TROUBLE TILL THE END

2.4K 90 17
                                    

"Peste! Ngayon pa talaga sila maghahamon ng away?" napakamot ng ulo si Neil.

Papunta kami ng Patterson High School para umattend sa aming completion ceremonies nang harangin kami ng grupong ito.

Tumayo sa gitna ng kalsada ang lider ng grupo na may hawak-hawak na baseball bat. Sa likod nito ay ang mga miyembro niyang nakahanda na sa bakbakan.

"Nasaan ang tapang ninyo ngayon? Lumabas kayo diyan!" hamon nito sa amin.

Nasa loob pa kami ng sasakyan. Wala pang nagtatangkang lumabas sa amin.

"Ano na? Naduduwag na ba talaga tayo? Hindi ba tayo lalabas at makikipag-suntokan sa mga iyan?" banat ni Duke.

"Kung hindi sana kayo naglasing kagabi, hindi sana natin nakainitan ang mga pangit na iyan." angal naman ni Bruce.

Nag-over night sila sa bahay kagabi. The original plan was for them to spend the night in our house at magmovie marathon.

Pero dahil likas na pasaway ang mga mukong, nagkayayaan silang pumunta sa bar at mag-inoman. Matagal na rin ang huling punta namin kaya kahit ayaw ko sana ay pinagbigyan ko na lang sila.

I reminded them not to drink too much because the following day is our completion.

To avoid the crowd, Neil paid for the VIP room. Sa umpisa ay chill pa sila sa inoman. But the twins, Ace and Axe, got bored so they came up with the idea of playing beer-pong.

Masyadong nawili ang mga mukong kaya ang ending lahat sila nalasing.

Only Neil and I were sober. We need to leave dahil may next occupants ang VIP room. Nagising na ni Neil at ibang boys pero bagsak pa rin si Duke at Mike.

Pinauna na namin ang iba sa labas at inakay namin ni Neil ang dalawa.

We were heading to the parking lot when I noticed a commotion.

Naghahamon na pala ng away si Axe. Imbes na umawat ang kakambal na si Ace ay sumali pa ito. Kahit kailan talaga ay sakit sa ulo ang kambal.

Bago pa magkagulo ay pumagitna na si Neil.

"Pasensya na mga tol. Wala kaming balak makipag-away. Lasing na kasi sila. They are not on their right minds. Let us forget about this. Aalis na lang kami." Neil said.

"Kayo ang nagsimula, hindi kayo aalis ng hindi ito natatapos." singhal ng isa sa kanila.

"I am the mayor's son. Ayoko sa gulo. Paki-usap. Itigil na natin ito. Wala kaming balak makipag-away." Neil is still trying to pacify them.

"Wala kaming paki-alam kahit sino ka pa. Sige na. Suntokan na. Kating-kati na rin ang mga kamao naming basagin ang mga pagmumukha ninyo." muling singhal ng lalaki sa amin.

I guess we cannot avoid this. Mukhang hindi sila madadaan sa mabuting usapan.

Nakahanda na kami sa away nang biglang may pulis patrol car na dumating. Siguro ay may nakakita sa amin at nagreport ng nangyayari.

Dahil sa pagdating nila ay hindi natuloy ang gulo. Nakauwi kami ng matiwasay.

Pero hindi pala natapos ang gulo kagabi dahil ngayon, sa araw ng completion ceremonies, matutuloy ito.

"Takbohan na lang natin sila." Duke suggested.

I looked into my wrist watch. We still have an hour before the program starts. Tama si Duke. Mas mabuting hindi na lang namin sila patulan.

My Teacher is a GangsterWhere stories live. Discover now