Chapter 20

74.2K 3.5K 663
                                    

Chapter 20

Matinding sermon ang aking inabot kay mommy nang makauwi ako sa mansiyon nang araw na iyon. Ayon pa sa kaniya, ilang oras daw silang naghintay para sa akin.

"Alam mo bang nakakahiya sa kanila na paghintayin, Belle?" galit ang tinig ni mommy habang sinusundan ako papasok sa aking kwarto. "What is wrong with you, young lady? Akala ko ba'y alam ko kung paano respetuhin ang oras ng iba!"

"There's nothing wrong with me, mom..." I turned to her sharply and hissed. "I don't want to be part of that family picture because I am not part of this family, okay?"

"What are you saying-"

"You may have gotten married with the governor..." mataman kong wika sa kaniya. "But he's still not my father and will never be my father, mommy."

Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong makasagot. Dumiretso na ako sa aking kwarto at pabagsak na isinirado ang pintuan. I curled up in my bed, trying to calm down. Inisip ko na lamang ang nangyari kanina sa mansiyon ng mga Ferrer. At least I have something to smile about today.

"Hindi ka pumasok kahapon, anong nangyari?" tanong ko kaagad kay Isla nang mamataan ko siyang nagbabasa ng libro. Nag-angat siya ng tingin sa akin at malapad na ngumiti.

"Ikaw pala, Belle. Good morning..."

"Isla," I sat down in front of her, ignoring her greetings. "May nangyari ba kahapon? May sakit ka ba?"

Umiling siya at ngumiti ulit. "Wala naman. May inasikaso lang ako kahapon kaya napilitan akong lumiban sa klase. But I'm all fine now."

Somehow, her words didn't sound really convincing. Pero hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko na lamang siya. If Isla is really hiding something from me, she would tell me soon by her own, without me forcing her to. Sa ngayon ay makikiramdam lang muna ako sa kaniya.

"-kabit ng governor?"

Napalingon ako sa dalawang babaeng naghahagikhikan sa harapan. One of them turned towards my direction and smirked. Mas nilakasan nito ang boses dahilan upang maagaw ang atensiyon ng iba ko pang mga classmates.

"I heard her mother is a courtesan! How disgusting. Tapos basta-basta nalang pinakasalan ng governor natin?"

"Baka nahipnotismo?"

"Nakakatakot..."

I clenched my fists. Huminga ako nang malalim at pinilit na pakalmahin ang sarili. Getting into another fight again is useless.

"Alam mo yung kasabihang kung ano ang puno, siya rin ang bunga?" tumawa ang babae at sumulyap ulit sa akin. "So that means..."

"Cut it off," galit na boses ni Leon ang nagpatahimik sa kanila. Ibinagsak niya ang kaniyang dalawang kamay sa desk at tinitigan nang masama ang dalawang babaeng kanina pa ako pinariringgan. "Kung wala kayong magawa sa buhay ninyo, huwag niyo nang guluhin si Belle..."

The two of them glared at me before walking out cattily. Gusto ko pa sanang magpasalamat kay Leon ngunit kaagad niya nang isiniksik ang earphones sa kaniyang mga tainga. Napabuntong-hininga ako at sumulyap kay Isla. She offered me a sympathetic smile.

Ilang linggo na ang nakakaraan mula nang ikasal ang governor at si mommy ngunit ang isyu ay hindi pa rin humuhupa. Usap-usapan na din sa eskwelahan namin na balak kunin si Leon ng kaniyang stepmother at manirahan sa ibang bansa. Hindi ko naman siya matanong kung totoo ba ang isyung ito gayong halos hindi naman niya ako kinakausap.

Pagkatapos ng klase namin ay naisipan kong dumaan sa school publication office. Alam kong wala na si Kristoff at Laurel doon but still...

"Kristoff?"

Twisted Hearts Book 1: The Beauty Tames The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon