Chapter 24

71.2K 3K 374
                                    

Chapter 24

Tamad at mabagal ang ginawa kong paglalakad bitbit ang mga evaluation sheet ng aking mga classmates patungo sa principal's office. Dahil ako ang huling nagpasa ay ako rin ang na-atasang maghatid nito sa student assistant na siyang maglalagay ng mga nasagutang sheets sa folder upang ma-review.

Maingat kong inilagay sa isa kong kamay ang mga papel bago kumatok. I waited for a few seconds before entering the office. Bumungad sa akin ang desk para sa student assistant na ngayon ay may kausap na kapwa niya rin SA.

"—mo siya kanina? Ang gwapo!" humagikhik pa ito bago ako pinasadahan ng tingin. "Bakit?" nakangiti niyang tanong.

Bahagya kong itinaas ang mga dalang papel. "Evaluation sheet ng section SE 34."

The other girl giggled. Pinaghahampas pa niya ang tagiliran ng kaniyang kasama. "Akala ko sabi-sabi lang nila na may hitsura siya pero tine, pagkakita ko sa kaniya kanina parang gusto ko nalang maghubad sa harapan niya!" maarteng hagikhik ang pinakawalan niya habang nilalagay ko ang papel sa desk niya.

Nagtawanan ang dalawa bago ako binalingan ulit ng SA. "Napirmahan ba ito lahat?"

Tumango ako.

"Sige, salamat."

They continued gossiping in hush voices. Just then, the door to the principal's office opened. I turned around and saw Tita August with the principal. Malaki ang ngiti ng aming principal ngunit agad nadaanan ng bahagyang iritasyon ang kaniyang mukha nang makita niya ako.

I nodded at them politely and mumbled my greetings.

"Belle! Nandito ka pala, hija..." Tita August approached me and linked my arms with her. "Uwian niyo na ba?"

"Yes, Tita..." naguguluhan ko siyang tiningnan at ang principal naming peke na ngayong nakangiti sa akin.

"Great! Tara, naghihintay si Alas sa bleachers,"

Laglag ang panga ng dalawang student assistants habang nakatingin sa akin. Nagpaalam na si Tita August sa aming principal na nag-presenta pang ihatid kami patungo sa soccer field pero inayawan na ni Tita. Hinatid niya nalang kami ng tingin habang papalabas kami ng office.

"Ano po ang ginagawa ninyo dito sa school, Tita?" sumilip ako ng tingin sa kaniya nang lumiko kami sa kahabaan ng hallway.

"Ah, donation." She smiled at me. "Alas wanted to push the donation to this school. Tsaka naghahanap din kami ng bagong teacher niya kasi uuwi na sa probinsiya nila ang dati niyang guro. Baka 'kako mayroong pwedeng makapagturo sa kaniya dito,"

Tumango ako sa kaniyang sinabi. As far as I know, there are no SPED teachers in our school. But knowing that the Ferrers must have donated a generous amount of money, our principal is sure to use all of his connections to find him an excellent teacher and maintain a good impression to the family.

"Patingin nga!"

Kumunot ang noo ko nang makita ang kumpol ng mga babaeng nasa dulo ng science building. Sa tapat nito ay ang bleachers tapos ang malawak na na soccer field.

"Kinunan mo ng picture?"

"Shit! Ang gwapo. Naka side-view pa yan ha!" maarteng hagikhik ng isa habang sinusuri ang litrato sa kaniyang cellphone.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Tita August. Sinundan ko ng tingin ang pinagkakaguluhan ng mga babae. My gaze landed on Alas, sitting carelessly on the bleachers.

Bukas ang kaniyang dalawang hita at nakatukod ang kaniyang siko sa mga tuhod. With his black oversized hoodie and black pants, mukha na siyang nakapose for photoshoot. Ang mga mata niya'y tumitingkad ngayong natatamaan na ng araw at ang labis nap ag-igting ng kaniyang mga panga dahil naka-side view ay pinagkakaguluhan ng mga babae kong schoolmates.

Twisted Hearts Book 1: The Beauty Tames The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon