Kabanata 38

25K 915 81
                                    

Kabanata 38

"Pakopya naman ng assignment!" anang babaeng kakarating.

"Pwedeng pakihinaan ang boses mo?" Taas kilay kong sambit kay Wenchie nang pumasok ito sa loob ng library. Kasama nito si Ella sa tabi na busy kakabuklat ng kanyang libro.

"Sorry." Nagpeace sign ito. "Asan ba ang math notebook mo?"

"Bag," tanging sagot ko habang matiim na nakatitig sa librong ni binabasa ko.

It's encyclopedia. Mahilig akong magbasa ng mga ganito.

"Bago ba salamin mo, Natasha?" tanong ni Ella.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Oo, bakit?"

"Wala lang."

"Andito na sila!"

Sabay kaming napatingin sa babaeng biglaang tumili habang tumatakbo palabas ng library. Nagkatinginan naman kami ni Ella at Wenchie na may pagtataka sa mga mata.

"Sinong andito?" Nakakunot noo kong tanong sa kanila.

Sabay naman silang nagkibit balikat. "Tara, tingnan natin," ani Ella at hinila ang braso ko. Sumunod naman si Wenchie dala ang notebook ko sa math.

Halos lahat ay nakaambang sa railing. Tumitili habang nakatingin sa baba.  Hindi ko mapigilan ang sarili ko na kalabitin ang isang babaeng nagpupumilit sumiksik para lang makalapapit sa railing.

"Anong meron?"

"Bumisita sa building natin ang mga Royals!" Tumili ito bago bumalik sa pagpupumilit sa pagsiksik.

Royals? You mean sila Axel? Ipinagkibit balikat ko nalang ito at naglakad pababa ng hagdan. Nasa fourth floor kasi ang library ng medicine building kaya patibayan ng tuhod paakyat dito. Merong mga elevator ngunit hindi ito pinapagamit kaya no choice.

"Oh my juice! Ang Royals!" Impit na tili ni Ella sa tabi ko.

Nag-angat naman ako ng tingin. They are. Namukhaan ko agad si Carter na malaki ang ngisi. Nasa likod ni Carter si Stone, beside Stone is Dixon. Nasa unahan naman si Adler at Raiven habang si Axel ay nasa likod. He's still wearing a mask.

"Where's Jared?" diretsang tanong sa akin ni Raiven, Axel's right hand.

"Ewan. Nasa building nila siguro?" Nagkibit balikat ako sa tanong niya.

"Did just Royal Raiven talks to that ugly creature?"

"Yes. Tinanong pa siya kung asan si Jared."

"Mga taong tahimik nga naman. Nasa loob pala ang landi."

Mariin kong kinagat ang aking labi. Seryoso sila? Nag-uusap na nga lang ng tungkol sa akin, sa harapan ko pa.

"Come with us," ani ni Axel sa malamig na tono. Umarko naman ang kilay ko.

"Saan?"

Huminga nang malalim si Raiven at nilapitan ako ni Carter. "Tara na, Natnat. Mamaya ka na magtanong."

--

"Anong meron dito?" I asked as I stared outside the window.

Nasa harap kami ng isang abandonadong bahay. Medyo creepy tingnan ang bahay.

"Hintayin mo kami dito," saad ni Adler na siyang nagmaneho sa amin papunta dito.

Muli ay kumunot ang noo ko. "Bakit? Anong gagawin niyo sa loob?"

Sabay kaming napatingin sa labas nang may isang motorsiklong pumarada sa tabi ng van na aming sinasakyan. Lumamlam ang paningin ko sa nagmamaheno. Unti-unti nitong tinanggal ang kanyang helmet na nagpalitaw sa buo niyang mukha.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon