Kabanata 12

32.5K 1.1K 25
                                    

Kabanata 12

Sir Jared?!

Lumukob ang galit sa sistema ko. Matapos kong magsakripisyo na maging gising magdamag para lang mabantayan ang ugok na 'yan tapos makikita kong binubugbog lang nila.

Wala sa tamang huwisyo akong umapak papasok sa away. Pasensyahan na lang. Pero ngayong galit ako, makakalimutan kong masama pa lang pumatay ng tao.

Agad kong sinipa ang tagiliran ng lalaking sisipa sana sa pagmumukha ni Sir Jared. Nanlalaki naman ang mata nitong napatingin sa pwesto ko. Ngayon ay lahat ng atensyon ay nasa akin.

"Miss, umalis ka na lang." Hinagod ng paningin niya ang buong katawan ko na siyang ikinakulo ng dugo ko. "Sayang ang ganda mo kung masasaktan ka lang."

Umikot ang paningin ko sa hangin at pagak na tumawa. Isang tawang matatawag kong huli kong nagawa ay dekada na ang nakalipas. "Try me."

Inayos ko ang salamin ko at tumuwid ng tayo. "Bakit niyo binubogbog ang lalaking 'to?" Turo ko kay Sir Jared na nanghihinang nakahiga sa sahig, konti lang ang dugo na nawala sakanya. 'Yung parang naligo na siya sa sariling dugo? Well, konti lang nga.

Rinig kong tumawa ang lalaki na ikinangiwi ko. "Ano ka ba niya, Miss? Kapatid? Pinsan? O syota?"

Mabilis na nagtaasan ang balahibo ko sa batok sa huling sambit niya. "You're kidding around this time?" Lumamig ang tono ng boses ko.

Magsasalita pa sana ang lalaki nang mahagip ng paningin ko ang akmang hampas ng isa ng baseball bat sa ulo ni Sir Jared. Mabilis pa sa alas-kwatro nang sipain ko ang kamay ng lalaki kaya't natilapon ang pamalo. Agad ako itong sinalo at hinampas ang likod ng lalaking nagbabalak lumapit sa akin.

Bumaba ang paningin ko sa lalaking umubo sa lapag. Agad kong nilibot ang paningin ko. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito.

Pito, habang ang isa ay namimilipit sa sakit ng beywang. Inayos ko ang salamin ko at napansin mas dumami ang tao.

"Miss, alam mo bang sa ginagawa mo, pu-pwede ka naming patayin?" ani ng Isa.

Umangat ang kanang bahagi ng labi ko. "Then kill me. But remember, if this person..." Turo ko kay Sir Jared. "Will die or being in a state of coma, then I have nothing to do but to hunt you down and kill you one by one."

Tila namutla sila sa sinabi ngunit umaktong 'di nagpapaapekto.

Naging alerto ako nang maramdaman kong may sisipa sa likod ko. Agad akong umikot paharap at mabilis na sinalo ang kanyang paa. Mabilis ko itong hinagis paharap kaya't tumilapon ang tatlo. Four more to go.

Mabilis akong bumaling sa isa at ngumisi. "Alam niyo bang magdamag akong gising, mabantayan lang ang taong 'yan. Tapos bubugbugin niyo lang? Aba!"

Mabilis na dumapo ang sipa ko sa tagiliran ng isa. Agad naman nitong hinawakan ang paa ko. Iikutin sana niya ito nang nauna akong umikot at inangkla ang isa ko pang paa sa braso niya kaya sa halip na ako ang lumagapak sa sahig, siya na.

Humiga ako sa semento at mabilis na tumambling. Nang makatayo ako ay dumako ang paningin ko sa lalaking tatadyakan sana ang tiyan ni Sir Jared. Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa kinaroroonan ni Sir Jared. Agad na dumapo ang kamao ko sa ilong ng lalaki.

Susuntok pa sana ulit ako nang makarinig kami ng tunog ng police car. Kanya-kanyang takbo ang mga tao na nakapalibot. Mabilis namang gumalaw ang mga lalaking humarang sa akin sa entrance kanina.

"What the fuck?!" rinig kong mura ng grupo ng taong kakarating lang.

Wala doon ang atensyon ko. Kundi sa taong nakahilata sa semento. Naliligo sa sariling dugo.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon