32. ONCE A TROUBLEMAKER

3.2K 110 1
                                    

Nandito kami ngayon sa Chinese noodle house sa mismong tapat ng appartment building ni Perez.

This is already my third time here. Iyong una ay noong hinahanap namin siya. Iyong pangalawa ay nang bigla niya kaming yayain ni Neil na kumain dito.

Tuwang tuwa ang mukong noon at ayaw pa sana akong isama. Sa sobrang saya niyang nakasama si ate crush niya na kumain ng Chinese noodles ay halos everyday niya itong kinuwento sa kanila.

Nainggit naman ang mga boys hindi dahil sa nakasama ni Neil kumain si Perez kung hindi dahil sa sinabi kung napakasarap ng noodles at hopia nila.

Inaraw-araw nila ang pangungulit kay Perez hanggang sa pumayag ito na dalhin ang buong hell section sa Chinese noodle house.

At finally ay nandito na nga kaming lahat.

As expected ay nasarapan ang mga boys sa mga pagkain dito. Wala na ngang makapagsalita dahil sa sobrang pagkabusog.

Ngiting ngiti naman si Perez. Ngayon lang kasi kami lumabas lahat nang magkakasama.

Tumambay pa kami dito at nagpalipas ng oras. Kung ano-ano lang din ang napag-uusapan namin.

"Miss Perez, curious lang ako, anong klase kang student noong nag-aaral ka pa?" tanong ni Axe.

"Ano bang tanong yan Axe? Malamang model student si Miss Perez." nakangiting sabi ni Ace.

"Tambay sa library at masipag magreview. Kaya siguro makapal ang salamin mo Miss." dagdag ni Henry.

"I'm sure isa si Miss Perez sa mga pinaka disiplinadong students noong nag-aaral pa siya." Neil said.

"In short, kabaligtaran natin." sabi ko naman.

Nakangiti lang sa amin si Perez.

"Mali kayo boys. Dahil kagaya ninyo, troublemaker din ako noon." she smirked. Ayon na naman ang maangas niyang pagngisi.

"Seryoso ka ba Miss Perez?" tanong ng gulat na gulat na si Neil.

"You heard me right Neil." sagot naman niya.

Nagkuwento siya sa amin. Ikinuwento niya ang mga kalokohan niya noong high school pa siya sa Shanghai.

Sabi niya ay madalas daw siyang mapaaway noon. Sa pakikipag basag-ulo daw niya ibinuhos lahat ng galit at sama ng loob sa daddy niya.

Lagi daw siyang may pasa sa mukha tuwing pumapasok sa school. Sa sobrang takaw-gulo niya daw ay kahit sinong makita niya ay walang takot niyang hinahamon.

Lagi rin daw siyang napapatawag sa disciplinary office noon. Kapag daw kasi bad mood siya ay madalas niyang pagtripan at pag-initan ang mga classmates at maging ang mga teachers niya.

"Noong high school ako ay sikat ako. Parang kayo sa hell section. Kilala rin ako ng lahat. Kung kayo ang pinaka notorious na section sa PHS, ako naman noon ang pinaka notorious student sa buong school namin." pagkukuwento niya pa.

Hindi ako makapaniwala sa kuwento niya. Tama pala talaga ako. Hindi siya lampa. Kaya pala mahusay siyang makipaglaban dahil hobby pala niya noon ang makipagbugbugan at makipagrambulan.

"Bagay ka pala talagang maging adviser namin Miss Perez dahil maangas ka din kagaya namin." natatawang sabi ni Duke.

"Muntikan na din ako noong maexpel dahil kinuwelyohan ko iyong mayabang kong teacher." tumatawa siya habang nagkukuwento.

"Ang astig naman." sabi nitong si Henry.

"Pero nagbago rin naman ako noon." ngumiti siya ng kakaiba.

"Dahil ba sa lalaki Miss Perez?" tukso ni Mike.

"Ganoon na nga." nahihiyang sagot niya.

Dahil sa usapan namin ngayon ay naisip ko na si Perez ay hindi rin pala iba sa amin. Kaya pala nakaya niya kaming i-handle dahil alam na alam niya ang ugali ng mga katulad namin.

Like us, she was once a troublemaker too.

My Teacher is a GangsterWhere stories live. Discover now