51. THE BIG DAY

2.2K 83 5
                                    

After several days ay may mga teachers na rin kaming nakausap para sumali sa contest kasama namin.

Their reactions were priceless. Hindi nila inaasahang magkaka interes kami sa sumali sa ganoong klase ng contest. At mas lalong hindi nila inaasahan ang mga taga hell section na maayos na nakikipag-usap at nakikisama sa kanila.

Mabuti na lamang talaga at umubra ang convincing powers namin.

Kasama ng kambal, Mike, Duke at Thom ang MAPEH teacher naming si Sir Santos pati na rin ang teacher namin sa TLE na si Sir Domingo. Sasayaw sila para sa contest.

Believe it or not ay ang matanda at masungit na teacher namin sa English at iyong mahiyain at mukhang walang energy na teacher namin sa Science ang nakausap namin na sumali sa grupo namin nina Neil.

Everything is almost perfect. Iyong kina Henry na lang. Mukhang hindi nila mahihintay si Herrera. We already expected it. Sayang nga lang at si Perez lang ang teacher sa grupo nila.

Naging abala kami sa pagpapractice these past few days. Madalas ay sa school kami after classes. Maayos naman ang practices namin at masaya rin palang kasama ang mga teachers. Nagkakasundo ang lahat.

Minsan pagkatapos ng practice ay lumalabas kami para kumain. Nagpunta kami once sa may noodle house. Napatake out pa ang mga teachers dahil sa sarap ng mga pagkain.

Tatlong araw na lang bago ang contest. Sina Henry ngayon ang nakasalang sa practice. Sayang lang talaga at hindi nila kasama si Herrera. Mas maganda sana ang magiging performance nila. The dude can also sing. Magandang combination sana sila ni Perez.

Kasalukuyan nilang tinitimpla ang gitara ni Henry. Parang out of tune kasi ito. Paumpisa na sila nang biglang may pumasok.

"Wala pa rin sa tunog iyang gitara." Lumingon kami at nakita si Herrera. Dala niya iyong gitara na binigay namin bilang peace offering. Napatayo naman sina Henry at Perez.

"Francis! You're here!" Perez said excitedly.

"Puwede pa naman sigurong humabol sa practice diba?" sabi niya nang nakangiti.

When they heard what he said, everybody cheered.

Nagpatuloy ang practice at kahit papano ay tumaas ang confidence namin na manalo sa talent contest.

*****
The big day has come. The auditorium is full of expectators. Taon taon ang talent contest dito sa Patterson High School pero ngayon lang lalahok ang hell section.

Naririnig namin ang mga bulongan ng mga tao. We already expected these reactions from them. Nakatingin sila habang papunta kami sa aming designated seats. Ni minsan ay hindi ako nailang sa mga tingin at bulongan ng mga tao. I'm used to it. We are used to it. Ang hell section ay kilala sa buong Patterson High School. Madalas nga lang dahil sa mga kalokohan namin. Pero ngayon ay iba. Their stares and murmurings are making me uneasy. Sumulyap ako sa mga kasamahan ko at napansin ko na tila pareho kami ng nararamdaman.

The people are here not just to watch the talent show but also to witness what the hell section can do. Alam ko sa isip nila ay naglalaro ang tanong na "Anong talent mayroon ang mga ito bukod sa paggawa ng gulo?" Honestly, nakakaramdam na ako ng pressure at kaba. We have prepared for this. This is a big decision made by the group. At this point, walang lugar ang kabahan at mapressure. Ang mahalaga sa akin, sa amin ay magkaroon ng magandang bunga ang lahat ng pinaghirapan namin.

Tahimik kaming nakaupo habang hinihintay ang simula ng contest. Nasa tabi ko lang si Perez. Napatingin ako sa kanya at napansin kong nakangiti siya. Isn't she nervous? Alam kong kagaya namin ay first time din niyang sumali sa isang talent contest. First time naming lahat na magperform sa harap ng maraming tao. Muli ko siyang sinulyapan at nandoon pa rin ang ngiti sa kanyang mukha.

Ilang sandali lang ay nag-umpisa na ang show. We are competing with seven other groups. Kanina ay bumunot na ng numero si Mike. Kami ang huling magpeperform. Mas maigi na iyon dahil mas nakakakaba ang unang sumalang sa entablado.

Magagaling ang mga ibang grupo. Just like us ay naghanda rin talaga sila. Todo ang cheer ng mga audience sa mga naunang grupo na nagperform. I wonder kung anong reaction nila kapag kami na ang sasalang.

Pang anim na grupo na ang sasalang kaya naman napatayo na kami upang magtungo sa backstage.

Maingay ang kambal samantalang ang karamihan ay tahimik.

"Ano ba naman iyan! Nakaka inis ang katahimikan ninyo!" Si Ace. Sinundan naman siya ng kanyang kambal na si Axe. "Oo nga! Come on guys! Huwag tayong kabahan. Ienjoy lang natin ito."

"We are feeling nervous and pressured. It's obvious the minute we entered the auditorium. This is everyone's first time to do such thing pero tama si Axe. Let's savor and enjoy the moment. In the first place, we joined not to win but to show what we got. Tama ba?" Pampalakas loob ni Perez sa amin.

"This is it boys! Kaya natin ito." Nagyaya ng group hug si Henry. Mukhang effective ito dahil mas nagloosen up kami. Tama nga. Ieenjoy lang namin ito. Manalo o matalo ang mahalaga ay may maipakita kaming maganda at positibo sa mga manonood.

Natapos na ang pampitong grupo at kami na ang sasalang. Hinintay namin ang emcee na tawagin ang grupo.

"We are now on the last performers for today's talent contest." Pagsisimula niya. "Let us put our hands together for section 10-D!"

We climbed into the stage at nagpunta na sa kanya-kanya naming puwesto. The people are silent. Walang pumalakpak. Wala ni isa ang gumawa ng ingay.

Nagkatinginan kami ng mga boys. Napatingin ako kay Perez at kahit napaka awkward ng reactions ng audience ay ngiting ngiti pa rin siya.

Nagulat kami ng mayroon kaming narinig na sumigaw sa audience. Some people are cheering for us. May dala pa silang tarpaulin at mga balloons. Nasa may bandang likod ang mga ito kaya hindi namin sila masyadong makita.

"Go son! Go boys!" Mas nagulat ako dahil napagtanto ko na si daddy ang nagchi-cheer. Sunod-sunod na ang cheer at palapakan ng mga tao sa likod. We eventually realized na ang mga magulang at pamilya namin ay nandito to show their support.

Napatingin muli ako kay Perez at nagthumbs up siya sa akin. I knew it. Alam kong siya ang may gawa nito. Naramdaman ko na tumaas ang confidence ng grupo. We can do it and we will win it.

Nagsimula ng magperform ang grupo. Hindi ko na napansin ang mga nanonood dahil lahat kami ay nakatutok sa aming performance.

Tapos na ang sayaw, magic at acting. Kumakanta na ngayon sina Perez, Herrera, Henry at Bruce. Mirrors ang kanta na napili nila. Napatulala ako dahil sa galing nila.

Nang malapit na silang matapos ay nagpunta kami sa gitna ng stage. When the song ended, we stood beside each other holding hands. We bowed together. Pagkatapos ay nagyakapan kami bilang isang grupo.

Pababa na kami sa stage nang biglang nagsitayoan ang mga tao at umugong ang napakalakas na palakpakan. They gave as a standing ovation. Maging ang mga judges ay napatayo rin. Nagtatalon ang mga boys sa sobrang tuwa. We never expected this from the audience.

"Group hug!" muling hirit ni Henry.

That moment, hindi na naging mahalaga sa amin ang manalo. The cheers and applause of the people are more than enough for us. We made it and I am certain that we are proud of what we have done.

My Teacher is a GangsterWhere stories live. Discover now