unang araw niya sa impyerno.

"We are the devils and welcome to hell." I muttered to myself.

My Teacher is a GangsterWhere stories live. Discover now