Wakas

36.9K 987 145
                                    

Jacob

Bumalik muli ang lakas ko at ang dating pangangatawan ko magmula nang magising ako sa pagkaka-coma sa tulong ng kanyang magaling na nurse- ang mahal niyang asawang si Adrianna.

Sa susunod na buwan ay babalik na ako sa trabaho.

Five months na ang bunsong kambal namin.  Mas mababait ang mga ito kumpara sa pangalawang kambal namin. Mana ang mga ito kay Dria. Si Coby ay ganoon pa rin todo ang bantay sa ina. Kaya puro ninja moves ang nagagawa ko, lalo pa ngayon nakakalakad na sila.

"Cob, pakiabot nga ang bote ng dalawa at ibigay mo sa dalawa." Utos ni Dria sa akin.

Kinuha ko sa lamesita ang mga bote ng dalawa. Ibinigay ko sa dalawang makulit na bata. Humiga ako sa tabi nila Coby at Jack, napalingon ang dalawa sa akin.

Magtatatlong taong gulang na ang dalawa. Noong una ko silang nakita nasa isang taon palang. Nakahihinayang ang nasayang na taong hindi ko sila naalagaan. I'm very proud of my wife. Nakaya niyang alagaan ang lima naming mga anak ng wala ako sa tabi niya. Ang dami kong na-miss na mahahalagang araw sa mga anak ko. Sisikapin kong iukol ang panahon ko sa kanila.

"Do you love, Daddy, baby?" tanong ko sa dalawa. Nakatingin kasi sa akin ang dalawa.

"Yesh, Daddy, we love you." Sabi ni Jack. Bumangon si Coby at yumakap sa leeg ko.

"I Love you, Daddy." sabi naman ni Coby at hinagkan naman ako ni Jack sa pisngi.

"I love you more, baby." Ani ko. Ikinulong ko sila sa mga bisig ko at pinupog ng halik sa mga pisngi nila.

Masaya ako't hindi na sila ilag sa akin.

"Aba, Cob, okay na pala kayo ng kambal," birong sabi ng asawa ko nang pumasok sa silid namin.

"Yeah kaya pwede na siguro tayong umariba."

Natawa si Dria sa sinabi ko.

"So, puwede na tayong umariba, sweetheart." sabi ko.

"Parang malabo yata iyan, Cob. Mukhang babantayan pa rin nila ang kilos mo kahit close na kayo." Natatawang wika ng asawa.

Napasulyap ako sa kambal, kunot na kunot ang mga noo nila.

Napabuntonghininga ako. "Mukha nga, sweetheart." 

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa basang naramdaman ko sa bandang braso ko.  Bumaling ako sa kaliwa ko naamoy ang panghi.

Kinapa ko ang puwit ng kambal. 

Shit! Nakalimutan kong lagyan sila ng diaper.

Napatampal ako sa noo ko. Bumangon ako para lagyang ng diaper ang dalawa. Kumuha ako ng damit sa closet nila. Nang maayos ko ang dalawa napasulyap ako sa asawa ko. Nakatagilid ito paharap sa akin kaya kita ko ang cleavage niya.  Nakaramdam ako ng pag-iinit sa aking katawan.

Napasulyap muna ako sa kambal bago ko tinabihan ang asawa ko.

Bumaba ang ulo ko para hagkan ang kanyang leeg. Nasamyo ko ang pinaghalong natural na amoy ng asawa ko at ang pabango nitong citrus. Napakabango ng asawa ko.

I heard her moan.

Agad kong ipinalibot ang braso ko sa kanyang baywang saka sinisibasib ko ng halik ang kanyang leeg.

"Cob. . .ohh..." banggit niya sa pangalana ko sabay ungol.

Nagmulat ito ng mga mata. Napangiti si Dria nang magtama ang mga mata namin. Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Sweetheart, ariba tayo." bulong ko sa kanyang tainga.

Mahinang natawa ng mahina ang asawa ko.

"Okay, pero dahan-dahan tayo baka magising ang bantay ko." Natatawang sabi ni Dria.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon