42. ACCUSED

2.3K 74 0
                                    

It feels good to be alive. Ganoon pala ang pakiramdam ng tinatawag nilang near death experience. Nakakatakot.

We stayed in the hospital for several days. Mabilis naman kaming naka recover. Habang nagpapagaling kami ay hindi pumalya sa pagdalaw ang mga boys. Nangulit pa sila ng selfie habang kaming tatlo nina Gray at Mike ay pasa pasa pa ang mukha at may mga bandages sa katawan. Loko loko talaga sila.

Naaalala ko pa rin ang mga nangyari noong gabing iyon.

Nag-kuwento din si Neil sa mga nangyari noong umalis kami ng beach house para pumunta sa yatch ni Barron.

Katulad namin ni Perez ay napansin din pala ni Neil na hindi pa bumabalik noon sina Gray at Mike. Tinatawagan pa daw niya si Mike pero hindi siya sumasagot. Nang makita niya kami ni Perez na papuntang beach house ay alam na daw niyang i-checheck namin iyong dalawa.

Kinutoban si Neil nang pagbalik namin ay nagyaya na si Perez na magpahinga. Nagkunwari daw siyang tulog at nakinig sa usapan namin nang hindi namin namalayan. Nalaman din niya na wala sa kuwarto ko noon sina Gray at Mike. Sinundan niya kami at nakita niyang sumakay kami ng bangka papunta ng yatch.

Hindi daw siya mapakali pero sinubukan niya kaming hintayin na makabalik. Nang magtagal ay naisipan na daw niyang tawagan ang daddy niya. Agad naman daw itong tumawag ng mga police para tulongan siya na puntahan at hanapin kami.

Naging malaking tulong si Neil sa pagkakaligtas namin.

At ngayon, everything is back to normal. Balik eskuwela na kami nina Gray at Mike. Mas naunang lumabas ng hospital si Perez.

Nasa rooftop kami ngayon dahil vacant period namin.

"Everyone knows what happened during our out of town trip Jazz. Iyon ang usap-usapan ngayon sa buong PHS." sabi ni Duke.

Inasahan ko na ito. May involved na grupo ng mga sindikato kaya hindi malabong kumalat ang nangyari. Sana lang ay hindi rin kumalat na si Perez talaga ang pakay nila.

"Sana lang ay huwag maging big deal iyon sa mga school administrators. Kapag nagka ganoon, si Miss Perez ang mahihirapan." dagdag naman ni Thom.

Our parents have learned what happened in the island. Kinausap at ipinaliwanag namin sa kanila ang nangyari. Syempre we did not tell them na ang mga nanakit sa amin ay connected kay Perez. Nobody must know her real identity. Nagpasalamat naman sila dahil iniligtas niya kami.

Alam na ng mga boys ang identity ni Perez. They were shocked to discover that our teacher is a ganster. Pero imbes na matakot o masindak sila ay bumilib ang mga ito sa kanya. Sabi pa nga ni Gray at Mike, astig daw na teacher si Perez.

I just hope na walang maging fallback ang insidente na nangyari sa amin sa beach house.

*****
Tapos na ang klase kaya uwian na. Nakaalis na ang mga boys at ako na lang ang naiwan. Kinailangan ko pa kasing dumaan sa library para manghiram ng libro.

Nasa parking lot na ako. Nakita ko na nasa teachers' parking lot pa rin ang volkswagen ni Perez. Papasok na sana ako sa sasakyan nang mapansin ko na nasa loob pala siya ng sasakyan niya. I don't like the expression in her face. Something is bothering her.

I walked towards her car and knocked on its window. Pinagbuksan naman niya ako agad.

"Hi Jazz. May kailangan ka ba?" tanong niya sa akin. She sounds sad.

"Wala naman. I'm about to leave pero nakita kita. Are you alright?" tanong ko. I heard her sigh. I took that as a sign that something is wrong.

"I was called at the principal's office." she revealed. Naisip ko na may kinalaman ang nangyari sa out of town trip namin.

"The principal and other administrators talked to me. Tungkol ito sa nangyari sa atin noong out of town trip. Hindi maganda ang naging usapan Jazz." pagpapatuloy niya.

"Why did you say that? Ano ba ang nangyari?" tanong ko.

"They are accusing me of negligence Jazz. Pinabayaan ko daw kayo kaya nangyari ang insidente. They think that I am irresponsible and careless. Ang mas malala ay puwede akong masuspend o matanggal sa PHS."

Paano nila nasabi iyon? Alam namin nina Gray at Mike na hindi niya kami pinabayaan. She risked her own life for us. Perez did everything to save and protect us. Those people should stop accusing her. Dahil kung wala siya, marahil ay wala na kami.

Hindi kami papayag na masuspend o matanggal si Perez dito sa Patterson High School.

We must do something to help her. Hindi namin siya papabayaan.

My Teacher is a GangsterWhere stories live. Discover now