Kabanata 4

38.7K 1.2K 126
                                    

Kabanata 4

Halos dalawang oras na akong naglilibot sa paaralang ito. Malaki kasi. Kasalukuyan rin akong nasa loob ng gym. Alas-kwatro na kasi kaya uunti na lang ang tao dito sa paaralan.

Wala naring naglalaro ng basketball, kakatapos lang kasi kanina kaya paniguradong kanya-kanyang banlaw ang mga manlalaro.

Aalis na sana ako nang gumulong sa harap ko ang isang bola. Mabilis ko itong inapakan at lumingon-lingon sa paligid. Baka sakaling may mga tao pang natira ngunit wala naman akong nakita.

Tinignan ko muna ang relo ko. Wala pa namang alas-singko. Tsaka, sabi rin naman ni Ma'am na bukas ko pa sisimulan ang trabaho ko.Kumbaga, rest day ko pa ngayon.

Binaba ko ang bag ko sa bench at tinaggal ang tali ng aking buhok. Itinali ko ulit ito ng mahigpit at inayos ang salamin ko. Agad ko nang pinulot ang bola at lumapit sa ring.

Pinatalbog ko ito at tumakbo sa iba't-ibang direksyon. Umapak ako sa kanan at umikot, nagkukunwaring may kalaban. Iyan ang ginagawa ko bago ko tinira ang bola. Pumasok naman ito ng walang sabit kaya't ngiting tagumpay kong pinulot ang bag at naglakad palabas ng gym.

Tumungo muna ako sa comfort room ng mga babae upang maghugas ng kamay at para na rin manghilamos.

Agad kong ini-lock ang pinto at binuksan ang faucet. Napahinto naman ako sa pagkuskos ng kamay ko nang may kakaibang ungol mula sa huling cubicle.

"Ohh~ hmm.. Ahh~"

Nanindig ang balahibo ko. Ano to, mumu?

"Hmmm... J-jared.. B-baka may ohhh... Tao sa labas, ahhhh."

May mumu bang nagsasalita? Aba! Porket malapit na ang Nobyembre? Hmp!

"Shit! Saglit lang to! Fuck! Ito na!"

Hinarap ko ang cubicle na pinagmumulan ng ingay. Maingat ko itong nilapitan. Lumingon-lingon ako sa paligid at humugot ng malalim na hininga.

Mabilis kong binuksan ang pinto at nanlaki ang mata sa nakita. Nakaharap si Sir Jared ang babaeng kung naaalala ko ay si Jennie. Ang campus Queen.

"Fuck!" Nagmamadali nilang sinuot ang kanilang damit at nagmamadaling umalis ang babae.

Habang si Sir Jared ay galit akong tinitigan. Ngumiti lang ako kahit alam kong pikon na ito. Hinigit niya ang isang braso ko at piniid sa ibabaw ng ulo ko. Napapikit naman ako nang inilapit niya ang mukha niya sa akin.

"How dare you," he whispered dangerously.

Hindi na lang ako sumagot at nanatiling nakatitig sakanya. Kita ko ang galit. Galit siya sa pangdidistorbo ko. Ito ba ang dahilan kung bakit gabihin daw siyang umuwi? O may iba pa?

Napapikit ako nang mas higpitan niya ang kapit sa pulsuhan ko. Inangat ko ang isang braso ko upang sana ay tanggalin ang pagkakapit niya sa akin ngunit taliwas iyon sa naisip ko. Hinuli niya ang isa ko pang kamay at piniid ulit sa ibabaw ko.

"Bakit ba napaka-kontrabida mo? Kebago-bago mo pa lang pero kung maka-asta ka parang kinokontrola mo na ang buhay ko."

"Dahil ito ang trabaho ko." I didn't let my voice crack. "Sinusubukan ko lang naman na mapatino ka! "

"Hindi na kaylangan!" Binitawan niya ang pulso ko at hinawakan ang baba ko. "Huwag mo nang tangkain pang pasunurin ako. Dahil sa susunod na gagawin mo pa ito, hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Mariin nitong hinawakan ang baba ko bago ito binitawan at nilisan ang silid.

Napatingin naman ako sa pulso ko at kita ko ang pagbakas ng kulay pula kung saang parte niya ako hinawakan. Hinimas ko ito at bumalik sa harap ng salamin.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon