Last Special Chapter

2.6K 47 10
                                    


XYLEAN


"Young lady, where are you?" Dinig kong sabi ni Blake sa kausap niya sa telepono.

"On my way, Papa. Sorry."

Binaba ni Blake ang tawag at hinarap ang kambal. Pinanliitan niya ito ng mga mata dahilan para agad matakot ang kambal.

"Papa, We're sorry." Napatingin ako kay Phoebe nang magsalita ito. Seryoso ko lamang silang tinignan at pilit inaalis ang malalamig na tingin sa mga mata ko.

"Yeah, your school was so big. That's why." Gatong ng kakambal nitong si Nix.

"Young man, did I tell you to stay with your Ate Ash all the time?" Tiim-bagang na giit ni Blake, napatungo naman ang dalawa. Hinawakan ko naman si Blake sa braso dahilan para mapatingin 'to.

"What?" Mahinang tanong niya.

"Enough. Let's just eat." Malamig na utos ko.

"Tss.." Singhal pa nito bago sumunod.

Nandito kami sa isang pribadong kainan. Kakatapos lamang mag-enroll ng kambal ngunit napikon si Blake dahil kanina ay biglang nawala ang mga ito sa paningin ni Xierra. Pagkapasok namin sa pribadong k'warto ay nagsi-upuan na kami sa sahig. Isa itong Japanese Restaurant kaya naman napakatraditional nila rito. Nang maka-order kami ay nagusap-usap muna kami habang naghihintay.

"Kamusta ang enrollment?" Umpisa ko. Napalingon naman agad si Phoebe habang si Nix ay nakapokus sa telepono nito.

"Put that thing down, young man." Mariin na utos ni Blake rito dahilan para agad sundin ni Nix at inosenteng tumingin sa'min.

"I-It was fine, Pa. We've met someone who's cool and he was like Mama's version 2." Agad napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"He?" Malamig kong tanong ngunit may seryosong tono. Nagaalinlangan naman siyang sumagot at napalunok pa.

"Y-Yeah, and he even burned ate Ash with his punch lines!" Tuwang-tuwa pa niyang sinabi. Nagsalubong ang kilay ko nang maging si Blake ay napahalakhak din.

"He did that? Cool, indeed, huh?" Tawa-tawang sagot ni Blake sa anak.

"Stop making fun of your ate Ash." Malamig kong utos na agad napatigil ang mag-ama habang si Phoebe naman ay taimtim lamang habang nakapalumbabang nakikinig sa amin. Mukhang napansin naman ito ni Blake kaya't hindi napigilang magtanong sa anak.

"What happened to you, young lady? Ba't tulala ka riyan?" May pagtatakha sa tono nito.

"U-Uhm.. nothing.. hihi." Agad nagsalubong ang kilay ko.

"Phoebe?" Nakataas ang isang kilay na sabi ko.

"Please don't get mad at me!" Guilty na guilty niyang sambit kaya't lalong nadadagdagan ang aking kuryosidad sa batang ito.

"What is it?" Malumanay na tanong ni Blake rito. Sasagot na sana si Phoebe ng biglang sumingit si Nix at siya na mismong sumagot.

"He has a crush on that cool guy!" Halos isigaw na ni Nix ang sagot dahilan para mapahiya si Phoebe at nagtakip ng mukha.

"Phoebe?!" Sabay na sabi namin ni Blake kay Phoebe na nakasubsob na ang mukha sa maliit na lamesa ngunit pahaba.

"Nix naman eh!" Tili pa nito habang si Nix naman ay patawa-tawa. Sinamaan ko ito ng tingin dahilan para mapatigil ito sa pagtawa.

"Its alright to have a crush on someone, but no boyfriends allowed, okay? You're only 14 years old, remember that. Study first, alright?" Napangiti na si Phoebe at napatango-tango pa sa sinabi ni Blake. Tumayo ito at lumapit sa ama para yakapin. Agad namang napangiti si Blake at niyakap pa lalo. "Who's he, by the way?" Habol na tanong nito ngunit ang paningin ay na kay Nix na. Natigil ulit sa paglalaro si Nix sa kaniyang telepono pero hindi huminto sa halip ay sumagot ito habang ang paningin ay nasa telepono parin.

"Zac--"

"Can you put that thing down first?! Binabastos mo kami ng mama mo niyan."

"Pa! I'm so close to be a Mythic, mamaya kana." Walang emosyon na sagot ng anak niya. Sasagot pa sana si Blake ng biglang pumasok ang waitress para ilapag ang mga orders namin kasabay rin non ang pagdating ni Xierra, matamlay ang mga mata nito at tila mukhang napagod sa dinaanan ngunit nababalutan ng malamig at madilim na awra.

"What happened to you, young lady?" Buntong hiningang paguulit ni Blake ngunit kay Xierra naman ito itinanong.

"Siraulong mga dealer, talagang nanghostage pa ng lalamya-lamyang lalaki at balak pa tayong isabit sa maruming trabaho nila. Tss!"

"Who's the guy, what happened?" Agad na tanong ni Blake sa kararating na anak. Umupo ito sa tabi ni Nix at kinotongan pa muna ang kapatid at may sinabi bago muling tumingin sa'min bago sumagot.

"Can't remember, I think.. it's Zac--" Natigilan ito sa pagsagot ng biglang tumunog ang telepono. Agad naman niyang kinuha ang telepono para sagutin ang tawag.

"Fuck you, papatayin kita." Gigil na gigil na sagot ni Xierra rito bago ibaba ang tawag at napatingin sa'min na may matamlay ngunit malalamig na mata. "Hindi muna ako makakasabay sa inyo, Ma. Someone had urged to messed up with our transactions, I need to fix it."

Nagmamadali itong tumayo para lumapit sa'min para humalik sa mga pisngi namin ni Blake para magpaalam.

"Bye, Ma, I love you." Bulong nito bago tuluyang mawala sa mga paningin namin.

"Habang lumalaki ang batang iyon mas lalo siya nawawalan ng oras sa'tin." Malungkot na biglang sabi ni Blake sa kalagitnaan ng pagkain naming apat.

"Oh! I forgot! She told me to say I love you both, I mean she love you both." Hindi ko mapigilang mapangisi, nadinig ko naman ang halakhak ni Blake at halata roon ang tuwa.

"She never failed me." Biglang sambit ni Blake dahilan para mapakunot ang noo ni Nix at pinanlisikan ng mga mata ang Ama niyang kanina pang tumatawa. Tinignan ko lamang sila habang may maliit na ngiti sa'king labi.

'Mas masaya siguro kung narito siya.'

"Huh?" Nasabi na lamang ni Nix. Tinapik-tapik ni Phoebe ang balikat ni Nix habang may matamis na ngiti sa labi nito.

"Ate Ash pranked you, twinnie."

End of Last Special Chapter

Vote and Comment<3


+++


Note:

You may proceed to A Mafia's Heiress Downfall.

-yeoja_ileumIB

The Heiress Gangster 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now