4. TWO OF THREE

6K 177 0
                                    

I'm laughing inside as I remember her embarassed face yesterday. That newbie became a laughingstock.

I can't wait for this day to start. Habang naglalakad ako sa corridor papuntang classroom nadaanan ko sina Bruce at Mike. Mukhang ako ang hinihintay ng dalawang mukong.

"Jazz, bro! Ano na?" Naintindihan ko naman agad ang ibig sabihin ni Mike. "Atat na akong paiyakin si Perez. What's the plan? Dali! I can't wait to ruin her day." dagdag naman ni Bruce. Kagaya ko, nakahanap din ng new toy sina Mike at Bruce. Lahat kami sa hell section ay nakahanap ng bagong libangan.

"Chill bros. Sira na agad ang araw niya pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa classroom." I said giving a devilish grin.

Plano na kahapon pa ng buong section na i-boycott ang klase ni Perez. Tignan ko lang kung matutuwa siyang makita ang empty classroom namin. Dumiretso naman kaming tatlo sa tambayan. Nandoon na rin kasi iyong mga boys at naghihintay sa akin.

As usual, ang tambayan ang hiding place at official territory ng hell section. Our place is on the rooftop of the main building where our classroom is located. Kitang kita sa taas ang parking lot, quadrangle at iba pang buildings ng PHS. Dito makikita mo ang mga papasok at lalabas ng main building. Today, iisang tao lang ang inaabangan ko. My eyes are fixed on the parking lot intended for teachers.

After few minutes, I saw a pink volkswagen approching the lot. Pink? Badoy! Napaka cheap pa. Can't she afford to buy herself a decent car? Sabagay, her car suits her personality. Pathetic!

The car stopped and she came out carrying her annoying pink polka dots backpack. What's with pink by the way? Nakakairitang tignan. Lalo tuloy kumulo ang dugo ko.

When she is almost at the stairs, bigla siyang natapilok. Nahulog ang mga dala niyang books and papers. Dahil she is in a hurry to pick her stuff, pati eyeglasses niya nahulog na rin. How clumsy. Tawang tawa ako sa scenario na nakikita ko. Lampa!

Pumasok na siya sa building and I'm sure diretso na iyon sa classroom - sa classroom naming walang katao-tao. I thought of this yesterday. Naisip ko lang na she must know na hindi siya welcome at hindi siya gusto ng section namin. We want her to think and feel na wala siyang lugar doon and we don't like her as our adviser. She's lucky dahil ganito lang ang inaabot niya sa amin. Mukha naman siyang madaling pasukohin kaya tama lang siguro iyong ganito.

Habang nasa rooftop kami, busy ang ibang boys sa paglalaro ng darts. Si Henry ang nakaisip maglagay ng dartboard dito at since then nakahiligan na rin namin ito. Iyong iba busy sa paglalaro ng games sa cellphone. Ako naman ay nakahiga lang sa favorite spot ko dito sa rooftop. Dito na kami hanggang sa magsawa at maisip ng umuwi. Forget those useless classes and boring teachers.

Napapikit ako dahil masarap ang hangin dito. I feel very confident na malapit na naming mapaalis ang Perez na iyon. I almost fell asleep dahil biglang tumahimik. Ano kaya ang ginagawa ng mga mukong? I opened my eyes at nakita ko siyang nakatayo sa harap ko mismo at tinitignan ako ng masama. Her hands are on her waist. Halatang badtrip na badtrip siya.

"What do you think you're doing Mr. Sison? Wala ang buong section ninyo sa classroom. This is just the second day of class pero nakadami na kayo ng kalokohan. Please go back to our classroom and attend our class or else" madiin niyang sinabi.

"Or else ano?" sagot ko sa kanya. "Come on, can't you see we're having a good time here? Mas masaya dito kaysa sa klase mo. Leave us alone." Inemphasize ko ang last three words para maramdaman niyang wala kaming balak umattend sa klase niya. I closed my eyes and ignored her.

"No. I am your adviser at ako ang masusunod. Tumayo ka diyan at lahat kayo bumaba na." she said trying her best to sound firm. Nakahiga at nakapikit pa rin ako. The boys can handle her anyway. I'll leave Perez to them.

"Ano ba ang hindi mo magets? Ayaw naming pumasok sa boring na klase mo. Dito lang kami. At ano naman kung adviser ka namin? Kami ang masusunod. Leave us alone and stop bothering us." Mukhang alam naman ni Mike ang dapat niyang gawin at sabihin. Kabahan ka na Perez.

"I can't believe you're saying those things. Ako ang masusunod. Go to our classroom now!" puno ng authority ang boses niya kaya naman bumangon na ako sa pagkakahiga.

All of a sudden, the boys move towards her. Ginalit niya ang mga predators at pinapalibotan na siya ngayon. Seryoso ang mukha ng mga boys. Isa-isa naman silang tinitignan ni Perez. She looks nervous. Sobrang lapit na ng mga boys sa kanya. Mistula siyang prey na wala ng matatakbohan.

"You can't do that Perez. Not to us." madiing sabi ni Mike. Kitang kita ko naman mula sa puwesto ko ang pag-atras ni Perez. Umaatras siya habang lumalapit ang mga boys sa kanya. They are almost at the door.

"Leave. Huwag mo ng hintayin na may magawa pa kaming masama sayo." Binuksan ni Bruce ang pinto at tinulak naman ni Mike si Perez palabas ng rooftop. Nagdiwang at nagtawanan ang mga mukong. It's a mission accomplished.

"Ayos. Mukhang hindi siya aabot sa five days mo Gray." sabi ko nang nakangisi.

Like what I said, nobody can handle us. You can't boss around the boys of hell section dahil kami ang mga boss.

I finally stood up. I am thinking of giving her a farewell party tomorrow. Sisiguradohin kong bukas na ang last day niya sa hell section at dito sa Patterson High School.

My Teacher is a GangsterWhere stories live. Discover now