Kabanata 47

25K 1K 246
                                    

Kabanata 47

Napaigtad ako nang pabaldang sumara ang pinto ng aking locker. Tinignan ko kung sino ang may gawa nito. And there I saw Annalise standing there, raising her one brow. Nasa likod niya naman ang kanyang tatlong kaibigan na pawang nakataas rin ang kilay.

"May kailangan kayo?" I asked in a soft tone.

"Ang kapal rin ng mukha mo 'no? You're already committed with Axel pero nakipaglandian ka pa kay Charles? Dinamay mo pa si Adam," mataray na wika ni Annalise.

Tumikhim ako at ngumiti. "Wala akong ginagawang masama."

Humakbang ito palapit sa akin. At sa hindi ko inaasahan, tinaas niya ang kanyang isang kamay at malakas na lumapat ang kanyang palad sa aking pisngi.

"Girls!" aniya. "Take her!"

Nabitawan ko ang aking mga dalang libro nang hawakan nila ang magkabilang braso ko.

Sinusubukan kong pumiglas ngunit mas malakas sila. "Saan niyo ba ako dadalhin?!"

Nakagat ko ang aking ibabang labi nang bumaon ang kuko nila sa balat ko.

"Hush, sweetie. We'll take you to hell." Nginisihan ako ni Annalise at nagsimulang maglakad.

Panay ang pagpupumiglas ko habang naglalakad. Panay rin ang kagat ko ng aking labi sa tuwing binabaon nila ang kanilang kuko sa akin.

As we reached the abandoned room, far away from the other rooms, they immediately pushed me inside causing me to fall on my knees.

"Close the door, Nissa," uos ni Annalise at tumalima naman ang babaeng kulay dilaw ang damit.

Ini-lock nito ang pinto.

"Ano bang atraso ko sa inyo, Annalise!?" I can't help but to yell.

Humalakhak ito at bumalik sa pagkaseryoso. "Ano? Naitanong mo ba iyan sa sarili mo nang landiin mo nang sabay-sabay si King, Jared, Charles, at Adam? Ang kapal din ng mukha mo."

"Ano bang pinagsasabi mo?! They're just my friends!"

Isang malakas na sampal ang natamo ko. "Stop talking!"

"Simulan na natin ito, Anna? Nakakairita na, e."

Galit itong bumuga ng hangin at binalingan ako. A smirk slowly plastered on her lips. "Go on."

Malakas akong napaungol nang may pumalo ng tubo sa likod ko dahilan upang madapa ako sa sahig. Itinali naman nila ang kamay ko sa aking likod at paa. They also covered my mouth.

Someone drag my hair and turn my face to hers. "Alam mo? Matagal na akong nanggigigil sa iyo, e."

Pilit ako nitong pinatayo at malakas na sinuntok ang aking panga na ikinahulog ng salamin ko. Pinigilan ko ang sarili na umungol. Madilim ang paligid at malabo. Mariin kong pinikit ang aking mga mata nang may sumipa sa aking tiyan kaya muli akong napahiga sa lapag.

"Kung umaasa kang ililigtas ka ng bagong Reyna, nagkakamali ka. You're just a tramp to be friends with them. Huwag mong taasan ang tingin sa sarili mo."  With that, nakaramdam ulit ako ng paghampas ng tubo sa likod.

Puno ng mahinang daing ang silid. Someone dragged my hair at pinned me into the wall. Then I felt a pair of hands, choking me.

Unti-unti ay nakaramdam ako ng kakapusan sa paghinga. Pilit kong huminga at lumanghap ng hangin ngunit wala. Hindi rin nakatulong ang kamay na nasa leeg ko at sinasakal ako.

Dumaloy naman ang dugo mula sa sintido ko at noo. I close my eyes. Pinipilit kong sipain ang kung sino mang sumasakal sa akin ngunit agad naman nitong sinuntok ang tiyan ko na nagpadaing sa akin ng husto. Hanggang sa tumulo ang luha ko. I can't breath anymore. Nanlalabo at umiikot na ang paningin ko.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon