Kabanata 27

25.7K 969 73
                                    

Kabanata 27

"Sasama nga ako." Pagmamatigas ko habang nakasakay sa motor niya.

Tumaas ang kilay nito. "Hindi ka sasama. Baba."

Inirapan ko ito. "Bahala ka sa buhay mo. Basta sasama ako."

Narinig ko ang marahas na pagbuga nito ng hangin. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"

"Pokpukin ko kaya ulo mo. Subukan natin baka sakaling malambot ulo mo." Ako naman ang nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya.

He rolled his eyes and wear his helmet. "Just stick behind me. Tanga ka pa naman."

Agad na nagkasalubong ang kilay ko. "Wow. Hiyang-hiya," mahinang bulong ko.

"Rinig kita," wika niya at pinaandar ang makina.

"Ay malamang, may tenga ka eh."

"Gusto mong ihulog kita?" pananakot nito.

Mabilis akong kumapit sa beywang niya. Baka totohanin ng kumag na 'to eh. Mahirap na, baka wala ng ha-huntingin ang mga Royals. Tch.

"Lumayo ka kay Axel," rinig ko pang sabi nito bago pinatakbo ang sasakyan.

Tatanungin ko sana siya pero mas pinili kong manahimik. Kung magsasalita ako ay 'di rin naman niya maririnig dahil sobrang ingay ng hangin, dagdag mo pang naka-helmet kaming dalawa.

Tahimik ang byahe namin hanggang makarating kami sa isang luma at abandonadong establisyemento. Sa palagay ko ay nasa labas kami ng syudad. Halos dalawang oras rin kasi ang naging byahe namin ni Red. Feeling ko nga namamaga ang pwet ko sa dalawang oras na upo. Nakakangalay.

"Just stick with me," wika ni Red habang nakatitig sa abandonadong establisyemento.

Nakaparke sa malayo ang motor na gamit namin. Sunod-sunod namang dumating ang Royals. With an stoic face, Axel stepped out of his car with his eyeglasses and mask on.

Kita ko ang pagtataka sa mga mata ng ibang Royals kaya napilitan nalang akong ngumiti.

"H...hi? Sumama ako kasi baka mapano si Sir Jared," wika ko.

"Did you know that you might die here?" tanong ni Stone. Kelan ba mapipintahan ng reaksyon ang mga mukha nila.

Tumango ako at ngumiti. "Oo naman 'no. Hindi naman ako sumusulong sa laban ng hindi nag-iisip."

'Di na nakipag-argumento si Stone sa akin at hinanda nalang ang sarili. Nag-usap pa sila kung kailan sila lalaban. Kailangan pa daw nilang manmanan ang 'Former Spade' kuno.

Pansin ko ang panay na ismid ni Red sa t'wing binabanggit nila ang pangalang 'Spade'.

Mind to tell you, Natasha. Ipinaalam mo sa kanya ang katauhan mo kaya alam na niyang impostora ang kikitain nila.

Yeah, right. Alam niya nga pala. Bakit ko pa kasi sinabi? Di por que komportable na ako sa kanya ay sasabihan ko siya sa lahat ng mga sikreto ko. Pero anong magagawa ko? Alam na niya.

"You..." Turo sa akin ni Dixon. "Magstay ka sa sasakyan ni King. 'Di natin malalaman kung may kalaban na dadaan dito at makita ka. Delikado."

Tumango lang ako. Binuksan ni Adler ang pinto ng sasakyan ni Axel. Siya kasi ang malapit.

Walang lingon silang naglakad papuntang gate ng abandonadong establisyemento. Bago pa man makalayo si Red ay pinituhan ko ito.

Lumingon siya at lumabi ng 'Ano?'

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon