27. SHE'S BACK

3.6K 109 0
                                    

The boys decided na kapag sa lunes ay  hindi pa nagpakita si Perez ay irereport na namin ito sa police. Neil also wants his dad to help. Sa aming lahat, siya ang pinaka worried.

Magpakita ka na Perez. I muttered to myself. Napag desisyonan kasi namin ni Neil to finally confront her kapag nagpakita na siya sa amin. Like me, Neil hates secrets.

*****
Monday na. Everyone's hoping na papasok na si Perez today. We are patiently waiting in the classroom. Five minutes na lang ay first period na.

Liningon ko si Neil na nasa tabi ko lang. His eyes are glued on the door. Halos hindi na siya kumukurap sa pag-aabang ng pagdating niya.

Out of the blue ay bumukas ang pinto. Sabay-sabay kaming napalingon doon at nagulat nang makita si Perez na pumasok.

She is smiling at us. Parang walang nangyari. Pero ngayon ay may iba sa ngiti niya.

"Good morning boys. Long time no see." bati niya sa amin. Wala ni isa ang kumibo.

Nag-buntong hininga siya bago muling nagsalita.

"I'm sorry. Alam kong nagtataka kayo kung bakit isang linggo akong hindi pumasok. Something urgent came up. Hindi ako nakapag file ng leave at hindi rin ako nakapag paalam sa inyo."

Wala pa ring kumibo. Nakatingin lang kami sa kanya.

"Are you mad? Namiss niyo ba ako ng sobra? Nakaka touch naman." pilit na biro niya sa amin.

"You have a lot of explaining to do Miss Perez." sabi ni Neil.

"Ok. Umuwi kasi ako ng province dahil nagka emergency." paliwanag niya.

"Napaka urgent ba noon at hindi ka na nakapag paalam kahit sa landlord mo?" This time ako naman ang nagtanong. Mukhang nagulat siya.

"You went to my place? How did you know kung saan ako nakatira?" she asked.

"Sa sobrang pag-aalala ni Neil sa iyo Miss Perez ay nagtanong siya sa head ninyo. Sa kanya namin nalaman ang address ng appartment building kung saan ka nakatira. At hindi lang iyon, pinuntahan pa namin mismo. Ang layo ng tinitirahan mo Miss Perez." Ace said.

Tahimik si Perez. As if she's trying to think of an answer to what Ace has said.

"I didn't expect na mag-aabala kayong hanapin ako. Seriously, I'm touched. Pero nandito na ako. You don't have to be bothered anymore." ngumiti siya sa amin.

Hindi na namin siya kinulit pa. Buong klase ay halatang hindi siya makapag focus.

Halata kong may bumabagabag sa kanya. Tinignan ko si Neil at alam kong he's already decided.

Mamaya ay iko-corner namin si Perez. Sabi nga ni Neil kanina, she has a lot of explaining to do.

My Teacher is a GangsterWhere stories live. Discover now