52. SHE LEFT

2K 75 1
                                    

We bagged the third place. Not bad for first timers like us. Mukhang totoo nga ang sinasabi nilang beginner's luck. But looking back to all the time, effort and hard work we put into this, I can proudly say that we won not because of that so called luck but because of our dedication and teamwork.

Lahat kami ay masayang umakyat ng stage to receive our award. Sumama rin sa stage ang mga magulang namin who came today to watch and support us.

Nasa grade school pa lang yata ako nang huling umattend ng school affair ko sina daddy at mommy. Dahil madalas silang wala at busy sa trabaho, hindi sila nakaka panood ng mga activities na nasasalihan ko noon. Kaya naman napaka laking bagay para sa akin ang presence nila ngayon. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Naalis pansamantala sa isip ko ang problema namin.

Halos wala ng puwesto sa stage ang mga ibang nanalo sa talent contest dahil lahat ng boys ng hell section ay umakyat na rin. Malakas pa rin ang palakpalakan at sigawan ng mga tao. Some of them are even shouting and cheering for our section. We instantly gained supporters after our performance.

Alam kong hindi nila inasahan ang mga ipinakita namin sa kanila. At hindi rin namin inasahan that our section will receive praises and applauses from people who used to hate and curse us.

Ibang-iba na talaga ang hell section ngayon. Minsan nga ay naiisip ko na parang hindi na bagay sa amin ang matawag ng ganoon.

Pagkababa namin sa stage ay isa-isa naming pinasalamatan ang mga gurong nakasama namin sa talent contest. Nakakagulat man pero nakipagkamay at nakipagyakapan kami sa kanila.

"Thank you rin sa inyo boys. I had a great time with you. Masaya akong makasama at makilala kayo. I never thought that you guys have a good side. Mababait naman pala kayo. Hindi lang talaga halata." pagbibiro sa amin ni Mr. Herrera.

"Huwag kang mag-alala Sir. This is not the last time na magkakasama tayo. Lalabas tayo paminsan minsan para makapag-jamming. Diba boys?" sabi naman ni Henry.

"Oo nga Sir. Turoan mo kaming maggitara. Para makasama naman kami sa jam ninyo." hirit naman ni Ace.

Nagpatuloy pa ang usapan hanggang sa nagkayayaan ng umalis at magcelebrate.

"This calls for a celebration! Saan tayo boys? Tara! Magparty party naman tayo!" Mike said excitedly.

"Let our adviser decide. Miss Perez saan tayo? Huwag muna sa noodle house ha." natatawa namang sabi ni Duke.

Hindi ko makita si Perez. Kanina ko pa siya hindi mahagilap. Kasama namin siyang bumaba ng stage kanina. After that hindi ko na siya napansin. Saan naman kaya siya nagsuot?

Nakita ko si Neil na paikot-ikot dito sa may hall. Sigurado akong pareho lang kami ng hinahanap.

"Bro para kang trumpo diyan. Nakakahilo kang tignan." That's me trying to piss him off.

"Jazz where is Miss Perez? Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita." he sounds worried.

Hindi naman siguro siya aalis na lang ng walang paalam. Baka may pinuntahan lang siya saglit.

"Let's just wait for her. Baka nag-cr lang o baka may pinuntahan saglit." ayokong mag-isip ng kung ano.

Mag-iisang oras na kaming naghihintay. Nakaalis na ang mga magulang at ibang mga teachers namin pero wala pa rin siya.

Is she really planning to spoil the moment? Hindi na rin maganda ang pakiramdam ko. Ayokong isipin na umalis siya at iniwan na lang kami dito ng basta-basta.

Mas lalo akong kinabahan nang maalala ko na minsan ay bigla din siyang nawala ng ilang araw ng hindi nagpapaalam.

"Jazz." bulong ni Neil sa akin. Malungkot ang mukha niya. Alam ko ng may hindi siya magandang sasabihin. "I walked around. Napadaan ako sa may parking lot at wala na doon ang sasakyan niya."

"You mean she left without us knowing?" may bakas na ng inis ang boses ko.

Neil did not answer me. He handed me a letter instead. "Iniwan sa guard."

I opened it and there is her familiar handwriting. Sulat ito ni Perez.

Nalilito ako sa mga binabasa ko. My mind cannot process the words I am reading. Tila ba ayaw tanggapin ng utak ko ang mga nababasa ko.

Lungkot. Galit. Pagkalito. Halo-halo ang nga nararamdaman ko ngayon.

Why so sudden Perez? How can you do this to us?

"Tumgots na ako! Kain na tayo please. Nasaan na si Miss Perez?" Axe asked innocently.

Pilit ko naman siyang sinagot. These are the only words I can utter right now.

"She left."

My Teacher is a GangsterWhere stories live. Discover now