54. WORSE

1.9K 58 1
                                    

A week has passed since Perez left.

Papunta na ako sa classroom nang madaanan ko ang kambal na sina Ace at Axe malapit sa may utility room.

May kasama silang isang estudyante. Axe is holding and pulling the student's collar while Ace is busy rummaging a bag.

Tinignan ko lang sila. Hindi ko pinahalata ang presence ko. Ayoko ring makialam sa ginagawa nila.

Bago ako humakbang paalis ay narinig ko pa ang pagkakatulak at pagkakahiga ng estudyante sa sahig.

Napabuntong hininga na lang ako.

Nakarating na ako dito sa classroom. Makalat. Magulo. Maingay. Everybody is busy doing their thing.

Walang kiboan. Walang pansinan. Para kaming nasa kanya-kanya naming mundo.

Umupo na lamang ako. I badly want to ignore them but I couldn't endure seeing them, seeing us this miserable.

Ilang sandali lang ay pumasok ng classroom si Gray. From his looks, alam kong matindi ang hangover niya. Lately, he is always drinking. Last night ay tumawag siya sa akin. He invited me for a drink. Nagpunta naman ako pero lasing na lasing na siya pagkarating ko sa bahay nila. I decided to bring him to his room kesa naman sa bar area siya matulog.

Until now ay wala pa rin kaming adviser. Wala pang pinapalit ang school admin kay Perez.

Suspended sina Henry at Bruce. The two were caught smoking at the back of the admin building. Hindi naman talaga sila smokers. They smoke once in a while pero hindi ko masasabing bisyo na nila iyon. Never din silang nanigarilyo sa loob ng school campus.

Si Neil naman ay madalas missing in action. We never had the chance to talk again after that day. He is deliberately avoiding us, especially me. I don't know his reasons. I want us to talk pero hahayaan ko na muna siya.

Halatang hirap kaming makapag focus sa klase. Sa lahat ng subjects namin ay hindi kami kumikibo. Tahimik lang kaming nakikinig. Dati ay mahilig kaming manggulo at mang-inis ng mga teachers. This time ay para kaming mga batong nakaupo lang sa classroom.

I feel the worry and concern of our teachers for us. Alam nila kung ano ang nangyayari at pinagdadaanan namin. Alam nilang apektado kami sa pag-alis ni Perez. They want to reach out but they also know that we want to deal with it alone. Nakikita ko mula sa actions nila ang mga salitang hindi nila masabi sa amin.

Wala na ring tumatambay sa rooftop after class. Madalas ay ako na lang mag-isa ang nagpupunta doon.

I'm scared that her absence will separate us.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay kumatok at pumasok si kuya guard sa classroom. Hinahanap niya sina Ace, Axe, Duke at Mike.

"Anong problema? Bakit sila pinapatawag sa guidance office?" tanong ko.

"Trobol daw sa labas ng PHS kahapon." sagot ni manong.

I am not aware of it. Ngayon lang sila napaaway ng hindi namin alam, na wala kami.

Nawawatak na ba talaga kami? What is happening to us?

Hell section is back to our usual mischiefs and troubles. This time it's worse.

My Teacher is a GangsterWhere stories live. Discover now