T H G 2 : C h a p t e r F o r t y - S i x

1.9K 46 3
                                    


X y l e a n


          "Why didn't you tell me?" Bigla akong nahimasmasan at tinitigan siya. "Alam na ba nila? Pinagmukha mo na naman akong tanga na walang alam? Why, Xylean? Why you didn't tell me?"

          "Do I need too? Importante pa bang sabihin, Blake?" Tanong ko sa'kanya. "Bumitaw kana, Blake. Baka nakakalimutan mong sarado ang pandinig mo sa lahat ng paliwanag ko." Giit ko.

          "Because, I thought you left me for nothing but a bullshit reasons! I'm tired, Xylean. You know, I'm very fragile when it comes to you so please, dahan-dahan naman sa pananakit." Hindi kona mapigilan ang emosyon ko.

          "Blake, tingin mo ganon ko nalang kayang iwan ka? Mahal kita Blake, mahal na mahal. Sana naman makita mo rin iyon." Naiiyak kong sumbat sa'kanya at napatango-tango pa. "Siguro nga kaya tayo pinaghiwalay kasi para matuto tayo at tulad nga ng sinabi mo, maybe we're just not meant to be." Ngumiti ako ng mapait at mabilis pinunasan ang luhang tumulo mula sa kanang mata ko. Mabilis siyang lumakad papalapit at niyakap ako ng mahigpit.

          "Please no, I'm sorry." Napailing-iling ako habang pilit kumakalas sa yakap niya.

          "Hanggang ilang sorry pa ba ang kailangan kong marinig, Blake?" Ramdam ko ang tuloy-tuloy na daloy ng mga luha mula sa mga mata ko. "Tigil na natin Blake, wag na nating ipilit. Nagkakasakitan nalang tayo, e."

          "Hindi. Walang kailangang ipilit. Hindi na kita sasaktan, pangako." Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at tinitigan habang may mga luhang tumutulo sa mga mata niya. "Mahal na mahal kita Xylean at hindi mo alam kung gaano ako kasayang malaman na ganoon ka rin." Hinalikan niya ako ng mariin na agad ko namang tinugunan.

          Natigilan kaming pareho nang may bigla kaming narinig na putukan. Nagkatinginan kami at may namuong kaba sa dibdib ko.

          "B-Blake, sila Tiff." Nagaalalang sabi ko. Agad naman niya akong hinalikan sa noo at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. Tumango siya sa'kin at hinugot ang baril na nasa likod niya.

          Hinugot ko naman mula sa likuran ko ang baril ko, lagi akong may dala sa tuwing mag-isa ako dahil hindi ako nagpapasigurong walang kalaban na biglang sumulpot.

          Halos tumakbo na kaming pareho babalik sa mga tents namin dahil baka wala na kaming maabutan roon. Hingal na hingal kami nang makarating kami. Agad naman namin silang nakita roon.

          Halos mapanganga ako nang makita kong lahat sila ay maayos. Nakatingin ang mga 'to sa kalangitan habang may mga ngiti sa mga labi nila. Napatingin rin ako roon, ang inakala kong mga putukan na galing sa kalaban ay isa lang palang fireworks. Agad akong napatingin kay Blake na nakangisi na habang nakatingin rin sa kalangitan. Agad ko siyang siniko ng malakas.

         "Ikaw may gawa nito?" Tanong ko habang pinanood muli ang fireworks.

          "Yeah, just for my Master Babe only." Nakangiti niya ng sinabi. Napangiti narin ako. "Oh, wait there's more." Turo niya sa itaas. Agad naman akong napatingin don at mas lalo pang napanganga.


WILL YOU MARRY ME?


          Mabilis akong napalingon muli sa'kanya at mas lalo pa akong nagulat nang nakaluhod na ang isang paa nito habang may hawak-hawak na itim na kahon na may lamang singsing, napakagandang singsing.

The Heiress Gangster 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now