Chapter 10

26.7K 588 31
                                    

Jacob 

NAGSIMULA na ang medical mission dito sa barrio. Kailangan namin maging alerto, dahil nakatanggap kami ng intelligence report na may nagbabalak pumasok sa medical mission na mga terorista. Pinakordon ko na ang bawat entrance at exit ng lugar upang makasiguro. Naglakad ako sa may likod ng school para i-check ang paligid. Wala naman kahinala-hinalang nilalang sa paligid. 

"Sir, may gusto pong kumausap sa inyo," nagulat ang tauhan ko nang humarap ako. Nakatakip kasi ng panyo ang mukha ko, mata lang nakalitaw. Hindi na lang ito nagsalita. Nag-salute ito sa akin at gayon din ako. Naglakad kami papunta sa isang tent na para sa amin. Ibinaba ko ang panyo hanggang baba ko. Para hindi naman ako mukhang goons sa hitsura ko. Itinuro ng tauhan ko ang nakatalikod na lalaki. Base sa suot nito para itong doctor.

"Major Dela Costa, good morning. My name is Dr. Mike Castillano.  Sir, I'm here to confirm that I'll be the additional Doctor here." Nakipagkamay ito sa akin na tinanggap ko naman.I'm not sure why I suddenly felt uneasy around this guy; his presence here bothers me.

"Okay, Dr. Castillano, you may proceed." Sabi ko sa seryosong tinig. Tumango ito at umalis na palabas ng tent namin. Sumunod akong lumabas dahil magmo-monitor ako sa nangyayari sa labas. Habang papalapit sa mga Nurses na nag-a-assist sa mga pasyente napatingin sa akin ang kasama ni Dria.

"Besh, ang guwapo niya grabe!" Rinig kong bulong ng isa. Hinampas nito ang kasamang nurse habang ang isa naman halos sa akin na nakatutok ang mata. Tumapat ako sa kinalalagyan nila. Binigyan ko sila ng ngiti at may kindat pang kasama kaya mas lalong kinilig ang mga babae. Nang makalagpas na ako tinakpan ko uli ang ilong hanggang bibig ko. Baka makasalubong ko ang mahal kong Dria.

Adrianna 

"BAKIT ganyan ang mga hitsura niyo? Para kayong naiihi sa kilig," natatawa kong sabi sa tatlong Nurse na kasama ko dito.

"Adrianna, grabe ang guwapo niya. Ayieee.." kinikilig na sabi nito.

"Oo nga super pogi niya. Nalaglag ang panty ko," sang-ayon naman ng isa.

"Sayang wala ka dito hindi mo nakita mukha siyang artista. My god ang pogi!" tili naman ng isa. Napatingin tuloy sa amin ang mga ibang pasyente. Hinampas ko sa braso para sawayin sa pagtili niya. Nakakahiya naman para kaming mga teenager dito.

"Sino ba kasi ang sinasabi niyong pogi?" tanong ko sa tatlo habang inaayos ang mga gamot na ipapamigay namin.

"'Yong sundalo na sumundo sa atin kahapon," sabi nito habang kinikilig.  Napapailing naman ako sa mga ito. Mga bata pa kasi, halos ate na nila ako.

"Paanong guwapo iyon nakatakip naman ang mukha, mata lang ang nakikita ko. Ano ang guwapo doon? Baka naman pangit ang mukha kaya tinatakpan niya." sabi ko. Hindi ko naman talaga alam kung ano ang hitsura.

"Basta kami nakita namin ang kabuuan ng mukha niya. Inalis niya ang panyo kanina. Nginitian pa nga kami tapos may kasamang kindat pa. Ayieee.." nakakapagtaka naman na sila pinakitaan niya ng mukha, ako hindi. Unfair naman yata iyon.

"Ianna!" napalingon ako sa tumawag sa akin. Lumawak ang ngiti ko ng makita ko si Mike.

"Anong ginagawa mo dito? I thought nasa kabilang barrio ka naka-assign?" Sabi ko.

"Nagpalipat ako para makasama kita. Tsaka madami ang doctor doon compare dito" sabi nito. Yumakap ako sa kanya. Kaya tinukso kami ng mga co Nurse ko.

" Kayo ang dumi ng utak niyo. Friends lang kami ni Doc Mike" inakbayan niya ako. Nagulat ako ng may biglang matangkad na lalaking sumulpot sa may harapan namin.

"Dr. Castillano they need you there." Sabi ng sundalo walang iba kundi si Major Jac. Itinuro nito ang isang tent malapit sa kinalalagyan ng mga gamot.

"Ianna, mamaya na lang ulit tayo mag-usap," hahalikan sana niya ako sa pisngi ng biglang tinapik ni Major Jac si Mike sa balikat.

"Doc?" sabi nito kaya napakamot si Mike sa ginawa ng sundalo. Napatingin ako sa mga co Nurse ko na kinikilig na naman.

"Good morning Major Jac. Bakit narito ka pa?" tanong ko hindi na umalis akala ko susunod kay Mike.

"Are you commanding me?" tanong nito. 

Bigla naman akong naasiwa sa pagtatanong niya. Para kasing may pagka-bossy ang lalaking ito.

"H-hindi naman I-i'm just asking," nauutal na sabi ko. Parang mangangain ang boses niya.

"Good sweetheart," kumunot ang noo ko. Parang may naalala akong tao na tumatawag sa aking sweetheart .

"Are you alright?" tanong nito sa akin. Tumango ako. Tinalikuran ko na siya at pumunta kung saan naroon ang mga box ng gamot. Ayokong makausap ang Major Jac na iyon. I feel something na hindi ko maintindihan. Every time na nasa harapan ko siya nakararamdam ako ng takot. Para akong aatakihin sa puso dahil sa  presensya niya.

"Sir, kailangan po ng mga gamot sa kabilang barrio. Naubusan po ng supply doon. Kailangan din po ng isang volunteer nurse." Sabi ng sundalong dumating. Napalingon sa akin si Major Jac.

"Ako na lang ang sasama upang magdala ng mga gamot" prisinta ko sa kanila.

"Okay, men get the boxes of medicine." Sabi niya sa tauhan nito.

"And you Miss beautiful follow me," utos sa akin ni Major Jac. Napasimangot ako dahil mukha talaga siyang bossy. Kung maka beautiful akala mo naman magkakilala kami ng personal. Nangunot ang noo ko ng makita kong si Major Jac ang kasama ko. Akala ko ang sundalo kanina ang magiging kasama ko.

"T-tayong dalawa lang ba ang p-pupunta?" nagtaka ako dahil kami lang ang magkasamang pupunta sa isa pang barrio. Malayo daw iyon bale dalawang oras ang biyahe. Sana iba na lang kasama ko. Paano ko ba maiiwasan ang lalakinh ito?

"Don't worry hindi ako nangangain ng tao. Especially to a beautiful girl like you." napatingin ito sa akin at kumindat pa. Kahit mata lang ang nakikita ko sa kanya para akong hinihigop ng mga tingin niyang iyon. " I just lick and suck and make woman moan in pleasure using my tongue." 

Parang gusto kong atikihin talaga sa puso sa pinagsasabi ng Major Jac na ito. Diyos ko sana wala  siyang gagawing masama sa akin. Ang lalaswa ng lumalabas sa bibig niya. Dalawang oras pa naman ang biyahe.

"Seriously Major Jac?" sarcastic na tanong ko. Napairap ako sa kanya sa sobrang hambog nito. "Malayo pa ba?" tanong ko para makaiwas na talaga ako sa lalaking ito. Hindi ako tumingin sa kanya napabaling ang tingin ko sa labas. Ang puso ko sobrang tibok feeling ko lalabas na sa ribcage ko. Napahawak ako ng mahigpit sa upuan.

"Malayo pa tayo kaya lumapit ka sa akin. Para kang takot na takot diyan . I told you hindi ako nangangain ng magandang binibini." Tumaas ang sulok ng labi nito. Hindi ko tinangka na lumapit sa kanya. Mas lalo akong sumiksik sa may gilid ng pinto.

Jacob

GUSTO kong matawa sa pinagsasabi ko. I'm just joking her. Hindi naman ako seryoso sa ganoon. Hindi ko ginawa iyon sa kahit na sino. Siya lang ang ginawan ko ng ganoon. Ang babae ang nagple-pleasure sa akin. Pero matagal na iyon. Sa ngayon si Maria ang nagple-pleasure sa akin. Siya lang ang katuwang ko every time I feel lust.

"So tell me about yourself," tanong ko sa kanya. I want to know kung anong nangyari sa kanya in the past 7 years.

"Bakit mo naman gustong malaman?" umirap ito sa akin. Kaya napatawa ako ng mahina. Mas lalong nagwawala ang bayani ko kapag ganitong sinusungitan ako ng mahal kong Dria. " Mahaba pa ang biyahe natin sweetheart baka mapanisan tayo ng laway." Sabi ko.

"Hindi ako bad breath kahit hindi ako magsalita. Baka ikaw mabaho hininga mo kaya palagi kang nakatakip ng panyo," napapreno ako bigla kaya napasigaw si Dria sa ginawa ko.

"Oh my god! Bakit bigla kang nagpreno! My god! Mabuti naka-seatbelt ako kung hindi baka nabangga ang ulo ko sa windshield! " Hinarap ko si Adrianna.

"Hindi mabaho ang hininga ko!" Bigla kong binaba ang panyo ko at lumapit sa kanya para ilapit ang bibig sa ilong niya. Halos maduling na siya dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin. Gahibla na lang ang pagitan namin. Bigla ko siyang binugahan. Napapikit ng mga mata si Adrianna. Inilayko ang mukha ko sa kanya at ibinalik ang panyo sa ilong ko.

" Ano mabaho ba hindi naman 'di ba?" nakangisi kong sabi. Pinaandar ko na ang sasakyan. Nakatulala siya.  Sinamaan niya ako ng tingin.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13



BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon