Chapter 15

24.7K 618 57
                                    

Adrianna

Napasandal ako sa pader habang habol-habol ang aking hininga. Napahawak ako sa aking dibdib na sobrang tibok.

Hindi maaring si Jacob iyon. Nagtagis ang bagang ko. Ang kapal ng mukha niyang humarap pa sa akin matapos ang ginawa niya.

Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang maalala ang ginawa niyang kalapastanganan sa akin. Pagkatapos itinapon lang niya akong parang basura.

Ipinagpalit sa babaeng kinasusuklaman ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang galit niya sa akin noon. Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Minahal ko siya.

Tuluyang pumatak ang mga luha ko. Pinahid ko agad ang mga mata ko nang may tumawag sa akin.

"Ianna! Kanina pa kita hinahanap." Sabi ni Mike.

"May kinuha lang ako dito. Bakit mo pala ako hinahanap?" tanong ko habang may hinahalungkat kunwari sa mga box.

"Babalik na ako sa Manila baka gusto mong sumama na sa akin pabalik" 

Nabuhayan ako ng loob sa ibinalita niya. Ito na ang pagkakataon ko para makaiwas kay Jacob. Ayokong magkrus pa ang landas naming dalawa. Sumisikip ang mundo ko kapag nasa paligid lang siya. Hangga't narito ako hindi maiiwasang magkita kami.

Humarap ako sa kanya. "Yes, I want to go back with you. I miss my daughter Drianne." 

Totoo naman iyon, walang oras at araw na hindi ko naiisip ang anak ko. She's my everything and my happiness. Sa kanya uminog ang mundo ko.

"Okay, that's good magre-report lang ako sa head natin para mai-finalize na ang pag-alis natin." Aniya pagkatapos lumabas na ng tent.

Bumalik muli ako sa tent para tulungan ang mga co-nurse ko.

"Dria" Isang baritonong ti nig ang tumawag sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako lumingon.

Nagkunwari akong hindi ko siya narinig. Naglakad ako papasok sa mga lagayan ng gamot. Naramdaman ko ang  pagsunod niya sa akin. 

Napaigtad ako ng hawakan niya ang braso ko. Napalingon ako doon at saka iwinaksi ang kamay niya.

"Leave! I don't want to see you anymore, Major Jacob!" 

Galit pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya.  Ayoko siyang tingnan. Nanatili akong nakatalikod sa kanya.

"Please, sweetheart, let's talk." Pakiusap nito sa akin. Bigla akong lumingon. Isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Tapos na tayo Jacob, it's been 7 years. Ikaw na rin ang tumapos ng lahat sa atin! Ano pa bang kailangan mo sa akin!" sigaw ko sa kanya.

Halos mamula ang mukha ko sa galit. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

"I know mali ang ginawa ko sa iyo before. I swear to god I love you so much, Dria. Sadyang may mga tao lang gustong sumira sa atin." Natawa ako sa sinabi niya.

Ginawaran ko siya ng malakas na sampal. Ilang beses ko siyang binigyan ng sampal. Pero para lang akong nanampal ng manhid. Hindi man lang ito natinag. Ni wala itong emosyon na nasaktan.

Matagal ko ng gustong gawin na saktan siya para mailabas ko ang galit na kinimkim sa puso ko ng matagal na panahon.

"Wala kang kuwentang tao!" Napakuyom ang kamao ko. " Hindi mo ako mahal Jacob. If you love me hindi ka maniniwala sa kahit na sino! Sa akin ka maniniwala kasi kilala mo ako. Alam mong hindi ako ganoong klaseng babae! Hindi ibang tao ang sumira sa atin Jacob kung hindi ikaw mismo sa sarili mo. You ruined everything between us." nag-init ang sulok ng mga mata ko. " Kung talagang mahal mo ako hindi ka basta maniniwala sa sasabihin nila. Masakit hindi mo man lang kinuha ang side ko. Kung totoo ba iyon o kasinungalingan. Basta ka na lang nag-conclude dahil sa mga larawan na wala namang katotohanan. Ako ang biktima pero ako ang parang may malaking nagawang kasalanan sa ating dalawa!" Habang sinasabi ko iyon pahina ng pahina ang boses ko. 

BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon