Chapter 7

24.3K 645 45
                                    

Adrianna

"C-Cob hindi naman ako aalis. D-dito lang ako gagawa ng assignment ko."

Takot. 'Yan ang nararamdaman ko magmula nang puwersahin niya akong may mangyari sa amin. Isang beses lang iyon ngunit pakiramdam ko napakadumi ko nang babae.

Wala akong nagawa ng mga oras na iyon kung hindi ipaubaya na lang ang sarili ko. Habang tumatanggi ako mas lalo siyang nagiging agresibo at nasasaktan niya ako.

Iniinda ko ang pasa na natamo ko mula sa kanya. 'Buti long sleeve ang uniform namin kaya hindi halata na may pasa ako.

"Huwag na huwag kang gagawa ng labag sa akin dahil hindi mo alam kung paano ako magalit. Alam mo ang mangyayari sa 'yo," pagbabanta niya sa akin.

Tumango ako. Tumalikod siya at naiwan ako sa library. Palagi niya akong binabantayan sa lahat ng oras. Kahit sa pagpunta ko ng C.R. sinusundan pa rin niya ako.

Umupo ako sa bandang sulok ng library upang walang makakita sa akin. Ayokong magkaroon pa ng dahilan si Jacob para magalit. Iniiwasan kong may makipag-usap sa akin lalo na kung lalaki. Sigurado ako kapag nalaman ni Jacob 'yon masasaktan niya lang ang pobreng lalaki kahit wala naman ginagawa ang tao.

Hindi ko maiwasang maawa sa sarili ko sa tuwing naalala ko ang kalapastanganang ginawa niya sa akin. My tears fell. Pinahid ko iyon gamit ang likod ng kamay ko. Ipinagpatuloy ko na lang ang paggawa ng assignment ko.

Pababa na ako ng hagdan nang makita ko si Jacob, kausap niya si Haley. Napansin ko ang pagkakalapit nila sa isa't isa na halos magyakapan na sila.

"Cob" tawag ko rito nang makalapit sa kanila. Napalingon sila sa akin.

"Mauna ka ng umuwi, Dria." Aniya. Napakunot ang noo ko dahil parang may iba kay Jacob.

Tumalikod na si Jacob at umalis. Naiwan si Haley na nakangisi habang nakahalukipkip. Mayroon siyang nakakainsultong ngiti na kinainis ko.

"Kawawa ka naman, Adrianna. Ang daling nagsawa sa iyo si Jacob kaya naghanap na nang ibang putahe," tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Hindi ka na kasi virgin at nilaspag ka na niya," Aniya at tumawa ito ng nakakainsulto.

Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi nito. Ganoon na ba ako para kay Jacob? Matapos niya akong babuyin basta niya ako itatapon na parang basura.

Tinalikuran ko si Haley at iniwanan dahil walang saysay na makipagtalo pa sa kanya.

Habang naglalakad unti-unting bumabagsak ang mga luha ko sa aking mga mata. Halos manlabo ang mga mata.

Hindi ko alintana ang tingin ng mga tao sa akin. Halos humagulgol ako sa pag-iyak. Pumara ako ng jeep at agad na sumakay nang huminto sa harapan ko.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko parang hinihiwa ng patalim ang puso ko. Nakauwi ako ng bahay na panay lang iyak ang ginawa ko.

Dumiretso sa silid ko at nagkulong. I turn off my phone.

xxxxx


"Anak, may problema ka ba? Ilang araw ka nang hindi pumapasok sa school?" sabi ni Mama sa akin.

Ipinagluksa ko ang pakikipaghiwalay ni Jacob sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Grabe, siya pa ang may ganang makipaghiwalay siya naman itong may malaking kasalanan sa akin.

Nakatanggap ako ng text mula sa kanya na nagsasabing wala na kami. Isa daw akong manloloko. Hindi ko matanggap ang sinabi niyang kasinungalingan. Hindi ko siya niloko.

Sobrang sakit ng mga sinabi niya. Isa daw akong whore, bitch at manggagamit. Tama lang daw ang ginawa niya sa akin. Halos iyak ako ng iyak ng time na iyon.

Hindi ko nagawang ipagtanggol ang sarili ko dahil sirang-sira na ako sa school namin. Kagagawan lahat ni Haley.

"Ma...." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, napasubsob ako sa dibdib ni Mama. Napahagulgol ako dahil hindi ko na kayang pigilan ang emosyon ko. Parang sasabog ang puso ko sa sakit ng nararamdaman ko. Hindi nagsalita si Mama bagkus hinaplos niya ang likod ko.

Bumitaw ako sa pagkakayakap. Pinahid ko ang mga luha saka ako nagsalita.

"Wala na po kami ni Jacob, Ma. Ipinagpalit na niya po ako sa ibang babae," sabi ko.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. " Mga bata pa kayo anak. Kung nangyari sa inyo ito hindi pa para sa inyo ang relasyon na ito. Darating ang panahon kung kayo ang nakatadhana sa isa't isa magiging kayo talaga." Napayakap muli ako kay Mama. Iluluha ko ngayon ang ginawa ni Jacob. Pagkatapos nito kalilimutan ko na siya ng tuluyan. Hindi siya worth para iyakan ko.

Hindi na ako pumasok sa school dahil last week na namin. Balak ko ng i-deactivate ang facebook at lahat ng social media ko. Nang in-open ko ang facebook nakita ko ang notif ko.

Nag-iba na ng relationship status si Jacob hindi na ako ang nakalagay sa In a relationship with niya. Walang iba kundi si Haley.

Nanginginig ang kamay ko ng in-open ang facebook ni Jacob. Nakita ko ang picture nila ni Haley, sa beach, sa park at sa bahay nila kasama pa ang mga pinsan at ang nakakagulat kasama si Tita.

Masokista yata ako dahil tiningnan ko pa ang mga nag-comment - mga pinsan ni Jacob. Ang iba naman ay mga kaibigan nila na nagsasabing masaya na natagpuan na daw ni Jacob ang babaeng para sa kanya.

Silang dalawa na ni Haley ang nasa profile picture hindi na ako. Wala na rin ang mga larawan ko. Parang pinagpira-piraso ang puso ko.

Napaiyak ako habang tinitingnan ang mga larawan nilang nakangiti at masaya. May isa doong larawan na magkayakap sa kama at alam kong hubad sila. Walang pang-itaas si Jacob at labas naman ang balikat ni Haley. Magkayakap sila habang si Jacob nakahalik sa pisngi ni Haley. Alam kong kuwarto ni Jacob iyon at kilala ko ang blanket na gamit niya dahil ako lang naman ang nagregalo sa kanya.

I deactivate my account on Facebook. I can not help but cry. May parte na may panghihinayang sa pinagsamahan namin. Isinunod ko ang Instagram. I unfollow him and deleted all our pictures together. Itinira ko ang larawan namin ni Mama. At nag-private ako. Pinalitan ko na ang name ko sa IG upang 'di niya ako mahanap. Hahanapin niya kaya ako? He dumped me kaya hindi niya ako hahanapin.

Inilapag ko ang phone ko sa lamesa. Halos hindi maampat ang luha ko sa kakapatak sa pisngi ko.

Ano ba ang nagawa ko? Ganito na lamang niya ako sinaktan.

Ano na naman kayang kasinungalingan ang sinabi ng Haley para maniwala si Jacob sa kanya.

Kung mahal ako ni Jacob hindi siya basta maniniwala sa sino man gustong sirain ako. Masakit dahil mas naniwala siya sa kasinungalingan.

xxxxx

"Mag-ingat ka sa US anak. Mag-aral kang mabuti doon." Bilin ni Mama.

Kinuha kasi ako ni Tita Lota ang kapatid ni Mama. Siya ang magpapaaral sa akin ng college. Ayaw naman sumama ni Mama dahil hindi naman daw siya sanay manirahan sa US.

Ngayon ang flight ko patungong US. Mahirap mawalay ng matagal kay Mama pero kailangan kong magpakalayo-layo para mabuo muli ang sarili kong nawasak dahil sa pag-ibig.

Wala na akong balita kila Jacob at wala na rin naman akong pakialam sa kaniya. Iniwan niya akong durog na durog. Hindi ko na naipagtanggol ang sarili ko sa mga taong hinusgahan ang pagkatao ko. Bktima ako dito pero parang ako ang may ginawang kasalanan sa amin ni Jacob. Hindi ko namalayan na nasa Airport na pala kami.

Sana maging masaya si Jacob sa babaeng pinili niya.

Paalam Jacob.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13












BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon