Chapter 25

23.8K 560 41
                                    

Adrianna

"Mag-ingat ka at huwag kang masyadong magpapagod doon." Bilin ko kay Jacob.






Babalik uli sa Mindanao si Jacob. Natapos na ang bakasyon nito. Nandito kami sa Villamor Air Base upang ihatid siya. Dito sasakay ang mga sundalong pabalik ng Mindanao.






"Yes, sweetheart. Hindi ko pababayaan ang sarili ko. Ikaw dapat ang mag-ingat para sa baby natin. " He cupped my face before kissing my lips. I close my eyes and press my lips against his.






I will miss him. I decided to quit my job in order to focus on my pregnancy and my daughter.








Yumakap sa akin ng mahigpit ang asawa ko pagkatapos ay hinagkan ang buhok ko. Bigla akong napaiyak. Nahihirapan akong paalisin siya.








"Shhh... Sweetheart, don't cry. Hindi naman ako mawawala sa mundo kung makaiyak ka parang huling kita na natin 'to. Promise I'll call you everyday, okay," he cupped my face. He kiss my forehead.








Napapikit ako habang tumutulo ang mga luha ko. Nagmulat ako ng mga mata, nakatitig sa'kin si Jacob. "Huwag ka na kaya tumuloy mami-miss ka namin ng anak mo, Cob," sabi ko. Pinahid nito ang luha ko.










"Hindi puwede, sweetheart. Don't worry kapag natapos na itong mission namin sa Mindanao. Dito na ako magpapa-destino. Hindi na ako malalayo sa inyo. Kung puwede ko lang ba kayo isama sa Mindanao ginawa ko na, hindi naman puwede dahil delikado," sabi nito.








"I have to go, sweetheart. Alagaan mo ang sarili mo. Huwag kang masyadong magpagod at ma-stress baka makasama sa magiging baby natin. Always remember I love you so much. Hintayin mo ang pagbabalik ko," I nodded.








Hinalikan niya ako nang buong pagmamahal. Halos hindi na kami magbitiw sa isa't isa. Natigil lang kami nang sumagap kami ng hangin. Labag sa loob kong bitiwan si Jacob. He wave his hand nang paalis na sila. Nakatanaw lang ako sa papaalis na eroplano ng mga sundalo habang hawak ang kuwintas na binigay n'ya. Ibinilin niyang huwag kong aalisin sa leeg kahit anong mangyari. Nagtataka man sinunod ko s'ya.








"Anak, halika ka na kanina pa nakaalis ang eroplano nila Jacob," napalingon ako kay Mama.






"Ma..." tawag ko sabay yakap nang mahigpit sa kanya, humagulgol ng iyak. Hindi ko talaga kayang malayo si Jacob. Ang hirap dahil siya yata ang pinaglilihian ko.






MASAMA ang loob ko ilang araw ko nang hinihintay ang text n'ya ngunit wala akong nare-receive. Sabi n'ya pagkarating nila doon tatawagan niya ako. Nag-aalala akong baka napano na siya.








Kahit inis hindi ko rin maiwasan mag-alala baka kung ano na ang nangyari kay Jacob. He promise me after they arrive he will text me.








Inilapag ko na lang ang phone ko sa lamesita. Nag-ring ang phone ko. Bigla ko 'yon kinuha nang akala ko si Jacob na ang tumatawag ngunit si Mike lang pala.






"Oh, Mike napatawag ka?"






"Dadalaw ako diyan sa bahay n'yo. May pasyente pa ako mamayang hapon ako pupunta diyan. Ano'ng gusto mong pasalubong?" tanong n'ya sa 'kin.






"Gusto ko ng kamias tsaka bayabas. Natatakam kasi ako sa maasim," natawa si Mike sa kabilang linya.






"Grabe naman lahat ng gusto ni baby puro maasim. Sige maghahanap ako ng kamias. May nagtitinda ng bayabas dito sa may malapit sa PGH, bibili ako mamaya." Natuwa ako sa sinabi n'ya.






BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon