Chapter 20

24.2K 583 57
                                    

Adrianna

Palabas na ako nang mapansin kong maraming bugkos ng bulaklak sa labas ng pintuan namin. Iba't ibang klase pa, mukhang mamahalin.

Saan naman kaya galing ang mga bulaklak na ito? Nagulat ako nang makita ko si Jacob, nakatayo at may hawak na bugkos ng white roses sa harap ng pintuan.

"Ano ito Jacob?" turo ko sa mga bulaklak. Mukhang tindahan ng bulaklak ang harapan ng bahay namin. Hindi ako natutuwa sa ginawa niya. Aanhin ko naman ang ganito karaming bulaklak? Nagsasayang lang siya ng pera. 

"Hindi ko alam ang favorite mong flowers. So, I bought a different variety of them." Nagsalubong ang kilay ko. Bakit hiniling ko bang bigyan niya ako ng ganito karaming bulaklak?

"Hindi mo naman kailangan bilhin lahat sa flower shop. Nagsasayang ka lang ng bulaklak at pera. Hindi naman ako mahilig sa mga bulaklak. You know that," sabi ko. 

Hindi naman talaga ako mahilig. Mas gusto ko pang nakatanim sa lupa kaysa pinipitas, nalalanta lang.

His brow furrowed as he became irritated. I sighed and rolled my eyes. We're at it again.

"Okay, I'll throw it away!" he suddenly said. 

My eyes widen as he grabs the flowers and begins to throw them away.

"Wait lang Jacob! Hayaan mo na lamang diyan. Sayang naman kung itatapon mo pa! Diyos ko naman kasi bakit ang dami mong biniling bulaklak! " histerikal na sabi ko. Mauubusan yata ako ng dugo sa lalaking ito.

"I just want you to be happy. Ang akala ko ay magugustuhan mo at masisiyahan ka sa ginawa ko. Hindi naman pala," nalungkot ang mukha nito. Napasuklay ako sa buhok ko. Pumamaywang.

"Hindi ko naman sinabi sa'yo na bigyan mo ako ng bulaklak. Ano ba kasi ang gusto mo?" halos manggigil ako sa sobrang inis sa kanya.

"Gusto kasi kitang ligawan para mapatunayan na mahal na mahal kita. Ayokong mawala kayo ng anak ko. Kaya ko ito ginagawa kahit nakakainis," he said. 

Nakakainis pala sa kanya ang pagbibigay ng bulaklak bakit pinilit niya ang sariling gawin ito?

Hay, naku hindi ko alam ano'ng sasabihin ko.

"Papasok na ako. Mag-usap na lang tayo kapag wala akong pasok." sabi ko. "Huwag kang susunod sa akin! Kung ayaw mong magalit ako ng tuluyan sa'yo!" pagbabanta ko sa kanya.  Sumunod naman siya sa banta ko. 

Jacob

Parang gusto kong sunugin lahat ng bulaklak na ibinigay ko kay Dria. Pero nagbago ang isip ko. Baka mas lalong magalit sa akin.

Umuwi ako sa bahay na bagsak ang balikat. Wala akong napala sa suggestion ni kuya Alexandro na ligawan si Dria. Para ngang mas lalo nainis sa akin. 

Nag-ring ang phone ko. Unregistered number ang nakalagay. Sinagot ko  ang tawag.

"Hello Mr. Dela Costa, si Mrs. Shirley Binitez po ito, adviser po ng anak niyong si Drianne. I need you to be here. Mainit po kasi si Drianne. Kayo na po ang natawagan ko kasi naka-off ang phone ni Ms. Adrianna hindi po namin ma-contact." sabi ng adviser nito.

Nag-alala ako ng marinig ang sinabi ng adviser ng anak ko. Buti na lamang ibinigay ko ang number ko para kung may problema matawagan nila ako. 

"Okay, I'll be there!" in-end call ko ang tawag. 

Nagmadali akong umalis para puntahan ang anak ko. Halos paliparin ko ang sasakyan ko sa bilis  makarating lang sa school ng anak ko. Nang makarating ako malalaking hakbang ang ginawa ko para lang marating ang clinic ng school.

BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon