Chapter 11

25.7K 607 41
                                    

Adrianna

NAKARATING din kami sa wakas sa barrio na pupuntahan namin ni Major Jac. Hindi naging maayos ang paghinga ko habang kasama ko siya. Diyos ko magkakaroon yata ako ng sakit sa puso. Napapitlag ako nang hawakan niya ang kamay ko kung kaya napatingala ako sa kanya. Ang tangkad niya. 

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan, Miss Beautiful at baka bumigay ang bayani ko." Aniya na ikinangunot ng noo ko. Sinong bayani tinutukoy niya? 

Tinaasan ko siya ng kilay. "Puwede ba bitiwan mo ang kamay ko, hindi ako lumpo, kaya kong maglakad ng walang alalay." Binawi ko sa kanya kamay ko. Naiinis ako sa inaasta ng lalaking ito. Napakahambog at napakamaniac pa. Nagmadali ako sa paglalakad upang maiwasan siya.

Sinalubong ako ng ibang Nurse na naroon at binati. May nakita akong kakilala na Nurse, katrabaho ko sa ospital. 

"Hi, Adrianna," bati sa akin ng kaibigan kong co Nurse ko na babae.

"Hello. Dala ko na ang mga gamot. Mag-stay muna ako dito para tulungan kayo." Sabi ko.

"Halika samahan kita sa magiging puwesto mo." Sumama ako sa kanya. Pumasok kami sa opisina ng mga volunteer.

"Pasensya ka na nagkasakit kasi ang isang Nurse kaya nagkulang kami ng tao." Sabi nito sa akin. Napatango ako.

Napalingon ako sa likuran ko. Tiningnan ko kung sumunod si Major Jac. Napataas ang mga kilay ko nang makita ko siyang may kausap na babaeng Doktor. Napansin kong nakaalis ang panyo nito sa mukha. Naka side view siya kaya hindi ko makita ang kabuuan ng mukha niya.

Napairap ako dahil mukhang nagkakamabutihan ang dalawa kung mag-usap parang close na close sila. Bakit ko ba iniisip ang lalaking iyon? Bahala siya diyan makipaglandian. Tumalikod na ako at inasikaso ang mga gamit gamot na idi-dsttribute.

Nagtaka ako dahil hindi umaaligid sa paligid ko si Major Jac. Baka naman lumalandi sa babaeng doktora. Napaismid ako. Mga sundalo nga naman puro mga babaero.

"Adrianna, meryenda muna tayo. May binili silang meryenda para sa atin" Sabi ng co Nurse ko. 

Hininto ko ang ginagawa kong pagsalansan sa mga gamot na ipamimigay namin. Sinundan ko ang Nurse na tumawag sa akin. Nagpunta kami sa mess hall. May tent na itinayo doo  at may mahabang lamesa na may mga pagkain nakalagay sa styro. Nagulat ako ng makita ko ang Doktora kasama si Major Jac na magkatabi. Nakaside view siya kaya hindi ko na naman nakita ang kabuuan ng mukha nito.

Kumuha ako ng pagkain ko at pumunta sa vacant seat. Pumwesto ako sa may bandang likuran nila. Ayokong makita ang pagmumukha niya. 

Mga ilang sandali lang ay naramdaman kong may tumabi sa akin kaya napabaling ang ulo ko sa taong umupo sa tabi ko.

Sumimangot ako nang si Major Jac lang naman ang tumabi sa akin. Nakatakip na naman ng panyo ang kalahati ng mukha niya. Mata lang talaga ang nakikita sa kanya. Bakit ba sa tuwing nasa harapan ko siya ay palaging nakatakip ang kalahati ng mukha niya pero kapag sa ibang tao ay ipinapakita niya. Ang unfair. Bakit ba intersado akong makita mukha niya?  

"Hi, Miss beautiful. Bakit hindi mo ako tinawag sana sinamahan kitang kumain." Napairap ako sa kanya.

"Bakit ko naman gagawin iyon? Okay lang mag-isa akong kumain sanay ako. Huwag ka ng mag-abalang samahan pa ako." Masungit na sabi ko. Bakit iniwanan niya ang doktora na kalandian niya.

Natawa ng mahina si Major Jac. Hindi ko na lang siya pinagkaabalahang tapunan ng tingin. Naiinis ako sa pagmumukha niyang palaging may takip.

"I'll feed you, sweetheart." Boluntaryo nitong sabi. Ewan ko everytime naririnig ko sa kanya ang endearment na sweetheart para akong kinikilig.

BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon