28. WHERE SHE WENT

3.6K 108 1
                                    

Inaabangan namin si Perez ngayon dito sa parking lot. Neil and I are both quiet. We are eager to learn the truth from her. I'm not just sure kung handa ba kami sa mga posible naming malaman about sa kanya.

Finally ay dumating na ang kanina pa namin hinihintay.

"I'm already expecting to see you here. Alam kong hindi ninyo ako titigilang dalawa. Hindi ko lang alam kong ready akong sagotin ang mga tanong ninyo" she said trying to smile at us.

We decided na sa isang coffee shop near PHS kami mag-uusap. Since malapit lang iyon, we agreed to walk.

No one said a word while we are on our way to the coffee shop.

"Let's order. I guess this is going to be a long talk kaya kailangan natin ng coffee." ngumiti siya and she ordered for the three of us.

"Sino iyong lakaking bumisita sa iyo before?" I started.

Humigop muna siya ng kape bago sumagot.

"He's Condrad Cheng. My father's right hand and most trusted friend." Chinese din pala ang lalaking iyon. Hinintay naming ipagpatuloy niya ang pagpapaliwanag.

"That day hindi ko inasahan na pupunta siya sa Patterson High School to see me." dagdag pa niya.

"I heard your conversation. If I understood it right ay pumunta siya para sabihin sa iyo na makipagkita sa isang tao. Who is that person?" tanong ko.

"My father. Since I came back ay hindi pa kami nagkikita." she smiled bitterly.

Kaya pala ang sabi ng Condrad Cheng na iyon ay hindi pa pumupunta sa villa si Perez kahit minsan.

"My father and I are not in good terms. Matagal ng hindi maayos ang relasyon namin bilang mag-ama. Ilang taon akong hindi nagpakita sa kanila. Recently lang din nila nalaman na nakauwi na ako." Ganoon pala iyon.

"Bakit Miss Perez? Hindi mo ba pinaalam sa kanila na nandito ka na sa Pilipinas? From your file ay nalaman namin na sa Shanghai ka ipinanganak at lumaki." sabi ni Neil.

"My dad is a pure blooded Chinese. Maximilion Chua is his name. Doon talaga kami sa Shanghai nakatira. Pero dahil maraming responsibilities na kailangang salohin si papa ay bumalik kami sa Pilipinas nang pansamantala. Grade 2 lang ako noon." Anong mga responsibilities naman kaya ang tinutukoy niya?

"We also discovered na Chua talaga ang apelyido mo. Pero hindi malinaw kung bakit Perez ang ginagamit mo. Mas lalo akong nagulohan dahil walang kahit anong information sa file mo about your mother." Isa kasi ito sa mga ipanagtataka ko noon pa. Hopefully ay masasagot na niya ito.

"I was surprised when you called me Chua sa may parking lot. Kaunti lang kasi ang nakakaalam. When PHS hired me, naki-usap ako sa mga administrators kung puwedeng Perez ang gamitin kong last name since hindi pa tapos iyong processing ng mga papers ko. I am legally changing my name. Naisip ko rin Jazz na baka nakakuha kayo ng file sa registrar's office kaya mo nalaman ang tunay kong apelyido." nakangiti niyang sabi.

"Bakit mo papalitan ang apelyido mo?" sunod na tanong ni Neil.

Humugot ng lakas ng loob si Perez bago sagotin ang tanong na iyon.

"Because long time ago, tinalikoran ko na ang pagiging isang Chua." Malungkot ang pagkakasabi niya. Ngayon ko lang nakita si Perez na fragile. She looks vulnerable.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "That is another story to tell. Sa ngayon ay ipapaliwanag ko muna sa inyo kung bakit ako nawala."

Ayokong malihis ang usapan dahil interesado ako sa huli niyang sinabi. I want to know kung bakit niya tinalikoran ang pagiging isang Chua. Pero gusto ko rin malaman kung saan siya nagpunta.

"Sunday ng hapon ay pinuntahan ulit ako ni Condrad. Hindi na rin ako nagulat kung paano nila nalaman ang tirahan ko. Condrad has many connections." sabi niya.

"Iyong matanda sa noodle house ang nagsabi sa amin na may sumundo sa iyo noong sunday. Anong pakay ng Condrad na iyon sa iyo?" Nuanahan ako ni Neil sa pagtatanong.

"Para sundoin ako." Bakit siya sinundo? Saan sila pumunta? Parang nabasa ni Perez ang isip ko dahil sinagot niya agad ang tanong ko.

"My father is sick. Malala daw ang kalagayan nito kaya naki-usap siya sa akin na sumama sa kanya. Despite everything that happended to the both of us, naisip ko na siya pa rin ang ama ko. He badly needs me kaya kahit undecided ako ay sumama pa rin ako kay Condrad sa villa."

Iyon pala ang dahilan kaya matagal siyang nawala. Ngayon ay alam ko na.
She has responsibilities as a daughter kaya isinantabi na muna niya ang hindi nila pagkakaunawaan. Pinuntahan niya ito dahil alam niyang kailangan siya nito.

Marami pa akong tanong na gustong masagot pero mukhang hindi pa ito ang tamang panahon.

After sharing a piece of her life to us, narealize ko na gumaan kahit papano ang loob ko kay Perez.

My Teacher is a GangsterWhere stories live. Discover now