Kabanata 48

23.6K 828 94
                                    

Kabanata 48

"Ano ba naman iyan!" Iritadong napahilamos ang trainor namin sa contest. "You, nakaglasses." The gay pointed me. "Cat walk ang pinapraktis natin hindi panglakad tomboy!"

Napayuko ako sa sobrang hiya. Simula pa noong una kaming nagpraktis, ako palagi ang pinapagalitan niya. Kesyo ang lakad ko daw, tapos palaging nakayuko, malamyang nagpapakilala. Halos lahat ng galaw ko ay namamatyagan niya.

"Kung hindi ka sanay sa ganitong mga aktibidadis, bakit sumali ka pa?" Tumaas ang kilay nito at nameywang sa harapan ko. "Kanina pa kita napapansin. Ang bagal-bagal mo maglakad sa heels. Alam mo namang mahina ka sa ganito bakit nagboluntaryo ka pa? Para ano? Para sumikat?"

Narinig ko naman ang mahinang paghagikhik ng mga kasamahan ko sa paligsahan.

"S-sorry po." I bit my lower lip. Sa mga oras na ito ay hinihiling ko na nasa ay lamunin na ako ng lupa, pero alam kong hindi iyon mangyayari.

"Sorry? Since the day we've started practicing, you keep committing mistakes and say sorry afterwards. Ano iyon? Kapag ba nagsosorry ka ibig sabihin nabura na ang kasalanan mo? Ang maling nagawa mo? You should do better dahil class A ang dala mo!"

Naramdaman ko ang dugo sa labi ko sa sobrang diin ng pagka-kagat ko. "Pasensya na po. Hindi na po mauulit."

"Talagang hindi mauulit. Papalitan ka namin, and your replacement is here. So maaari ka ng umalis." Muli ako nitong tinaasan ng kilay at tumalikod sa akin saka naglakad palayo.

Muli kong kinagat ang aking ibabang labi habang huminga ng malalim.

"That's embarrassing."

"Kaya nga."

"Kung ako sa kanya, tatakbo na ako palayo."

"Nakakahiya."

Hindi ko nalang ito pinakiggan. Nagsimula akong maglakad at umupo sa bench dito sa loob ng auditorium. Hindi pwedeng magpraktis sa labas ayon sa dean.

"Aurin, you can go out now. Baka sakaling may gusto kang salihan na patimpalak na babagay sa pangit mong mukha." Muli ako ay inismiran ng trainor at bumalik sa pagtuturo sa mga kasamahan ko.

Kita ko naman ang pagpasok ng isang magandang dalaga, it's Jamie. Siya ang muse ng seksyon namin kaya siguro siya kinuha. Mabait naman ito at mahinhin.

Sinukbit ko ang bag sa aking balikat at naglakad palabas ng auditorium. Panay ang aking pagbubuntong hininga dahil sa nararamdaman kong kinakapusan ako.

"Natasha?"

Lumingon ako sa aking kanan at namataan ko ang tatlong alas. Tumakbo papunta sa deriksyon ko si Charles at agad na umakbay sa balikat ko.

"Kamusta? Madalas ka na lang namin makita dito ah. Kasali ka sa contest?" kuryosong tanong niya at nagsimulang maglakad patungong canteen.

"Kanina, oo. Pero ngayon hindi na."

Kita ko naman ang pasimpleng pagkunot ng noo ni Adam. "What?"

"Kasali ako sa contest kaya busy ako sa buong linggo, pero tinanggal ako ng trainor namin at pinalitan dahil iyong pinapraktis namin ay cat walk. Hindi daw lakad tomboy."

Napahinto ako sa paglakad at masamang tinignan si Eros nang humagalpak ito ng tawa. Hawak nito ang tiyan at namimilipit ng tawa sa tabi ni Adam.

"T-tomboy..." And he begun laughing again.

"Hindi ka titigil?" Ginawa ko ang lahat para itono sa malamig na tono ang boses ko at ang pagkablanko ng aking mukha.

Kita ko namang humito sa pagtawa si Eros at napahawak sa braso ni Adam. "Nung una, ayaw ko maniwala na siya ang Spade. Pero ngayon, naniniwala na ako." Narinig ko pa ang binulong nito kay Adam. "She's scary."

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon