33. HEARTBREAK

3.2K 101 0
                                    

Hindi siya tinantanan ng mga boys. Gusto nilang ikuwento niya kung paano siya nagbago dahil sa isang lalaki.

Dahil nga sa badoy siyang magdala, ang akala ko noon ay never siyang nagka boyfriend. Nalaman ko lang na nagka boyfriend na pala siya nang minsan siyang tanongin ng mga boys.

"Hinamon ko sa suntokan ang lalaking iyon." kuwento ni Perez.

"Minsan kasi ay nagkasalubong kami sa may corridor. Hindi ko gusto ang tingin niya sa akin noon. Mukha siyang naghahanap ng sakit ng katawan kaya ko siya hinamon ng suntokan." Maangas pala talaga siya noon.

"Pagkatapos ko siyang hamonin ay tinignan lang niya ako at nginitian. Sabi niya sa akin, bakit daw siya makikipag suntokan sa isang babae na katulad ko." nakangiti siyang nagkukuwento sa amin.

"Sa halip na tanggapin ang hamon ko ng suntokon ay nakipag kamay siya sa akin at nagpakilala. Blake ang pangalan niya." Naalala ko pa iyong sinabi niya sa amin na after niyang maheartbroken ay hindi na ulit siya nagka boyfriend. Naalala din yata ni Neil iyon dahil tungkol doon ang tanong niya.

"Naging kayo ba ni Blake Miss Perez?" tanong ni Neil.

"Ganoon na nga. Simula nang magkakilala kami ay hindi niya ako tinigilan hanggang hindi ako pumayag na lumabas kasama siya. He had pestered me almost everyday. Sa huli ay napapayag niya ako. Hindi nagtagal ay nagkagusto ako sa kanya. Siya kasi ang kauna-unahang lalaki who treated me as a lady. Dahil mahilig ako sa away, hindi na babae ang tingin ng iba sa akin noon. Pero iba siya. Kapag magkasama kami ay nagiging mahinhin ako. He can easily tame me. Naging conscious ako sa sarili ko noon at iniwasan ko na ang pakikipag basag-ulo. Eventually ay naging kami." pagpapatuloy niya.

"Is he your first love?" tanong na naman ni Neil.

"Yes. He was my first love and my first heartbreak." Natahimik naman si Neil sa sagot ni Perez.

"Maayos naman ang relationship namin noon. He had changed me. Noong maging kami ay marami na ang nagbago sa akin. I was the happiest. Pero hindi lang naman puros saya ang isang relationship." naging malungkot na ang expression ng mukha niya.

Ahead daw ng ilang taon iyong Blake sa kanya kaya nauna itong grumadweyt. Nagpromise daw iyong si Blake na sa Shanghai mag-aaral ng college. Hindi nagtagal ay nalaman daw ni Perez na lilipat si Blake sa Beijing. Noong una daw ay sinabi nitong malilipat ang family business nila doon. At dahil mahal niya si Blake ay pinayagan niya itong lumipat at doon na magpatuloy ng pag-aaral.

Nang lumaon ay naging madalang na daw ang pagtawag ni Blake sa kanya. Hindi na rin daw ito dumadalaw sa kanya sa Shanghai. Dahil sa nag-aalala siya, naisip niya daw na puntahan si Blake sa Beijing.

Doon niya nalaman na engaged na pala ito. Matagal na palang nakaplano ang isang arranged marriage para sa kanya. Chinese din si Blake kagaya niya at madalas ang ganoong klaseng marriage sa mga Chinese.

"Sobrang nasaktan ako dahil hindi niya ito sinabi sa akin. Pakiramdam ko noon ay nagpalipas lang siya ng oras sa akin. Naisip ko na hindi siya naging seryoso sa relasyon namin. Hindi ko na siya hinabol o ginulo pa. What's the point? Mukhang hindi naman niya talaga ako minahal." mapait ang ngiti niya.

"Simula noon ay hindi ka na nagka boyfriend pa ulit, tama ba?" tanong ko sa kanya.

"You're right. Because of what happened to us, nagkaroon na ako ng takot pagdating sa love." natawa siya ng mahina.

"Nandito naman ako Miss Perez." biglang hirit ni Neil.

"Ikaw talaga Neil. Masyado ka pang bata." sagot ni Perez. Inulan ng tukso si Neil dahil doon.

Tinignan ko naman si Perez habang ginugulo ang buhok ni Neil.

As she shares her story to us, unti-unti na ring nawawala ang mga doubts and suspicions ko sa kanya.

It's good to hear stories about her. Mas nakikilala ko kasi siya dahil sa mga kuwento niya.

Things are really different now. She's not a stranger to us anymore.

My Teacher is a GangsterWhere stories live. Discover now