Chapter 14

25.1K 653 47
                                    

Jacob

"Is she okay now?" tanong ko sa Doktor na tumingin kay Dria. Kinabitan siya ng dextrose. Ayon sa doktor nade-hydrate si Dria.

"Yes, she's okay now. Kailangan lang niyang magpahinga. Don't worry wala naman siyang ibang sugat sa upper part maliban lang sa tuhod at sa paa niya. Dala siguro sa paglalakad ng malayo kaya nagkasugat ang kanyang talampakan."

Nagpaalam na rin ang doktor. Nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. Pumasok ako sa silid ni Dria, mahimbing na natutulog. Lumapit ako sa kinahihigaan niya pagkatapos ay hinaplos ko ang kanyang pisngi at saka kinintalan ng halik sa kanyang noo pati na sa kanyang labi.

Makita ko lang ang doktor na iyon makakatikim talaga siya sa akin ng suntok. Siya ang may kasalanan kung bakit nangyari ito kay Dria. Kundi ba namang gago ang lalaking iyon. Bakit isasama niya pa si Dria sa lugar na iyon, napakadelikado.

Nag-vibrate ang phone ko. Tumatawag ang pinsan kong si kuya Alexandro.

"Hello, bro, nasa ospital si Mikael. Hindi ba pareho lang kayo nandiyan sa Zamboanga?" Sabi ng pinsan ko. Baka napalaban ang pinsan kong si kuya Mikael.

"Yes, narito din ako sa ospital. May na.." hindi ko na naituloy sasabihin ko nang magsalita si kuya Alexandro.

"What! Anong nangyari sa'yo? Napalaban ka rin ba? 'Tangina dalawa pa talaga kayo." Parang gusto kong busalan ng bala ang bunganga ng pinsan ko.

"Tarantado hindi pa ako tapos magsalita pinuputol mo na agad! Hindi ako na-ospital, si Adrianna ang nasa ospital, hindi ako." Sabi ko sa pinsan kong walang pahinga.

"What?! Paanong napunta diyan si Adrianna? Hindi ba matagal nang wala siya dito sa Pilipinas?" sabi nito.

"Nagkita kami sa isang medical mission. Isa siya sa volunteer Nurse. Pero bro, hindi niya ako namukhaan." Malungkot na sabi ko.

"Oh, I see. Good luck!" sabay tawa ng gago. Kapag nagkita kami nito susuntukin ko itlog nito para mabasag na.

"Saang ospital ba naka-admit si kuya Mikael? Dadalawin ko kapag nagka-oras ako," sabi ko.

"Sa Zamboanga Medical Center."

"Talaga? Nandito din kami. Okay, pupuntahan ko na siya ngayon." Napatingin ako sa kinahihigaan ni Dria na payapang natutulog.

NAPANGIWI si Kuya Mikael ng suntukin ko ang braso nito na may sugat pa. Pinuntahan ko ang room niya kung saan siya naka-admit.

"Goddamit, Jacob! May sugat ako diyan!" reklamo nito.

"Malayo 'yan sa bituka, gago!" sabi ko sa pinsan. "Bakit natambangan ka ng mga kalaban?" Tanong ko at saka umupo ako sa tabi ng higaan niya.

"That was not something I expected. Mga gago sila hindi nila ako napuruhan kaya humanda sila sa akin kapag gumaling ako. Dahil pati kaluluwa nila dudurugin ko!" Nagtagis ang bagang ng pinsan ko.

"Kailangan natin mag-ingat. We don't know who's our enemy." Napabuntong-hininga ako.

"Paano mo nalaman na narito ako?" tanong nito.

Umayos ito ng pagkakaupo. Sumandal ito sa headboard.

"Tumawag si gagong Alexandro. Dito rin na-admit si Adrianna may dumukot sa kanila. Kasama ang gagong kaibigang doktor nito. 'Buti na lamang na-rescue namin kung hindi baka napatay pa nila si Dria."

Kumunot ang noo ng pinsan.

"Hindi ba wala na sa bansa si Dria? Paano mo siya nahanap?"tanong ng pinsan ko.

"She is working as a Nurse sa PGH. is

Isa siya sa volunteer na mga Nurses dito sa Zamboanga. Nagkataon kami ang nag-escort at nagbantay sa Medical Mission."

BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon