Chapter 21

24.4K 583 41
                                    

Adrianna

NAGTAKA ako sa inasal ni Jacob. Ang akala ko iko-confront niya ako at pagtatalunan na naman namin ang pag-off ko ng cell phone.

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Pabaling- baling lang ako sa higaan. Halos tatlong oras ang tulog ko. Madaling araw na ako nakatulog.

Kaya heto mukha akong haggard dahil kulang ang tulog.

Pagkababa ko ng hagdan pumunta ako sa kusina upang mag-almusal. Nakita ko si Jacob na nakaupo at umiinom ng kape, jausap nito si Mama.

"Good morning, Ma." bati ko sa mama ko. "Good morning Jacob," bati ko din sa kanya.

Tumango lang siya sa akin na pinagtaka ko.

Nagtaka ako dahil parang ibang Jacob ang nasa harapan ko. Ang Jacob na kilala ko ay hahalik sa pisngi ko. Ngunit ngayon ay walang ganoon.

Ipinilig ko ang ulo ko. Eh, ano naman kung walang kiss mula sa kanya. Inaasahan mo ba iyon? Buyo ng kabilang isip ko.

"Puntahan ko lang si Drianne." Paalam ni Jacob sa amin ni Mama. Tumayo siya at umalis. Napasunod ako ng tingin habang naupo sa upuan.

Ano'ng nangyari sa lalaking iyon? Parang hindi ako sanay na ganoon kalamig ang pakikitungo niya sa akin.

Hanggang sa trabaho ay dala ko ang pag-iisip ng malalim.

"Bakit parang wala ka sa mood ngayon, Adrianna?" tanong ng co-nurse ko.

"Nag-aalala lang ako sa anak ko nilagnat kasi kahapon. Gusto ko sanang um-absent ngayon kaso hindi naman puwede dahil madami tayong pasyente." Sabi ko.

Hindi naman iyon ang dahilan kaya wala akong ganang mag-work ngayon. Naiisip ko si Jacob. Aminin ko man o hindi nasaktan ako sa pakikitungo niya sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Dapat maging masaya ako at hindi na siya nangungulit sa akin.

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Bago pa pumatak ang luha ko ay tumayo na ako sa inuupuan kong silya.

"Excuse me punta lang ako ng CR," paalam ko sa kasama ko.

Nang makarating ako ng CR., tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.

Nagkulong ako sa cubicle at doon impit akong umiyak.

Bakit ba ako ganito ka-emosyonal? Dapat masaya ako at wala ng amor sa akin si Jacob. Matatahimik na ang buhay ko. Ito naman ang gusto kong mangyari, 'di ba?

Pagkauwi ko ng bahay hinanap agad ng mga mata ko si Jacob.

"Ma, kumusta na po si Drianne? Wala na po ba siyang lagnat?" tanong ko kay Mama nang dumating ako.

"Wala na. Salamat sa diyos masigla na siya. Madami ngang kinain kanina." Napangiti ako.

"Nandito po ba maghapon si Jacob?" tanong ko kay Mama.

"Oo, siya nga nagpakain at nag-alaga sa anak niyo, kaya maraming nakain. Kauuwi niya lang hindi na kayo nag-abot na dalawa."

Nakaramdam ako ng panghihinayang. Hindi man lang niya ako hinintay umuwi. Nakaramdam ako ng tampo kay Jacob.

"Na-traffic po kasi ako, Ma." nalungkot ako dahil hindi ko siya nakita bago umuwi.

"Okay ka lang, anak? May lagnat ka din ba?" lumapit si Mama para damahin ang leeg ko. "Oh, eh, wala ka naman lagnat. Bakit para kang matamlay?" nagtatakang tanong ni Mama.

"Pagod lang po ako sa trabaho, Ma. Kakain lang po ako at matutulog na. Sobrang dami po kasing pasyente ngayon." Pagdadahilan ko. Tiningnan ko ang cell phone ko kung may text si Jacob pero ni isa ay wala siyang message.

BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon