Chapter 5

24.1K 541 21
                                    

Adrianna

PINATAY ko ang phone ko dahil siguradong tatawagan ako ni Jacob.  Ayoko siyang makausap. Galit  ako sa ginawa niya sa akin. Kapag ako ang may kausap na lalaki napaka-big deal sa kanya iyon - mukha ng papatay na parang may ginawa akong kasalanan sa kanya. Siya nga itong nakipaghalikan sa babaeng iyon. Pero parang balewala lang sa kanya kung ano ang mararamdaman ko. Wala ba akong karapatan na magalit rin?

"Anak, nasa ibaba si Jacob." Ani Mama ng pumasok sa loob ng silid ko. Sigurado kukulitin ako niyon kahit hindi ko siya kausapin. 

" Sige po, Ma, susunod po ako. Magbibihis lang po." Lumabas na ng silid ko si Mama.

Nang makapagbihis ay bumaba na ako. Gusto ko siyang kausapin ng masinsinan. Kailangan ko ng tapusin ang namamagitan sa amin. Hindi na lang palagi ganito kami- laging nag-aaway. Ako na lang 'lagi ang nagbibigay at nagpapasensya sa aming dalawa. Nakakasawa na. 

Nagtagpo ang mga mata namin ng ibaling ko ang tingin sa kanya nang magkaharap kami sa sala. Hindi ako nagbawi ng tingin kahit nag-aalab sa galit ang mga mata nito.

"Sino ang kasama mong lalaki kanina?" galit na tanong niya. 

"Kaibigan ko lang  siya. Kung inaakala mong mayroon kaning relasyon. Wala!" bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. Halos pigain niya ito. Napaigik ako sa sakit. Nagpumiglas ako at nagtagumpay naman akong makawala sa kanya.

"I told you don't you dare near with men! Tapos ngayon makikita ko may kasama kang lalaki at sumama ka pa sa kanya!" halos mamula sa galit si Jacob. Nagtagis ang bagang ko.

"Sinabi ko naman sa iyo wala kaming ginawang masama. Hinatid niya lang ako that's all. Nagmagandang loob lang naman ang tao 'tapos pag-iisipan mo ng masama? Alam mo kung bakit?" Hindi ko napigilan ang luha kong pumatak, " dahil nakita niya akong umiiyak!" Pinahid ko ng marahas ang mga luha ko. 

"Sana hinintay mo ako! Hindi iyong basta-basta ka na lang sumasama sa ibang lalaki! Bakit nangangati ka na ba kaya naghanap ka ng iba?" ngumiti pa ito ng nakaloloko. 

Nagpanting ang tainga ko sa narinig ko mula sa kanyang bibig. Sinampal ko siya. Napabaling ang mukha nito. 

"How dare you to accuse me! Hindi ako nangangati! Iyan ba ang tingin mo sa akin isang makating babae? Hindi mo pa nga talaga ako kilala. Ang sakit lang Cob, mula sa pagkabata natin kilala mo na ako. 'Tapos kung makapagsabi ka sa akin ng ganyan parang hindi mo ako kilala. Itinanong mo ba kung bakit ako umiiyak? Huh? Umiiyak ako dahil nakita ko kayo ni Haley naghahalikan! May gana ka pang magalit sa akin wala naman akong ginagawang masama. Ikaw ang may ginagawang milagro. Wala na ba akong karapatan magalit sa ginawa mo?" 

"Kung nakita mo kaming naghalikan she dare me to kiss her. Pero wala lang sa akin iyon." He reason out. Hindi ba siya aware kung ano ang mararamdaman ko? Paano kapag ako ang gumawa? Sasabihin ko din he dare me. Wala lang sa kin ang halik na iyon.

Ano ang mararamdaman niya. Hindi ako manhid na basta na lang makakalimutan ko ang nasaksihan ko. 

"Paano kapag ako ang gumawa niyon? Sasabihin ko din na wala lang din ang halik na iyon" panghahamon ko sa kanya.

"Dria, don't you dare. I swear I can kill!" nanlilisik ang mata nito sa akin. Nasaktan ako dahil hindi naman iyon ang ini-expect ko na sagot niya.

"Wow just wow. Kapag pala ako na ang gumawa napaka-big deal na sa iyo! Hindi mo man lang ba inisip ang naramdaman ko ng makita kong may kahalikan kang iba?" tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Pinahid ko iyon gamit ang palad ko.

"Cob, I need space. Let's end this relationship na wala naman patutunguhan.  Ayoko na nakakasawa na..." natigilan si Jacob sa sinabi ko.  Akmang lalapit sa akin ng tinalikuran ko na siya. Tumakbo ako at pumasok sa silid ko. Pagkasara ng pinto umupo ako sa kama. I felt helpless and weak. Nakarinig ako ng ugong ng kotse kaya nagpunta ako sa tapat ng bintana at sumilip roon. Mabilis na pinaandar ni Jacob ang kanyang sasakyan. 

Kailangan kong makahinga. Nasasakal na ako sa piling niya. Hindi na healthy ang relasyon naming dalawa na lagi na lang walang tiwala sa akin at pinag-iisipan ako ng masama. I need to forget him. Nagsilaglagan ang mga luha ko sa pisngi. Sa isipang iyon nasasaktan ako ng sobra. Parang binibiyak ang puso ko.

Copyright©2018All Right ReservedBy coalchamber13

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Copyright©2018
All Right Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon