44. BIRTHDAY PARTY

2.3K 67 1
                                    

"We are having a party!" bungad sa amin ni Neil dito sa tambayan.

Sumasayaw sayaw pa ang mukong. Why are we having one? Tapos na din naman naming i-celebrate iyong pagka lift ng suspension ni Perez sa PHS.

We went to the noodle house. I don't know pero naging paborito namin ang pagpunta doon. Like me, hindi rin maka get over ang mga boys sa sarap ng pagkain.

"Anong meron bro? May girlfriend ka na ba? Bro kayo na ba ni ate crush?" panunukso ni Ace.

Pangiti-ngiti pa rin itong loko. Sa pagkaka alam ko ay wala namang may birthday sa amin.

"Kailangan nating magplano guys. We will throw a party for someone." Neil said excitedly.

"Kaninong party ito?" tanong ni Axe.

Ayaw na ayaw ko ang binibitin. Masasapak ko na ang mukong na ito. Tatayo na sana ako nang biglang magsalita si Neil.

"Ten days from now ay birthday ni Miss Perez. We will give her a surprise birthday party."

Si Perez pala ang dahilan. Kaya naman pala ganoon na lang ang excitement ni Neil. Paano niya nalaman iyong birthday niya?

Naunahan na ako ni Mike sa pagtatanong. "Paano mo nalaman ang birthday niya bro? Have you turned into a stalker?"

Nagtawanan kami pero hindi lang ito pinansin ni Neil.

"Have you forgotten? Nakakuha tayo ng file niya noon. Doon ko nakita." he said smiling.

Tama nga. I remember that he got her file at the registrar's office. That time we were desperately planning to get rid of her. Ngayon naman ay iba na ang plano. We are planning for her birthday party. The table has been turned.

"So what's the plan?" I finally uttered.

*****
Pajama party. Iyan ang napili nilang theme para sa birthday ni Perez.

When Neil presented the idea to us, I expected violent reactions from the boys. Who would throw that kind of party, I thought. Kaya sobrang nagulat ako nang nag-agree ang mga boys sa idea ni Neil. Seryoso ba ang mga mukong?

"We have more than one week to prepare. We need to divide the tasks para naman lahat tayo ay hands on dito." ngiting ngiti na sabi ni Neil.

"Kami na ang bahala sa food ni Mike." Duke said. Tamang tama dahil may mga restaurants and coffee shops sila.

Sabay sabay namang nagtaas ng kamay ang kambal, si Henry, Thom at Bruce. Incharge daw sila sa decoration.

"Ako naman ang bahala sa mga pakulo." mayabang na sabi ni Gray.

"Good. Ako na ang bahala sa iba pang kakailanganin." said Neil.

Then I noticed the boys looking at me. What now? Anong problema ng mga ito?

"Bro ano naman sa iyo? Lahat kami may gagawin na." Well, tama si Neil.

"Ako na ang bahala sa venue." tipid kong sabi.

At nagpatuloy pa sa pag-uusap ang mga boys. Neil also instructed us to buy gifts for her.

Ano naman kaya ang ibibigay ko sa kanya? I am not fond of giving gifts. I can't even remember the last time I gave somebody a gift.

Bahala na. Sa mall na lang ako titingin ng regalo para sa kanya.

*****
Since ako ang may sagot sa venue, naisip ko na isa sa mga hotels namin gagawin ang party.

Neil wants it to be a surprise. Kaya hindi namin pinahalata kay Perez na may plano kami para sa kanya. Abala silang lahat sa paghahanda dahil bukas na ang birthday niya.

"Don't forget your gifts, ok?" Neil reminded us again. Pang ilang beses na niya itong pinapaalala sa amin. Nakabili na ang halos lahat sa mga boys. They went to the mall yesterday. Hindi ako sumama dahil wala ako sa mood.

"Jazz. Bakit hindi ka sumama sa amin kahapon? Nakabili ka na?" pang-uusisa ni Gray.

Hindi ako kumibo. Wala pa akong naiisip. I told you, I am not good at this. Pero siyempre hindi ko ito sinabi sa kanila.

"You still have time to buy bro" sabi naman ni Mike.

I stayed quiet at talaga namang nacha-challenge ako sa pag-iisip ng ibibigay sa kanya. She is very plain and simple. Hindi siya vain or materialistic. Hindi ko alam ang mga hilig niya.

I never thought that choosing gifts is difficult. After class, didiretso ako ng mall. Bahala na.

*****
I am now at the mall. Mag-isa lang ako. Hindi ako nagpasama sa kanila. Mas lalo lang akong mahihirapan kapag may mga asungot. Magugulo pa naman silang kasama minsan.

Naglakad-lakad ako. I first decided to check the women's section. Clothes, bags, shoes, accessories and make up. Nagsimula akong tumingin-tingin ng items.

Ako naman yata ang pinagtitinginan ngayon ng mga tao. Kasi naman ako lang ang lalaki na nandito sa women's section. Akala siguro nila ay naligaw ako. I did not mind the looks and stares. Nagpatuloy lang ako.

Isang oras na pero wala pa rin akong mapili. Everything here doesn't suit her.

Umalis na ako doon at nagpunta sa ibang parts ng mall. This time ay mas binilisan ko na ang paglalakad at pagtingin-tingin. Medyo late na rin kasi.

Unfortunately, wala talaga akong mapili. I am very tired. Ngayon lang ako nagtaggal ng ganito sa mall. I lost interest and energy kaya naisip kung umuwi na lang.

I am heading to the elevator nang makita ko ang isang shop. Tumigil ako saglit.

Tinignan ko kung ano ang items sa shop na iyon. Upon realizing kung ano ang puwedeng mabili doon, I felt relieved.

Sa wakas. Nakahanap na rin ako ng ireregalo sa kanya.

I did not waste time at agad nang nagtungo sa shop na iyon.

My Teacher is a GangsterWhere stories live. Discover now