Chapter 27

22.8K 609 32
                                    

Jacob

NARAMDAMAN kong may humahalik sa aking pisngi at sumusundot sa butas ng ilong at tainga ko. Nagmulat ako ng mga mata.


Bumungad sa mga mata ko ang kambal na nakatunghay sa akin. 



"Good morning, babies" bati ko sa dalawa. Ngumiti ang mga ito. Nakita ko ang tig-anim nilang mga ngipin.



Napatingin ako sa kanilang suot na pajama, kinapa ko ang mga puwit nila.



Mukhang kailangan na nilang magpalit ng diaper.



Bumangon ako. Akmang bubuhatin ko ang kambal nang mapatingin sila sa akin, nagtatanong ang kanilang mga mata.


I heaved a sigh.



"Your diaper is full we need to change it," sabi ko. 


Nang buhatin ko na sila ay 'di naman sila umalma.


Pumasok ako ng bathroom at inilapag sila sa tub na walang tubig.



Una kong hinubaran ng pajama si Coby at saka isinunod si Jack. Salitan kong hinugasan ang kanilang puwit pagkatapos ay pinalitan sila ng diaper. Nang matapos ko silang mabihisan ng panibagong pajama ay ibinalik ko sila sa kama namin.



Habang nakatingin sa kambal ay naisip kong sobra ang hirap ni Dria sa pag-aalaga sa tatlo naming mga anak.



"Dyaji," Napatingin ako ng tawagin ako ni Coby 




"Tatatata,"sabi naman ni Jack. Itinuro niya ang pinto. Gusto na sigurong lumabas.



"It's still early, baby. Mommy is still asleep. Come here, babies." I tapped my stomach. Gumapang ang dalawa at umupo sa tiyan ko. Hinawakan ko ang likod ng isang kambal upang 'di mahulog ang isa naman ay nakahawak sa kuwelyo ng t-shirt ko. 




Napatitig ako sa mukha ng kambal. Ang guwapo ng mga anak ko. They're my mini version pati na sa ugali. 



Todo ang ngiti ng dalawa ng simulan kong igalaw ang tiyan ko.




"Heyahhh.. Tigidig tigidig.." sabi ko.





Tuwang-tuwa naman ang dalawa. Napatingin ako kay Dria na natutulog pa.
Nakaharap ito sa banda ko kaya kita ko ang kanyang dibdib. Biglang nakaramdam ako ng pag-iinit sa katawan. Pasimple kong inabot ang cleavage ni Dria. Nang maipasok ko ang kamay ko ay sinimulan kong masahiin.


Mas lalong nagwala ang sistema ko nang madama ang malambot na dibdib niya. Mas lalo ko pang isiniksik ang kamay ko upang abutin ang kanyang nipple.


Nanigas ang aking pagkalalaki na tila gusto nang umigkas upang umariba.



Shit!




Napamura ako sa aking isipan.




Napatingin sa akin ang dalawa. Biglang bumaba sa tiyan ko si Coby at pumunta sa ina nila. Nagulat ako nang inalis niya ang kamay kong nakapasok sa dibdib ni Dria.



Iniharang pa nito ang likod para hindi ko na mahawakan ang dibdib ng ina at saka tumalikod at niyakap ang ina. Napabuntonghininga ako. Mukhang tuso ang isang kambal, ayaw niya akong paiskorin sa kanyang ina.




Paano ako makakaiskor nito?





Nagising na si Dria dahil sa paghalik ni Coby sa pisngi ng ina.





BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon