10. MISS PEREZ

5.2K 152 1
                                    

I woke up lying in a hospital bed. I feel pain in every part of my body. Naalala ko ang lahat ng nangyari last night at hindi pa rin talaga ako makapaniwala.

Nakahiga lang ako nang bigla kong maalala si Neil. I tried to sit and I am surprised to see Neil na busy sa pagkain ng fruits. Tignan mo ang mukong. Parang hindi nabugbog kagabi.

He is on the other side of the room. Hapon na pala. Kaaalis lang daw ng mga taga hell section. Hindi man lang nila hinintay na magising ako. Kahit kailan talaga ay loko-loko ang mga iyon.

Inilibot ko ang mga mata ko sa hospital room namin ni Neil. I saw a pink polka dots bag. Nakalagay siya sa cabinet sa may tabi ng mga fruits. I know who owns the bag. Nandito pala siya. Napansin naman ni Neil ang pagkatitig ko sa bag. Sabi niya, "She's here bro. Lumabas lang siya saglit para bumili ng maiinom. She's been with us since last night. Hindi pa siya umuuwi at hindi na rin siya pumasok sa PHS."

Bakit naman mag-aabala si Perez na bantayan kami ni Neil dito? After everything that we did to her, I don't think she would care.

Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto. Kahit hindi ko lingunin alam kong si Perez ang pumasok. Lumapit siya sa akin. Tinignan ko siya sa mata. Suot na niya ulit ang salamin niya at iba na ang damit. Hindi na kita ang centipede tattoo niya sa leeg.

I stopped talking to myself nang bigla na naman niya akong hawakan sa balikat. "Jazz are you ok? May masakit ba? Do you want me to call the doctor?" Perez said and I am annoyed.

"I'm fine. You can go home now." I answered sourly. Ewan ko pero naiinis ako sa kanya. I want her out of our room.

Bigla namang nagsalita si Neil at hindi ko inasahan ang sasabihin niya. "Ah eh. Miss Perez ok na kami. Siguro umuwi ka muna sa inyo. You also need to rest." Did I hear him right? He called her Miss Perez. Sobrang nabugbog yata ang mukong. Don't call her Miss stupid. She's our enemy. Inis na sabi ko sa sarili.

"Alright. May kailangan din akong asikasohin. I'll be back tonight. Nandyan na iyong lemon juice mo Neil. Sige mauna na ako." Babalik pa siya? Magsasalita sana ako nang bigla na namang magsalita ng kakaiba si Neil.

"Ahm. Salamat Miss Perez." Neil ikaw ba iyan? Tinawag mo na nga siyang Miss, nagpasalamat ka pa! What is wrong with you?

Nang makaalis si Perez hindi na ako nakapagpigil pa. "What are you doing Neil? Nakalimotan mo na ba na ayaw natin sa kanya? We should not be nice to her. Stop being silly." sabi ko na bakas ang sobrang inis.

"Bro she saved us. Nakipaglaban siya sa mga mukong na iyon kagabi. Pagkatapos ng ginawa natin sa kanya last night sa parking lot nag-abala pa siyang iligtas tayo." Neil explained to me. Sabi pa niya "Siya ang umasikaso sa lahat. She talked to the police kaya nahuli at nakakulong na ang gang na bumugbog sa atin kagabi. He even called our parents. She explained everything to them. Kung hindi dahil sa kanya, si dad na mismo ang nambubog at nanlumpo sa akin dito. Alam mo namang ayaw niyang nasasangkot ako sa gulo. I'm calling her Miss because I want to be nice to her. Don't forget that she's a woman Jazz."

Ano? Neil is crazy. Taga hell section kami. We are never nice to teachers. I don't care if she saved us. Kaya ko namang iligtas ang sarili ko kung hindi lang talaga kami dehado kagabi. Wala akong pakialam kahit babae pa siya.

"The boys said she's cool. Lalo na nang malaman nilang tumumba lahat ng kalaban niya." nakangiting sabi ni Neil.

This is not happening. Hindi ako papayag na maging maayos ang mga boys at si Perez. She needs to leave us soon. Mukhang dahil sa kanya, masisira ang ulo namin. Masisira ang ulo ko.

I will never like her. And I will never call her Miss Perez. Not even in her dreams.

My Teacher is a GangsterHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin