Chapter 37

79.5K 3.3K 673
                                    

Chapter 37

I felt blank when I woke up that morning. Nakatitig lang ako sa aking kisame nang ilang minuto bago ko napagdesisyunang tuluyan nang bumangon para sa araw na ito.

Last day na ng aming exam. Ito din ang huling araw na makikita ko sina Alas at Isla bago sila magtungo ng Maynila.

My heart ached inside of my chest. Mabigat ang aking pakiramdam habang naliligo ako hanggang sa magsuot ako ng uniporme. I braided my hair that day and took my time in front of the mirror.

After that, I inserted the letter I wrote for Alas in one of the book's pages and shoved it inside of my bag. Sinaluhan ko ang pamilya para sa agahan. Abala ang governor dahil nalalapit na naman ang eleksiyon at nagsisimula na silang mangampanya.

In fact, iilang meetings na rin ang naabutan ko sa mansion sa tuwing umuuwi ako. Pare-parehong mukha lang din ang nakikita ko. The governor is too busy for his political career to spare me a glance. Kaya naman bahagyang naging tahimik ang buhay ko sa mga araw na iyon.

"Your hair looks nice today," komento ni Leon habang kumakain kami, dahilan upang mapatingin ang halos lahat sa akin. Namula ang mukha ko sa di inaaasahang atensiyon na nakuha. "You should do that often."

The parents of the governor nodded in agreement and some of his cousins made side-comments like they weren't used to see me in a braid and that it looks refreshing. Ngiti lang ang iginanti ko sa kanilang lahat. Hindi ako sanay sa ganitong ayos ng kanilang pagtrato sa akin.

Nang matapos kaming kumain ay sinabihan ako ni Leon na hihintayin niya ako sa labas ng bahay upang sabay na kaming magtungo sa eskwelahan.

"Belle..." pagtawag ni mommy sa akin matapos ko siyang halikan sa pisngi at magpaalam.

I turned to her and tilted my head, the question evident on my face.

She smiled tightly at me. "Make the most of your day, hija."

Kusang sumikip ang dibdib ko sa kaniyang sinabi. I nodded my head and dragged myself outside of the dining hall, her words swirling inside of my head.

"C'mon, dummy. We're going to be late!" pinukol ako ni Leon dahilan upang mapaigtad ako.

I rubbed the sore part of my temple and glared at him. Sumunod ako sa kaniyang sumakay sa backseat ng sasakyan.

"Birthday mo na next week, diba?" tanong ko nang paandarin na ni Manong ang sasakyan. Iniatras niya ito habang dahan-dahang binubuksan ang malaking gate.

Leon nodded his head and glance at me. Then he smirked. "You better have a gift for me."

"I do." I said softly. "I place it under the oak cabinet, next to the fireplace. Buksan mo nalang kapag kaarawan mo na."

Kumunot ang noo ni Leon sa aking sinabi at sinuri ang aking mukha. "Bakit mo sinabi kaagad sa akin? Eh next week pa naman ang birthday ko, ah?"

Because we're leaving tomorrow. I cried inside of my head. Bagkus, nagkibit-balikat ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"Gusto ko lang sabihin,"

Leon sneered at me. "You're weird, sis."

Magaspang na tawa ang isinagot ko sa kaniya. "Yeah, I know..."

Nang makarating na kami sa eskwelahan ay nagseryoso na si Leon at pinilit isaulo ang formula para sa exam namin sa Statistics. Hindi ako makapag-concentrate sa pag-aaral dahil lagging sumasagi sa aking isipan si Alas at Isla.

I've already called Tita August. They're not leaving until 8 in the evening. Bukas ng umaga ang kanilang flight patungong Manila. Mamayang gabi ang kanilang biyahe patungong Davao.

Twisted Hearts Book 1: The Beauty Tames The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon