Chapter 22

24.6K 576 37
                                    

Jacob 

INABANGAN ko si Dria sa labas ng ospital kung saan ito nagtatrabaho.



Nagpasya akong sunduin siya ngayong araw. Plano ko kasing yayain siya ng dinner date. Hindi na ako nagdala ng flowers dahil baka i-reject niya lang.


Hindi naman talaga mahilig sa flower ang mahal ko. Napangiti ako ng makita ko si Dria palabas ng hospital.




"Sweetheart," tawag ko sa kanya. Nagulat pa siya nang makita niya ako. Wala kasi siyang alam na pupuntahan ko siya sa pinagtatrabahuan nito.




Lumapit ako sa kanya at hinagkan ang kanyang labi. Hinampas niya ako sa braso ng hindi ko na binitawan ang labi niya. Natawa ako.




"Kanina ka pa ba?" tanong nito sa akin. Hindi ito makatingin ng diretso.




"Hindi naman masyado. Kalahating oras ang pinaghintay ko," nakangiti na sabi ko. 




Pinagsiklop ko ang mga kamay namin. Sabay kaming naglakad patungo sa kotse ko.




"Sweetheart, can I invite you to have dinner with me?" tanong ko. 




Napatigil sa paglalakad at napatingala si Dria sa akin. Tiningnan ko siya sa nagmamakaawa look.




"O-Okay," napangiti ako ng malawak. I kiss her hair. Hindi ko maiwasang halikan siya sa buhok. I love kissing her kahit saang parte ng katawan niya.




I decided na mag-dinner date kami sa favorite naming restaurant noong nasa high school pa kami.




"Natatandaan mo ba itong lugar, sweetheart?" tanong ko kay Dria nang makarating na kami sa lugar ng restaurant.



Malawak ang pagkakangiti ni Dria.




"Yes, I remember this place. Hindi mo pa pala nakakalimutan ang lugar na ito." sabi nito.




"Yes, of course. Hindi ko nalilimutan. Remember dito natin sine-celebrate ang mahalagang okasyon natin." Ani ko. 




Hinalikan kong muli ang kanyang labi. Halos mamula ang pisngi ni Dria. Inalalayan ko siyang makaupo sa silya. Kanina pa ako nagpa-reserved para sa table namin. Ito ang dating puwest o na lagi naming kinakainan. 




"You still remember where we used to sit?"She nodded in response to my question.




Kinuha ko ang kamay niya at binigyan ng halik. Tinawag ko ang waiter para i-serve na ang food namin.




"Sweetheart," tawag ko sa kanya. Napatingin ito sa hawak kong kahon. Inilabas ko ang kuwintas na may pendant na puso at may batong nakakabit doon. This is a special pendant. Kahit saan man siya pumunta malalaman ko kung saang lugar siya dahil tracking device ang pendant nito.  Tumayo ako at pumuwesto sa likuran niya. Isinuot ko sa leeg niya.




Bumalik uli ako sa inupuan ko. Bagay na bagay sa kanya ang kuwintas.




"Bakit mo pa ako binigyan ng ganito? Gumastos ka pa." Sabi nito habang sinusuri ang pendant. "Mukhang mamahalin ito, Cob. Thank you." Dagdag pa niya.




"Kahit mahal pa iyan ay ayos lang. Basta para sa iyo walang mahal sa akin. Dahil ikaw lang ang pinakamahal para sa akin,"  sabi ko. Sabay kindat sa kanya. Namula ang pisngi nito.




"Let's eat, sweetheart." Sabi ko nang maihain ang mga food na in-order ko. 




Habang kumakain kami ay may tao kaming hindi inaasahan.




BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon