T H G 2 : C h a p t e r T h i r t y - E i g h t

1.4K 44 5
                                    

X y l e a n

           Sa huli ay hindi ko rin naisama si Zachery papunta kina Tiffany. Malaki ang galit sa'kin ng bata matapos ang mga nangyari. Maging ako ay gustong patayin ang sarili sa konsensyang nararamdaman ko. Dahil sa'kin, maaga siyang nawalan ng mga magulang. Siguro kung hindi ko iniwan si Zach at kung sana pumayag na lamang ako ay hindi sana ganito ang mangyayari.. ngunit kung hindi nangyari ang mga nangyari ay hindi ko naman malalaman at makikilala ang tunay kong anak.


          Itinabi ko sa kalsada ang motorsiklo ko, hinugot ang susi tsaka dumiretso sa tapat ng bahay nila Tiffany at Spade. Nakita ko rin ang mga magkakasunod na nakapark na mga sasakyan sa tapat nito kaya sa kabila na lamang ako kaya naman kailangan ko pang tumawid. Mabuti na lamang ay nakita ako ni Tiffany at sinalubong ng may ngiti sa labi.


          "Xy! Buti nandito kana." Pilit akong ngumiti sa'kanya.


          "Hm." Tugon ko na lamang.


          "Halika, ikaw nalang ang hinihintay eh. Don't worry, nandun din mga katrabaho natin if ever na galit parin sa'yo ang mga tukmol." Natawa naman ako at napatango. Ngunit hindi ko maitatagong kinabahan rin ako dahil makikita kona muli sila, si Blake at Xierra at ang mga kaibigan namin.


           Iginaya niya ako sa loob hanggang sa napunta kami sa hardin nilang malawak. Naroon ang party at mukhang nagsimula na ito. Sakto lamang ang bilang ng mga batang naroon, makukulit ang mga ito at panay ang paglalaro. Nakita ko rin ang mga katrabaho namin at sila Spade, Ethan, Kristela, Henry, Asiya, Cloud, Janina at Blake. Napaiwas ako ng tingin nang muntik nang magtama ang mga paningin namin ni Blake. Itinago ko ang kaba at bilis ng tibok ng puso ko.


          "Tara doon muna tayo kina Doc. Alvarez. Ayun sila." Agad naman kaming naglakad sa mga kapwa doktor namin. May mga nurses rin na nandoon na malapit kay Tiffany.


          "Doc! Si Xylean, Boss natin." Pabirong sabi ni Tiffany. Agad namang nanlaki ang mga mata ko. Ayokong ipinapaalam ang tungkol sa profile ko sa Hospital.


          "Bakit hindi mo agad sinabi?! Sorry pala sa mga pinagsasabi ko noon! Nako, patay na!" Agad na sabi ni Doc. Alvarez, siya iyong nakakasama ko sa k'warto, kasama iyong dalawa pang nurses. Mga ka-batch ko rin sila. "Kaya pala, Lee Xin Hospital! I'm so stupid." Natawa naman ako at napangisi.


          "It's okay, it's not my attitude na ireveal o isiwalat ang profile na meron ako." Paliwanag ko pa. Todo hingi rin ng tawad ang iba sa kanila dahil sa nalaman nila. Sumama naman ang tingin ko kay Tiffany dahil doon, tumawa lang siya.


          "May gusto pala akong ipakilala sa'yo." Tumaas-baba pa ang kilay niya na parang may binabalak. Agad napakunot ang kilay ko.


          "Sino?" Tanong ko. Napangiwi naman siya.


The Heiress Gangster 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now