T H G : C h a p t e r F i f t e e n

1.4K 38 0
                                    


B l a k e
     
 

     "Sir! Kanina pa po talaga namin siya pinipigilan.." Biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko at inuluwa nito si Mrs. Evans na todo sa pamamadali habang kinakapa ang daan.


      Otomatikong napatayo ako at lumakad palapit dito. Hindi niya napansin na matitisod siya sa sariling tungkod dahil sa pamamadali niya. Inasahan kona ang nangyari kaya naman ng matisod ito ay agad ko siyang nasalo at nahawakan sa bewang. Napansin ko ang pamumula ng pisngi niya.

      "A-Ah.. Sir, maiwan ko po muna kayo." Paalam ng sekretarya ko at nagmadaling lumabas.

      Muli akong napatingin kay Mrs. Evans na mukhang hindi mapakali sa bisig ko. Napahawak ito ng mahigpit sa braso niya at siya na mismo ang umalalay sa'kanya patayo. Umayos ito ng tayo at humawak ng mahigpit sa tungkod niya. Napamulsa naman akong pinagmasdan siya.

      "T-Thank you." Nahihiyang sabi nito habang namumula pa'rin ang pisngi niya.

      Napangisi ako nalang ako para mapigilan ang sarili sa pagngiti, "What do you want?"

      "I just want to say sorry about last night, doon sa nangyari." Paghihingi ng despensa nito habang nakatingin sa.. Agad akong napatingin kung nasaan ang mata niya. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong nasa baba ko siya nakatingin. At muntik ko nang mabatukan ang sarili ko sa kaberdehan ng utak ko.

      'Shit! Bulag nga pala siya.'

      "No need for that, you're forgiven. By the way, alam ba ng asawa mong nandito ka? Baka sumugod na naman dito 'yon at suntukin ako." Sabi ko at natawa ng sarkastiko.

      Napatungo naman ito sa hiya at ganoon siya ng ilang segundo at maya maya ay biglang lumaki ang mga mata niyang lumapit sa'kin. Gulat ko 'tong tinignan nang bigla niyang hawakan ang mukha ko. Kinakapa niya ito hanggang sa madapo ang mga daliri niya sa labi ko. Napatingin din ako sa labi niya. Agad akong napalunok.

      'Damn it, Blake!'

      "Hala, putok ang labi mo! Halika linisin natin." Nagaalalang sabi nito.

      Marahan ko namang tinanggal ang mga kamay niya sa mukha ko at mabilis na umiling, "It's alright. No need to."

      "Hey, let me clean your wound. Nang makabawi naman ako, please." Ngumiti ito na may nangungumbinsing mga matang napakainosente.

      Napatitig ako dito, lalo na sa mga mata niya. Kilala ko ang mga matang 'yan. Saglit kong iniling ang ulo ko sa isiping iyon at ngumiti sa'kanya.

      "Okay."

      Hinawakan ako nito bigla sa kamay at basta na lamang hinila. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay at lalo pang napangiti. Tumigil siya nang makapa niya ang sofa gamit ang tungkod niya. Dahan dahan itong naglakad at tumigil saka humarap ito sa'kin. Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat at inalalayang umupo sa sarili kong sofa saka rin itong umupo sa tabi ko. Ngumiti itong humarap sa'kin.

      "Akina 'yung medicine kit mo." Utos niya. Napataas naman ang kilay ko.

      Napakunot ang noo niya tila nayayamot sa paghihintay dahil wala naman akong inaabot sa'kanya. Napangisi naman ako.

      "Oy! Nasan na? Tch." Inis na sabi niya at siya na mismong kumapa kapa sa ilalim ng center table.

      Malapit na niya nang makuha kaso lumalagpas naman ang kamay niya roon. Sa irita ko ay nakikapa narin ako. Napatigil ako nang kamay ang makapa at mahawakan ko at hindi iyong hinihingi niya. Saglit akong natigilan at napalingon sa'kanya na sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

     'I could kiss you.'

      Napailing ako at inalis ang kamay ko roon at inilayo ang mukha ko sa mukha niya. Bigla itong napangiti nang malaki.

      "Gotcha!" Ipinakita niya pa sa'kin ang medicine kit saka nilagay sa lap niya at binuksan.

      Itinaas niya ang cotton buds na may halong gamot o ointment at inilapit sa mukha ko. Napaface-palm ako nang hindi ito dumikit sa mismong labi na may sugat. Kundi pisngi ko.

      "Ay sorry, hehe." Biglang sabi nito nang mapagtantong asa pisngi ang cotton buds na hawak niya. Blangko ko lamang itong tinignan.

      Muli niyang inilayo ang cotton buds at inilapit. Napasalubong ang kilay ko nang dumapo ito sa nguso ko. Ilang ulit pa ito nagkamali kaya naman salubong na salubong na ang dalawang kilay ko sa inis at galit. Napuno na ng buong ointment ang mukha ko maliban sa mismong sugat ko!

      'Aish!'

      Hinawakan ko sa pulsuhan kung nasan ang nakahawak sa cotton buds at hindi ito papalapit. Pigil ang hininga nitong tinitigan ako. Matapang dahil wala namang nakikita. Tsk!

      "Aayusin mo o hahalikan kita?" Pagbabanta ko. Bigla namang nanlaki ang dalawang mata nito at natakot sa sinabi ko.

      "Sorry na! Eto na, aayusin kona! Hindi ko kasi makita eh." Natatarantang sabi niya kaya palihim akong natawa.

      Dahan-dahan kong inilipat ang pagkakahawak ko mula sa pulsuhan hanggang sa mismong kamay niya na nakahawak sa cotton buds. Dahan-dan kong inilapit ang kamay niyang may hawak na cotton buds palapit sa mukha ko, sa mismong labi ko. Nakita kong napalunok siya.

      "It's here." saad ko.

      Marahan naman niyang nilagyan ng ointment ang sugat ko gamit ang cotton buds. Tinitigan ko lamang ito sa ginagawa niya. Seryoso ito sa ginagawa kaya naman hindi na ito muling nagkamali pa.

      "Bulag ako, pero nararamdaman kong kanina ka pa nakatitig sa'kin. May gusto ka ba sa'kin?" Biglang seryosong sabi niya habang pinapahiran pa'rin ang labi ko ng ointment. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya at napaawang ng kaunti ang labi ko.

     Sa seryosong mukha ay naging inosente muli ito, "De biro lang!" biglang bawi niya at napahalakhak. Napakunot noo naman ako.

     "Don't ever do that again." Madiing saad ko.  Nagulat naman siya ng bahagya. Hindi inaasahan ang isasagot ko sa biro niya.

      "M-Masyado kasing tahimik.. Ang awkward." Pagdadahilan nito.

      Hindi na'ko umimik at maya maya lamang ay napangiti itong muli, "Hayaan, tapos na." Pinanood ko lang itong binalik lahat sa lalagyanan ang mga ginamit niya at binalik roon kung saan niya kinuha.

      "Bakit nga pala ganyan kalala ang sugat sa labi mo? Isang beses ka lang kayang sinuntok ni Zach. Ganoon ba kalakas 'yun?" Nagtatakang tanong niya at biglang napanguso.

      Bigla na naman akong natigilan at napatitig sa labi niyang nakanguso. Kailangan ko nang ipatingin 'tong puso ko. Nagiging abnormal nalang basta basta dahil sa mga pinanggagawa ng babaeng 'to.

      "Busy ka ba ngayon?" Biglang tanong niya. Agad naman akong napatingin sa Office desk ko at nakita kung gaano karaming tambak na paperworks na dapat trabahuin ngayong araw.

      Muli akong napatingin sa'kanya na sa'kin ang paningin. Hinihintay ang sagot ko, "No.. Why?"

      "Labas tayo!" Nakangiting pangaaya niya. Napataas naman ang isang kilay ko.

      "Where to?" Tanong ko.

      "We're going to the trip and--'De ioke!" Pakantang sagot niya at agad ding napatigil nang maramdaman niya ang napakasama na ng tingin ko.

      Sasagot na sana siya ng muling bumukas ang pinto at nanlaki ang mga mata ko nang inuluwa nito ang batang si Xierra. Gulat akong napatingin kay Xylean.

      "You're with her?!"

      "Yap! I'm with her, Mister! And you're going with us in the Amusement Park! Yay!"

t o  b e  c o n t i n u e d . . .

v o t e  a n d  c o m m e n t (⌒o⌒)

The Heiress Gangster 2 [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz