Chapter 9

25.2K 603 32
                                    

Adrianna

NAGULAT ako nang maagang nagising anak ko.

"Mommy, sasama ako sa 'yo." pakiusap nito sa akin habang yakap ang binti ko. Lumuhod ako upang magpantay kami.

"Anak, hindi puwede malayo iyon. Kapag bumalik si Mommy pupunta tayo sa Enchanted Kingdom. Promise ko iyan, anak." Umiling ang anak ko sa ipinangako ko.

"Mommy, please po sama mo na ako. Magbe-behave po ako doon. Magiging good girl po ako." Pakiusap nito sa akin. Kung puwede nga lang isama ko siya hindi naman puwede. Wala akong mapag-iiwanan sa kanya doon. Saka delikado ang lugar na pupuntahan namin.

"Drianne, hindi ba may school ka pa? Kapag lumiban ka baka wala ka na sa list ng honor. Gusto mo ba iyon?" umiling ito. Hinaplos ko ang pisngi niya at hinalikan ang tungki ng ilong. She has a pointed nose kagaya ng kanyang ama.

"Mommy, mami-miss kasi kita," yumakap ito sa akin. I kiss her hair.

"Mami-miss din naman kita baby ko. Promise, call kita palagi okay ba iyon?" nag-thumbs up ako ganoon din ang ginawa ng anak ko. Ginulo ko ang buhok nito.

" I love you, baby. Magpakabait ka kay Lola. Okay?" tumango ito. Nagpaalam na akong aalis. Kinuha ko ang gamit at dinala sa sasakyan na pina-book ko.  Kahit hirap akong iwan muna saglit ang anak  ko dahil sa trabaho ko hindi ko maiwasang malungkot. Nagpapasalamat ako dahil hindi iyakin ang anak ko. She is a brave girl. Hindi ko maiwasang ikumpara ang ugali nito kay Jacob.

Nakarating din kami sa Zamboanga City  matapos ang isang oras at mahigit na biyahe sa eroplano. May sumundo sa amin mga tauhan ng hospital na makakasama namin papunta sa isang malayong barrio.May iba rin kaming kasamang mga Doktor at Nurses na galing din ng Maynila kaya hindi lang kami ang nag-volunteer.

"Andrianna," napalingon ako nang may tumawag. Napangiti ako ng makilala ko. Lumapit si Mike at hinagkan ang pisngi ko. Kasama siya sa mga doktor na nag-volunteer.  Magkaiba kasi kami ng ospital kaya mas nauna silang nakarating  ng Zamboanga.

"Nakakatuwa marami palang nag-volunteer na mga doktor at nurses." sabi ko. Inakbayan niya ako at iginaya sa loob ng bahay na titirhan namin. "Yeah. Bukas tayo pupunta sa barrio para sa na medical mission natin. Kaso hahatiin yata tayo sa dalawang pangkat. Marami ang nag-participate sa mission." 

Napatingin ako kay Mike. "So, hindi tayo magkakasama sa pupuntahan natin?" tanong ko.

"I don't know malalaman natin mamaya. Magkakaroon ng meeting ang mga head Doctor. I-a-announce ang mga group na magkakasama." Napangiti ito sa akin. Sana magkasama kami ni Mike.

Jacob

SINABI ng commander namin na dumating na ang mga volunteer Doctors and Nurses for the Medical mission. Inihanda ko na ang mga tauhan ko for deployment in the area. Medyo delikado pa naman sa lugar na pupuntahan ng mga volunteers. They needed a security.

"Sir, the men are ready for deployment in the area." Anunsyo ng  tauhan ko at saka sumaludo.

"Okay Sgt. we will be ready within 2 hours from now." Ani ko. Tiningnan ko ang folder na naglalaman ng mga volunteers na mga Nurses at Doctors na i-escort namin sa barrio. Inayos ko ang suot kong uniform at lumabas na ng barracks. Habang nasa sasakyan binistahan kong tingnan ang hawak kong folder.  Napahinto ako sa isang pangalang hindi ko malilimutan hanggang sa kamatayan ko. Nangunot ang noo ko. Tinitigan ko ang pangalan nito baka namamalikmata lang ako. Pangalan ng pinakamamahal ko.

Adrianna.

Nakarating na kami sa tinutuluyan ng mga volunteers. Hinati nila sa dalawang grupo dahil marami naman ang nag-participate. Ang ibang grupo sa isang bayan at ang iba sa barrio. Nang makababa na ako iginala ko ang paningin ko. Hinanap ng mga mata ko ang mahal kong si Dria.

BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon